Claire POV
"Claireeee! Oy! Pautang." lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Ian na tumatakbo palapit sakin.
Tae! Sa unang pagkakataon kinausap nya ko at binanggit nya ang pangalan ko. Emerghed~ pero teka lang wait ano daw!?
"Ano? Ma--mangungutang ka?"
"Oo sana pwede ba?" Lord God, Okey na sana e kaso kinausap nya lang ako dahil may kailangan sya sakin? Azar.
"Name the prize." Walang gana kong sabi
"1,000 lang naman."
"1,000!? Seryoso ka na nyan!?" Bahagya syang tumawa and it's Cute and Hot!~
"Kung ayaw mo Ok lang." tatalikod na sana sya
"No, no nagulat lang ako.." kinuha ko ang wallet ko at binigyan sya ng 1,000
"Hmm. Ian kung Ok lang sana itatanong ko lang kung san mo gagamitin?"
"Hmm, Wala namin gusto ko lang iiponin--- Este! Nakalimutan ko kasi yung pera ko."
"A--ah ganun ba." parang hindi yun totoo
"Sige una na ko Claire!" sabi nya at tuluyan ng umalis ako naman ay nakatingin lang sakanya hanggang tuluyan na syang nawala sa paningin ko
"Emerghed!~ Kinausap nya ko nginitian nya ko at tinawag nya ang pangalan ko. Kyaaaaah!~" Bulong ko sa sarili ko
"Oy! para kang baliw jan." sabi ng mga kaibigan ko
"Waaaah! Guys si Ian kinausap ako."
"Ano sabi?" Bensa
"Pautang daw." sabi ko at ngumiti ng malapad kaso nawala din yun agad ng tumawa ng malakas si Phertz.
"Hahahaha! nangutang? Anong akala nya sayo bumbay? Hahaha, kawawa ka naman." Sabi nya habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mata nya, ngumuso ako.
"Ts. Atlit kinausap nya ko." Tumigil na sya sa pagtawa
"Kinausap ka nya kasi may kailangan sya, pag wala na yang kailangan sayo di ka na nyan kakausapin." pagddown sakin ni Bensa
"Wag nga kayong ganyan, masyado nyong dinadown si Claire. Pero Hahaha! Oo nga Claire akala nya siguro bumbay ka or ATM machine." Pangaasar pa ni Maris.
"Tsk! Bad kayo inaaway niyo si Claire, Ayos lang yan Claire." sabi ni Bensa at niyakap ako
Lumipas ilang araw pero hindi parin binabayaran ni Ian ang utang nya ni hindi nya nga ako pinapansin e. pagmagkakasalubong kami sa hallway or pag nasa Canteen kami hindi nya parin ako pinapansin kahit nasa iisang table lang kami naka upo at nakakapanglumo yun dahil sa tingin ko totoo nga ang sinabi ng mga kaibigan ko na kaya nya lang ako kinausap dahil meron syang kailangan sakin, nahihiya naman akong singilin sya, sa totoo nyan hindi ko naman talaga kailangan yung bayad nya gusto ko lang sya makausap muli. Tsk! Baka nakalimutan nya na yun e.
Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin ng may sumigaw sa likod ko
"Oy! Pautang!" Agad ko itong nilingon at naginit ang ulo ko
"Pwede ba Ian!? Ang yaman yaman mo mangungutang ka? Ano ako bumbay!?" nakakainis talaga! Diba pwedeng kausapin nya ako kahit wala sya kailangan?
"Sorry Claire galit ka ba?" Putek! bigla akong kumalma dahil sa boses nya a Sweet voice
"Hi--hindi, Magkano?" Putek Claire mukha kang tangaaaaa!~
"1,500 lang." Nung nakaraan 1,000 Tapos ngayun nadagdagan na ng 500 abay matindeee~
"Oh." sabi ko at inabot yung pera ngumiti sya at umalis aba'y matinde talaga.
"Jusko Ian! pasalamat ka mahal kita! Jusko talaga Uso magbayad ng utang kahit ikaw lang ibayad mo sakin." Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagpunta sa Classroom ko
Mom Calling..
kinuha ko ang cellphone ko at agad ito sinagot
"Anak, kailangan nating pumunta sa France may sakit ang lolo mo at kailangan nating asikasuhin ang companya." Nagulat ako pero wala na akong magagawa
"Ok mom."
"Ok then Our ticket is ready sa Sunday na ang flight natin. Bye!" then she ended the call
Fvck! I hate My life malas na nga sa pagibig pati ba naman sa Family?
"GHUUUUUH!~"
"Oy claire buti nanjan ka pa pwede pautang ulet? 500 lang." Nilingon ko sya at tinignan ng masama kumuha ako ng 500 at binigay sakanya
"Letche!" Sabay walkout
***
Nandito na ako sa Airport inaantay ang flight ko, Tapos na akong magpaalam sa mga kaibigan ko kaso sabi ko wag na nila ako ihatid dahil ayaw kong bumaha ng luha dito. pinasabi ko na din na wag ng sabihin kay Ian.
Nung oras na ng flight ko tumayo na ako. Ian, sa tingin ko dito na matatapos ang story natin-- ay di pala matatapos dahil hindi pa naman naguumpisa ang story natin siguro dito na ang---
"CLAIRE! OY! PAUTANG!" nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ian na gulong gulo ang buhok naka pajama at naka sando lang pero ang HOT nyaaaa~
"A..anong ginagawa mo dito!?" Lumapit sya sakin at niyakan ako
"Bakit ka aalis ng di manlang nasasabi!? wala na ako mauutangan nyan tsaka di pa kita nababayaran diba?" tinulak ko sya
"Wag muna bayaran." tatalikod na sana ako kaso na gulat ako sa sinabi nya
"Claire mahal kita."
"MAHAL MO KO DAHIL KAILANGAN MO KO O KAILANGAN MO KO DAHIL MAHAL MO KO!? Sagot!" Ngumisi sya
"KAILANGAN KITA.. DAHIL MAHAL KITA." tumulo ang luha ko
"Gago ka pala e. bat mo pa ko inuutangan?"
"Hehe, Para di mo ko makalimutan sabi kasi dun sa nabasa ko, kung gusto mong wag kang makalimutan ng taong mahal mo utangan mo tapos wag mo bayaran." sabi nya at nagkamot ng ulo
"Balew! sinunod mo naman!?"
"Oo, Effected naman diba? Di mo nga ako makalimutan."
"Shatap!" tumawa sya
"Tara na." kinuha nya ang maleta ko
"Teka? san ka pupunta?"
"FLIGHT NA NATIN DIBA?" ngumiti ako at
"Kaya mahal kita e."
"Oy! Pautang nga ng halik." sabi nya sabay halik sakin ng mabilis. BITIN! XD
FIN~•