Juralyn POV
"Alam mo Lyn, sabi nila tsaka mo lang daw malalaman ang halaga ng isang tao pag nawala na to sayo." Seryosong sabi ni Anna
"Anong ibig mong sabihin?" Natagtataka kong sabi
"Umalis ka, layuan mo si Lay. Nang sa ganun ay marealize nya na--" Pinutol ko ang sasabihin nya
"W..wait nga! Gusto mo umalis ako at iwan ko si Lay? Shut up Anna." Iritado kong sabi
"Juralyn naman! Bestfriend mo ko kaya ayaw na kitang nakikitang umiiyak, nahihirapan at nasasaktan sa 'twing binabalewa ka ng Zhang Yixing na yun! Isa ka sa libo libong naghahabol ngunit walang napapala sakanya girl." Inis na sabi ni Anna pero di ko sya sinagot
"Next week na ang alis namin nila Lovelee at Eya papuntang Amerika at desisyon mo nalang ang hinihintay namin kung sasama ka." Dagdag nya pa
"Anna.. alam nyo naman na mahal na mahal ko si Yixing mga bata palang tayo diba?" Paliwanag ko
"At alam din natin na mga bata palang tayo ay balewala kana sakanya." dahil sa sinabi nyang yun ay kumirot ang puso ko
"Just text us kung sasama ka samin." Tumalikod nya sya
"A..anna, tingin mo ba paglumayo ako magkakaroon sya ng pake sakin? Sa sobrang dami ng babaeng may gusto sakanya ay alam kong balewala lang ako.. at yun ang kinakatakot ko Anna, yung mawala ako sa tabi nya pero wala lang din yun sakanya."
"Kaya nga natin susubukan diba?" Yun lang ang sagot nya at tuluyan ng umalis
Napahinga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papunta sa room ko ng makita ko si Lay na naglalakad magisa sa hallway. Agad akong tumakbo para mahabol sya.
"Lay! Sabay na tayong pupunta sa room." Masigla kong sabi ngunit wala akong natanggap na sagot mula sakanya
"Ahm. Lay, kinain mo na ba yung cookies na binigay ko sayo kanina? Home made yun~"
"cookies? Walang kwenta.. tinapon ko na. Pati aso ko ayaw yung kainin, yun ang pinakawalang kwentang cookies na natikman ko." Sabi nya ng hindi manlang lumilingon sakin.
Naramdaman ko ang paglabo ng mata.
"Juralyn.. wag kang iiyak please." Bulong ko sa sarili
"Ahm. eh yung binigay kong t -shirt sayo? Nagustuhan mo ba? Alam mo tagisa tayo nun." Iniiwasan kong mag crack ang boses ko
"Ayun ba? baduy kaya tinapon ko." sabi nya sabay hikab
"May practice kaba ng basketball mamaya Lay? Pupunta ako para may kasama ka." Shit, tutulo na talaga tong luha ko.
"Di ko na kailangan ng isa pang alalay, si Jerlie at Arra nagpresenta na sila kanina." Hinawi nya ang buhok nya
"Napakawalang kwenta nyo talaga, ilang beses ko na kayong pinagtatabuyan pero wala parin yun sainyo? I want a normal life, fuck you all." halata sa boses nya ang inis
"Mahal kita Lay, mga bata palang tayo mahal na kita alam mo yan." Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako
"Hahahaha! Minahal mo ko dahil sa isang candy na binigay ko sayo nung makita kitang umiiyak. Fuck Juralyn, mamahalin mo ba ko kung di kita binigyan ng candy ng mga oras na yun huh?!" Galit na sya... galit na galit..
Nilagay nya ang kamay nya sa bulsa nya at muli akong tinalikuran
"STOP.CHASING.AND.LOVING.ME.JURALYN.. kasi kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan tandaan mo yan." nagsimula na syang maglakad