Monaliza POV
"Okey class I have something to tell... since mag ba-Valentines na and 4th year na kayo, magkakaroon tayo ng Fair! Its Valentines Fair and for 4th year only" Maam
Tss! As if i care. Hindi ako pupunta, matutulog nalang ako! Tsaka walang Feb.14 para sakin. Pag katapos ng Feb.13 ay Feb.15 agad!
Tumingin yung mga kaibigan ko sakin and binigyan ko lang sila ng WALA-AKONG-PAKI-JAN-LOOK. Nagets naman siguro nila yun kasi bigla silang sumimangot.
"And sa Feb.14 din yung mismong Fair may mga booths like Couple Booth, Weeding Booth, Love Booth at Jail Booth para mapahuli niyo ang mga taong gusto niyo"
Bigla akong napatingin sa teacher ko. So pwede ko sya ipahuli? But.. Ugh!
Tumingin nanaman yung mga kaibigan ko sakin. Tch. Nagmamakaawa sila.
Nang natapos si ma'am ay umalis sya agad dahil may meeting daw kaya agad na lumapit sakin ang mga kaibigan ko.
"Bhe! Punta na tayo." Nagpout pa si Wendy sa harap ko
"Kayo pumunta ako hindi." Simple kong sagot
"Bat ang bitter mo sa valentines bhe?" Pangaasar ni Jazzan sakin
"Im not bitter.. Im better." Sabi ko at inirapan silang dalawa
"Please bhe? Last year na natin to sa highschool kaya sumama ka na." Pamimilit ni Wendy
Napaisip naman ako dun.
"Oo na po. Pupunta na." Walang gana kong sabi
"Yehey~ pwede mo ng ipahuli si Oliver mylabs mo sa jail booth." Pangaasar ni Jazzan
"Ulol! Di ako ganun ka disperado."
"Oh? Sa halos two years mo na syang gusto hindi parin? Wow naman." Inirapan ko si Wendy
"Mang asar pa kayo para di ako pu--" di ko natapos ang sasabihin ko ng mapako ang tingin nila sa harap ng classroom namin kaya agad ko din yung tinignan. Nakita ko si Oliver at ang barkada nya na parang may hinahanap sa loob ng room.
Napatingin sya sa gawi ko at nakipagtitigan sakin. Nakatitig lang sya sakin habang nagsasalita.
"Hi everyone. Inaasahan ko na lahat kayo ay makakapunta sa valentines fair.. lalo kana." At umalis na sya.
FUCK!!! AKO BA YUN? OMGGGG~
"BOOM PREGNANT!" Sabay na sigaw nila Wendy at Jazzan kaya sinamaan ko sila ng tingin.
FEBRUARY 14
Im so bored. Nandito ako sa classroom namin, matutulog nalang ako.
Halos lahat kasi ng student andun sa Valentines Fair. Kung sakanila Valentines ang 14, para sakin FRIDAY THE 14. Bitter.
Nagtataka lang ako kung nasan na yung mga kaibigan ko, Bigla kasi silang nawala, baka may mga kadate na sila. Nakakaiyak naman, kung niyaya lang sana ako ni Oliver edi sana wala ako dito sa apat na sulok na kwartong ito.
Sinalampak ko nalang yung earphone ko sa tenga ko at pumikit.
Naalimpungatan ako nang may bumato sa akin ng papel.
Pinulot ko yung papel. Nakakaboset huh.
Valentine na valentines tulog ka? lazy you! BTW... Para ka talagang bituin kasi kaya kitang tignan pero di kita kayang abutin :) Tss. ang korny ko pasensya na. -Gwapo♥
Nagtaka naman ako kung saan galing yun. Tinignan ko yung nasa Likod nung papel
Punta kang Canteen my lady..
Abat?! Inutusan pa ko? Kapal din ng apog nitong hinayupak na to.
Leche. baka pinagttripan nanaman ako nila Jazzan at Wendy.
May bumato ulit at tumama ito sa ulo ko. masusuntok ko na talaga yung mga kaibigan ko pagsila to.
Bilis!
Bilang isang uto uto ay pumunta ako sa canteen may nag bigay sakin ng ice cream. Ok. Ang gwapo nyee nemen.
binigyan niya ako ng papel nakalagay Jail may bumato ulit saakin.
Nakakadami na tong hinayupak na to.
Alam ko favorite mo ang Ice cream so eat well. Oo nga pala may magbibigay sayo ng papel. You need to complete it. Punta ka sa Quadrangle. -gwapo♥
tangina. Uso uto uto ngayon.
Pagdating ko dun ay may nagabot ng flowers at papel.
Booth ang nakalagay.
Jail + Booth = Jail Booth
Nagsalita yung guy
"Ate punta ka po sa jail booth"
Ngumiti siya ang Cute nya.
"Naiinis na ko kooya! Kanina pa ko lakad ng lakad nagmumukha ba kong uto uto. Mapapatay ko talaga tong may kagagawan nito. Leche." Mawala ang ngiti nya at cold na nagsalita.
"Magugustuhan mo rin naman to. Pumunta ka na dun. Arte." At inirapan pa ko.
Pagpasok ko sa Jail booth ay may banner na nakalagay.
"CAN YOU BE MY VALENTINA FOREVER?"
Biglang tumugtog yung favorite song ko.
" Ikaw na na na na by G2B Boys"
Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko ng bilang lumapit si Oliver sakin habang kumakanta.
Nagulat ata sya sa pagiyak ko kaya di nya na natapos yung kanta.
"F..fuck! Kasalanan ko to. Bat ka umiiyak, dapat di ko na to ginawa, puta. Sorry. Di dapat kita pinapaiyak, di ko mapapatawad ang sarili ko." I hugged him. Naramdaman ko ang panginginig nya.
"Haha. Kinakabahan ka." Sabi ko at nagpunas ng luha.
"B...bat mo ginawa yun?" Nakatulalang tanong nya.
"Syempre gusto kita." Diretsyo kong sabi
Nanlaki ang mata nya. Bago sya makareact ay hinalikan ko sya.
"Bat mo ginawa yun?" Nakangiting sabi nya
"Syempre.." pinutol nya ang sasabihin ko
"Gusto kita." Naghiyawan ang tao sa paligid
"OLIVER~ BINATA KANA DUDE!" natawa naman ako dun
"Sinira mo ang diskarte ko dahil sa pagiyak mo." Halatang iritado sya
"So sinisisi mo kong hinayupak ka? Pinaglakad mo ko hanggang dito tapos aawayin mo lang ako?! Jusko---" nagulat ako ng may tumulong luha sa mata nya
"Sobrang saya ko. Di ko inaasahan na gusto mo rin ako. Tuwing magkakasalubong tayo sa hallway ni di ka tumitingin sakin.. binato mo ko ng sapatos nung nabangga kita.. tapos shit! Muntik muna ko sapakin nung natapon ko yung Icecream mo.."
Yeah. Ginawa ko yun, tch. Its my own way to express my feelings. Ibang klase diba?"Shh. Shut up. Ang bakla mo." Nagpapunas sya sa luha nya.
"Nagmamahal lang."
Kikiligin na sana ako ng biglang...
"Tangna. Nagugutom na ko. Ang drama mo, ilibre mo ko."
Nanlaki lang ang mata nya"Pero di mo pa--"
"Nagugutom na nga ako! Tsaka anong klase kang boyfriend ko gugutomin mo lang ak--- wait lang naman!"
Hinatak nya ko papuntang canteen."Pabili nga po lahat nyan. Ayaw mo magutom yung baby sa tyan ng asawa ko eh."
FIN