Bedroom Stories Chapter Two

3.3K 12 0
                                    

Sa wakas ay nakarating din sa bahay si Alona. Magisa lang siyang naninirahan sa bachelor flat niyang iyon, mas feel niya kasi ang independent na ambience. Kagagaling lang niya sa bonding session ng kanyang mga amiga sa Hurricane bar. Masakit ang katawan niya dahil sa pagtratrabaho pero dahil nagkainuman na din kanina ay mas naging okay ang pakiramdam niya. Maya maya lang ay tumawag na ang kanyang asawa na kasalukuyang nasa Pilipinas. Naaprubahan na kasi ang visa nito at ilang araw mula ngayon ay makakasama na niya ito sa Hong Kong. Excited na excited na siya. "Talaga, nakapag book ka na ng ticket?"

"Oo baby, yung iba ko ding gamit ay nakaimpake na."

"Wag kang magalala, ihahanda ko din itong munti kong bahay para pagdating mo happy happy na tayo. I'm so excited, I just can't hide it!" Natawa ang asawang si Martin.

"Ako din excited na. Ano kamusta yung lakad niyo kanina?"

"Ayun nagkainuman ng konti, tapos usap usap."

"Sigurado sumayaw ka na naman sa dance floor."

"Hindi ako sumayaw. Masakit din naman kasi ang katawan ko dahil busy sa office. Nagkakwentuhan lang talaga, napagusapan nga si Mia doon, balak na daw niyang i try yung CS."

"Anong CS?"

"Cyber S, ano ka ba? Yung madalas nating ginagawa!"

Pagkauwi na pagkauwi ni Mia sa bahay nila ay sakto namang walang tao. Dali dali siyang pumunta sa banyo at naligo. Excited na siya sa surpresa niya kay Michael, kung kaya naman after five minutes na shower ay binuksan niya na ang laptop niya at nag sign in sa yahoo messenger at skype para sigurado. Kinuha pa niya ang scented candle na pinakatago tago niya at saka sinindihan. Nagsuot siya ng large na puting t shirt at saka nag undies. Pagkapatay niya ng ilaw ay saka siya pumuwesto. Alas dose na ng gabi, late lang siya ng halos treinta minuto mula sa napagusapan nilang oras ng pago online. Ganito ang routine niya sa araw araw. Pagkagising sa umaga, tatawag o magte text kay Michael, papasok sa opisina at mago online ng patago kung hindi sa iphone, sa msn na siyang gamit ng kanilang opisina. Pagkauwi sa bahay, kakain lang siya tapos mago online na naman. Pero magkaganoon pa man, kahit gaano kalaki ang oras na binubuhos niya dito ay hindi pa din siya sigurado kung mahal nga niya ito. Nakilala lang niya si Michael through a common friend at magmula noon ay chat na sila ng chat, hanggang sa naging sila na nga. Una silang nagkita ilang buwan na ang nakakalipas. Naexcite pa siya noon, dahil matapos ang ilang taon na pagiging single ay meron na ulit siyang bagong papa. Mabait naman si Michael, si Michael na merong balbas at mahilig sa black, black shades, black shirt black pants, basta black. Buti na nga lang at hindi nakaone sided ang buhok niya at sa halip ay naka gell na pataas dahil kung hindi ay mukha na siyang emo ranger. Sampung minuto naghintay si Mia, pero hindi pa din nago online si Michael. Kinuha niya ang iphone at saka nag dial. Kahit palagi siyang naglo long distance, ay okay lang, ganoon naman din ito sa kanya. Noong unang dial ay nag ring lang ng nag ring ang phone, "Nasaan na kaya ang lalakeng yun? Sabi 11:30???" Naiinis na sambit ni Mia. Dahil medyo nainip ay nag sign in muna siya sa facebook at nag browse ng kung anu ano, "Inupload na pala ni Dianne ang pictures namin kanina sa Hurricane." Ni like niya ang picture saka itinag ang sarili. Nagbasa din siya ng mga status ng kanyang mga kaibigan, nakitingin ng picture ng may picture, nanood din siya ng na miss niyang episode ng imortal. Wala naman kasi silang cable kaya umaasa lang siya sa upload ng isang site sa internet.

Sa kabilang banda ay ka chat ni Alona ang kanyang dating classmate sa high school na si Janine. Kasalukuyan itong nasa Cavite at nagtra trabaho bilang teller sa isang bangko. Eto ang kanilang conversation.

Janine: Hi Alona, busy ka ba?

Alona: Hindi naman nag che check lang ng facebook at cityville.

Janine: Ay naglalaro ka din niyan?

Alona: Hindi, nangungulit lang si Martin na laruin ko yan para matulungan ko siya dito, pangasar nga eh. O ano kamusta na kayo ni Boy? (Si Boy ang boyfriend ni Janine, matangkad ito, moreno, medyo mahiyain at matanda kay Janine ng tatlong taon).

Janine: Eto okay naman, text text tapos nagkikita pa din twice a week.

Alona: Eh ang sexlife? Wahahaha.

Janine: Wala nga eh, one month ng wala.

Alona: Grabe naman, one week normal pa, pero ang wala sa isang buwan, hmmm... iba na yan.

Janine: Hindi naman kasi kami makatyempo, busy din sa work. Kakainis nga eh.

Alona: Oo nga pala, babalik na dito sa Martin!

Janine: Talaga? Wow congrats! Mafi feel mo na talaga ang buhay may asawa.

Alona: Oo nga, in short meron na akong fuck life. Este sex life. Wahahahaha!

Masamang masama na ang loob ni Mia, hindi man lang nag online ang gago. Nakailang missed calls na ba siya dito? Halos beinte na ata, ni isa wala man lang sinagot. "Nasaan na kaya ang mokong na iyon?" mangiyak ngiyak na sabi ni Mia. Hindi siya makapaniwalang magagawa yun sa kanya ni Michael. Well, ilang beses na din naman ito ginawa sa kanya kaya ano pa ba ang aasahan niya? Kaya siguro nawawala ang pagtingin niya dito dahil sa pangit na ugaling pinapakita nito. "Ano nga ba naman itong kagaguhang pinagiiisip ko? Kung mahal ko siguro siya, siguro pwede pa." Nag log out na si Mia at saka tumayo at hinipan ang mga sinindihang kandila. "Sayang ang scented candle, baka mamaya masunugan pa ako. Makatulog na nga lang." At dumapa na nga si Mia sa kanyang kama hindi alintana na mula sa konting bukas ng kurtina ay kitang kita mula sa labas ang puti niyang panty.


Bedroom StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon