Joan Everth POV
Tumigil ang isang bus na dadaan sa lugar namin, kahit maraming tao na ang nakatayo dito ay sumakay parin ako dahil 11:46pm na.
Kung iniisip nyong sa school ako galing nagkakamili kayo, galing ako dun sa inuman nga mga tropa ko.
Muling umandar ang bus, tahimik akong nakatayo doon ngunit nagulat ako ng bigla akong akbayan ng isang lalaki kasabay ng tawanan ng kasama nya.
"Miss ba't wala kang kasama? Delikado sa isang babae na maganda ang magisa sa ganitong oras." Nakangising sabi nito sabay hawak sa bewang ko
Tumingin ako sa labas nitong bus, malapit na pala ako sa lugar namin.
"Miss kina--" bago nya matapos ang sasabihin nya ay sinapak ko na sya ng pagkalakas lakas kaya agad itong natumba na ikinagulat ng mga kasama nya
Lumapit ako sa mga tropa nya.
"Putangina nyo, wag nyo na ulit ipapakita sakin yang pagmumukha nyo dahil di lang yan gagawin ko sainyo." Cold kong sabi
"PARA!!!" Sigaw ko sabay tapak sa sikmura ng lalaking nakahiga sa sahig dahilan para mamilipit sya
Agad akong bumaba ng bus na yun, halos lahat ng nakasakay doon ay nakatingin sakin pero wala akong pakialam.
KAI's POV
"Nakita nyo ba yung ginawa nya sa lalaking yun?!" Tanong ni Dyo samin nagulat na gulat tulad namin
"Malamang Dyo, may mata kaya kami." Pambabara ni Chen
Inaantok na ko, humikab ako at ipinikit ang aking mga mata
"KAI?! DI KABA NAANGASAN SA GINAWA NUNG BABAE?" Sehun
"OO NGA KAI, ANG GALING NYA!" Chanyeol
"Tch, wala akong paki. Panigurado gangster yun kaya wag nyo syang hangaan kasi umalis na tayo sa mundong meron sya diba?!" Iritado kong sabi
"Arraso." Sabay sabay nilang sabi
Kinabukasan..
Pumasok ang prof namin kaya ang maingay at magulong classroom ay biglang natahimik.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang babae na kasunod nitong pumasok
"I want you guys to meet your new classmate, please introduce yourself."
"Yo, Joan Everth nga pala. Kung ayaw nyo sakin wala akong paki." Maangas na sabi nito habang ngumunguya ng bubble gum
"Okay, Dun ka umupo." Tinuro ni Sir ang upuan sa gilid ko
"Shit." Bulong ko
Lumapit sya dito at bago sya umupo ay tinitigan nya muna ako ng nakakatakot.
Napahinga nalang ako ng malalim at inaayos ang salamin ko. Busy ang prof namin sa pagtuturo ng napansin kong tulog na pala ang babaeng katabi ko.
Natapos ang isang subject na tulog lang sya, halos wala na kong naintindihan sa tinuro ng prof namin dahil kinakabahan ako sa katabi ko, baka mapansin kasi nya ng prof namin pero buti nalang ay hindi.
Pumasok ang 2nd & last subject namin sa araw na ito kaya nagising na ang katabi ko sa wakas.
Habang nagtuturo ito ay nagulat nanaman ako ng bigla nyang ilabas ang isang lunch box.
Shit?! Kakain sya habang nagtuturo yung prof? Ugh! Muli nanaman akong kinabahan sa ginagawa nya kaya hindi na ako nakapakinig sa tinuturo nito.
"Okay, class dismissed." Napalingon ako sa prof ko at napakunot ang noo.