Para ♥

583 25 4
                                    

Monica POV

"Ang tagal naman ng jeep." Bulong ko sa sarili ko at tumingin sa orasan ko. Inangat ko ang tingin sa ulap na sobrang itim.

"Uulan pa ata, wala akong payong." Muli kong bulong sa sarili ko.

Halos kalahating oras na ang nakakalipas ng lumabas ako sa campus namin pero hanggang ngayon di parin ako nakakaalis.

Nagsimula ng umambon at ang mga kasama ko dito na naghihintay ay naglabasan na ng kani-kanilang mga payong. Tsk! Wala akong kakilala sakanila pano na yan. Ilang minuto lang ay bigla ng bumuhos ang napalakas na ulan.

"Haist!" Sisilong na sana ako ng bilang may tumabi sakin at pinayungan ako.

"Tch. Kababae mong tao di ka nagdadala ng payong? Magisip ka nga next time." Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa may hawak ng payong, inangat ko ang tingin ko sakanya at nakita ang isang Greek God na si Jack. Napaayos ako ng tayo at humawak sa dibdib ko na kasalukuyang sobrang bilis.

"D-di ko naman kasi alam na uulan." Paliwanag ko

"Pati naman ako di ko alam na uulan pero may payong parin ako. Tch."

"Shut up." Sabi ko sakanya.

"Wooh~ Ms. President ng student council, pinapaalala ko lang na wala tayo sa loob ng campus para magsungit ka ng ganyan at baka nakakalimutan mo.." lumapit sya sa tenga ko at bumulong

"Ako may payong.. ikaw wala." Agad syang ngumiti ng malapad.

"Tsk! Wait nga Mr. Detention--"

"Ops. Ms. President, wag mo kong matawag tawag na Mr. Detention, kaya lang naman ako nandun lagi dahil--" napansin kong nanjan na yung jeep kaya pinigilan ko din sya sa sasabihin nya

"Ops ka din Mr. Detention, Nanjan na yung jeep kaya tama na ang pagiging madaldal." Ngumisi ako sakanya

"Salamat sa payong, Jack.." agad akong tumakbo papasok ng Jeep. Shezsh! First time ko syang tinawag sa pangalan nya at halata sa mukha nya ang gulat.

Habang pinupuno pa yung jeep ay sinalpak ko sa tenga ko ang earphones at vinolume ito ng 90 percent pinikit ko ang mata ko.

Naramdaman ko ang pagkuha ng isang earphone ko sa tenga ko kaya agad kong nilingon ang hinayupak na yun kung sino man sya.

"Hey-- Jack?!" Kasalukuyan nyang nilalagay yung earphone sa tenga nya, kaya tag isa na kami ngayon.

"Why so shock Monica?" Napalundag ang puso ko ng tawagin nya ko sa pangalan ko.

"Ahh-- anong ginagawa mo dito? Diba may sasakyan ka? Bat ka nagjjeep."

"Wala kang pake." Sumandal sya sa Jeep at pumikit

"Ang kapal din ng mukha mong makishare sa earphones ko no?" Inirapan ko sya kahit nakapikit sya, bigla naman syang ngumisi.

Ugh. Mukha talaga syang Greek God.

"Oh! Isa pa dito sa kanan paki usog nalang oh!" Sigaw ni kuya.

Agad akong umusog pero si Jack walang paki alam kaya agad ko syang hinampas

"Jack. Umusog ka dito." Dumilat sya at umusog.

"Shit ka. Sabi ko usog, wag mo kong piratin. Tangina mo!"

"Hahaha. Cute mo jan." Tinulak ko sya ng bahagya.

"Leche ka." Kinuha ko na ang isang earphone ko sa tenga nya at pumikit. Nagsimula na ding umandar yung jeep.

"Ay palaka." Napadilat ako ng biglang tumigil ang jeep, dahil sa lakas nito ay napasubsob ako sa dibdib ni Jack. Tinangal ko ang earphone sa tenga ko.

Hmm. Ang bango nya~

"Wag mo naman ubusin yang pabango ko Ms. President." Napaayos ako ng upo.

Katahimikan ang nabuo sa pagitan naming dalawa.

"Hmm. M-monica." Pagbasag nya sa katahimikan

"Oh?" Nilingon ko sya, agad syang napaiwas ng tingin sakin at nagkamot, nabaling ang tingin ko sa labas ng jeep. Omo?!

"Pwede ba ko---"

"MANONG~ PARA!" Agad na tumigil ang jeep. Nilingon ko si Jack na kasalukuyang nakatingin sakin

"Sa School mo nalang sabihin. Lagpas na ko. Thanks." Agad akong bumaba.

Napahinga ako ng malalim. Sayang.

Weeks past...

Ilang linggo na ang nakakalipas at di ko na nakikita si Jack. Di na rin sya nadedetention. Miss ko na ang makulit na yun.

Bilang isang President gawain ko ang magikot sa campus para makita kung may kaayusan o may nangyayaring di maganda dito.

Napahinto ako sa isang room na sarado ang ilaw at halatang walang tao sa loob. Sa gantong oras dapat lahat ng classroom ay bukas na ang ilaw at nasa loob na rin ang mga estudyate.

"Tsk. Malamang isang pasaway na estudyante nanaman ang may pakana nito." binuksan ko ang pintuan at agad na kinapa ang switch ng ilaw sa gilid.

Lumiwanag ang buong classroom at napako ang atensyon ko sa mga papel na nakadikit sa black board. Isa isa ko itong binasa.

Hi Ms. President na masungit. Bat lagi mo kong iniisnob? -Greek God

Napakunot ang noo ko.

Ms. President kanina lumapit ako sayo para sana magpakilala pero nakatuon ang atensyon mo sa mga pasaway na estudyante. Haist. Napakaganda mo talaga lalo na pagnagagalit. -Greek God

Napailing ako..

Magiging pasaway na estudyante na rin ako para lagi mo kong mapansin. Sinira ko kanina yung mga upuan kaya agad mo kong hinila papasok ng detention. Grabe. Mas maganda ka pala sa malapitan. -Greek God

Napangiti ako..

Ms. President. Sinabunutan mo ko kanila nung pinindot ko yung bell. Haha! Naglabasan tuloy lahat ng estudyate. Nadetention nanaman ako. -Greek God

Kilala ko na kung sino to.

Woy. Kanina denitention mo nanaman ako! Tae ka. Wala naman akong ginagawa huh? Natulak ko lang si Ma'am Lim sa hagdan. Hahahaha!" -Greek God

Haist. Jack Chua.

Ms. President.. ako si Mr Detention o Greek God ng school natin. Ginagawa ko ang lahat para mapansin mo. Araw araw akong nasa detention pero okay lang, katapat naman nito ang lugar kung saan lagi kang nagbabantay eh. Mahal kita Ms. President. -Jack

"Kundiman by Silent Santuary"

Para kang asukal
sinta mismong mag mahal~
Para kang pintura
buhay ko ikaw ang nagpinta~
Para kang unan
pinapainit mo ang aking tyan~
Para kang kumot
na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot~

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Jack kasama ang kaibigan nya habang kumakanta.

"Ms. President. Natakot ako na ilagay lahat ng sulat na yan sa locker mo. Sumabay ako sayo sa Jeep para makapagtapat kaso bigla kang nagpara. Badtrip diba? Pero kung di dahil sa salitang Para di ko makakanta yung kundiman."

Nginitian ko sya.

"Ano ba Ms. President wag mo kong nginingitian ng ganyan."

"Para akong nasa langit sa mga oras na to Mr. Detension." Lumapit ako sakanya at hinila ang kwelyo nya palapit sakin.

"6 hours ka sa detention ngayon dahil dito sa ginawa mo di na nakapagklase ang nasa room na ito at paguusapan natin to sa detention room."

Ngimiti sya.

"Yes Boss!" Nagsalute pa sya kaya nginitian ko sya.

"At kayong dalawa. Kunin nyo lahat ng sulat at linisin nyo ang classroom na to!" Utos ko sa kaibigan ni Jack

"Tara na Mr. Detention. Pananagutan mo pa ang panggugulo sa puso ko."

FIN~•

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon