Iba na talaga ang nagagawa ng teknolihiya ngayon sa tao, tulad na lamang ng facebook. Makikita at mami mit mo ang mga dati mong kaibigan, mga kakilalang hindi mo naman dati ka close at pati na din ang mga kapamilyang hindi mo alam na meron ka. Sa facebook nakakabuo ng something new from something old.
Sa sitwasyon ni Ryza, isang umaga habang walang ginagawa sa office ay nakita niya ang isang friend request. Friend request iyon ng dati niyang classmate sa high school, it was fifteen years ago, sa pagkakaalala niya. Pinindot niya ang icon na accept at saka tiningnan ang profile ni Lorenz Malavega. Paano nga ba niya makakalimutan ang lalakeng ito? Noong high school sila ay si Ryza lang ata ang hindi nakakapansin na gwapo ito. Lagi naman kasi ito pinagtitilian ng mga girls kahit pa ang mga barkada niya. Varsity ito noon sa basketball at si Ryza naman ay varsity sa volleyball. Matalinong bata si Ryza, masipag magaral kung kaya naman ay wala siyang nakikitang lalake noon. Nang biglang may nag pop up na chat box galing kay Lorenz na siyang kinalundag ng puso ni Ryza. Hindi niya alam pero biglang nanlamig ang bawat kalamnan niya.
Lorenz: Hi!
Ryza: Hello
Lorenz: Naaalala mo pa ako?
Ryza: Syempre naman. :)
Lorenz: Hehe nice naman, kamusta naman ang varsity player ng volleyball dati na kahit kailan ay hindi ako pinansin?
Ryza: Anong hindi pinansin? Nagpapapansin ka ba sa akin noon?
Lorenz: Oo kaya, ikaw lang itong may ayaw sa akin.
Ryza: Masyado ka kasi presko noon, hahaha!
Lorenz: Grabe naman, anyway sorry ka na lang dahil presko pa din ako ngayon.
Ryza: Ganoon? Bakit naka single status mo? Single ka pa din ba?
Lorenz: Sa kasamaang palad, medyo.
Ryza: Anong medyo?
Lorenz: Half single, half committed.
At doon na nga nagsimula ulit ang something old na naging something new nina Ryza at Lorenz. Hanggang nga sa dumating na ang lunch break ay magka chat pa din sila. "Ryza, ano bababa ka pa ba o may baon ka?" tanong ni Sarah na kasama si Dianne para bumaba at kumain.
"Hindi, sige dito na muna ako." at muli ay bumalik sa pakikipag chat si Ryza, feeling niya sa edad niyang iyon ay nabuhayan siyang muli ng dugo.
Matapos ang lunch break ay nagtungo sa smoking area (isang maliit na eskinita) sina Dianne at Sarah. Katatapos lang nila kumain sa burger king at tulad ng palagi nilang ginagawa pagkatapos kumain ay kumuha sila ng isang sigarilyo at saka sinindihan. Parehong napasandal ang dalawa sa isang dingding habang humihithit. "Alam mo ba Dianne, naguguluhan na ako."
"Pareho lang tayo Ate Sarah. nahihirapan na ako kay James."
"Pareho pala tayong may problema sa love life." natatawang tugon ni Sarah. "Alam mo ba na si Richard niyayaya na akong magsama kami, sabi niya hiwalayan ko na daw ngayon ang asawa ko."
"Sinabi niya iyon? Seryoso ba siya?"
"Napaisip nga ako bigla eh, kaya nga kanina di ba medyo tahimik ako sa office dahil nagiisip ako kung dapat ko nga bang i give up ang family na meron ako ngayon. Alam mo naman ngayon ang asawa ko di ba? Labas pasok lang sa bahay namin? Ni hindi man lang kami naguusap. Ang tanging kausap ko lang sa bahay kung hindi ang anak ko ay ang katulong. Si Mark hindi mo man lang makakausap ng maayos. Lagi siyang lasing sa madaling araw o sa umaga pag nagkikita kami. Nakakasawa na. Parang gustong sumama kay Richard pero iniisip ko ang anak ko kay Mark. Matatanggap niya kaya? Baka hindi niya kayanin."
"Ang hirap nga ng sitwasyon mo, kung ako ang nasa kalagayan mo hindi din ako makakapag decide agad."
"Matagal na itong sinasabi sa akin ni Richard, actually. Pero isa sacrifice ko ba ang marriage ko?"
"Meron nga bang marriage? O kasal lang talaga kayo sa papel? Isipin mo yun, Ate." sagot ni Dianne sabay hugot uli ng isa pang sigarilyo, sinindihan ito at saka hinithit.
"O, bat ka humihithit ng pangalawa ngayon? Usually nakakaisa lang tayo ah."
"Stress din ako Ate, hindi ko na malaman ang gagawin ko sa buhay ko."
"Ano naman status niyo ni James?"
"Marami kasi akong naririnig na may communication pa din si James sa asawa niya at talagang in good terms pa sila. Si James naman todo deny pero nang tingnan ko ang cellphone niya, nakita ko mga text niya sa asawa niya, merong 'i love you'!" mangiyak ngiyak na kwento ni Dianne. Inabutan siya ng tissue ni Sarah at hinagod sa may likod.
"Tama na yan Dianne, ewan ko ba sa mga lalakeng ito, ang gaganda naman natin pero bakit nila tayo ginaganito?"
"Oo nga eh, ang sakit sakit alam mo yun? Para namang hindi nila tayo niligawan in the first place, kung hindi naman sila sigurado na mahal nga nila tayo at mamahalin hanggang huli, sana wag na lang. Ang sarap mag suicide!"
"Wag ka nga magisip ng ganyan. Alam mo mabuti pa samahan mo na lang ako sa pharmacy." untag ni Sarah. "Habang may five minutes pa."
"Bakit, anong bibilhin mo?" sabi ng humihikbing si Dianne.
"Bibili ako ng douche, yung para sa puke? Pampalinis, dapat gamitin ng mga babae twice or once a month. Katatapos lang din kasi ng period ko so actually it is really necessary."
"Ano ba hitsura noon?" Kinuha ni Sarah ang phone at saka sinearch ang picture ng douche.
"Eto o."
"Ano yan?" nabiglang tanong ni Dianne.
"Douche nga, ipapasok mo yan sa vagina mo and you just keep on pressing, para mas malinis at mas mabango. Medicated ang bilhin mo para mas malamig sa pakiramdam. Pag priness mo yan, mafi feel mo yung rush niyan sa loob mo, naiisip ko nga mas okay pa to kaysa doon sa tunay na nilalabas ng lalake." paliwanag ni Sarah.
"Haha, ganoon? Hindi nga?"
"Oo nga, para yan sa may mga sex life."
"Ikaw ba meron? Eh di ba cyber sex life lang meron ka? Wala namang nangyayari sa inyo ni Mark?"
"Kahit na no, sex pa din yun."
"Buti pa si Alona no? Darating na ang asawa niyang si Martin." nabanggit ni Dianne.
"Ngayong gabi na ba yun?" tanong ni Sarah.
"Oo, may sex life na ulit ang gaga. Yun, physically na talaga yan, bilhan nga natin siya ng ganito."
Kinagabihan ay nagmadaling umuwi si Alona sa bahay nila. Tapos na siyang maglinis ng bahay kung kaya naman ay relax na lang siya. Sakto kasi after one hour ay dating na ni Martin sa Airport. Actually umuwi lang siya para maligo para mamaya pagdating nila dito sa bahay ay hindi na niya kailangan pang maligo at diretso kama na. Malaking tulong ang ibinili sa kanya kanina ni Dianne na douche bilang panlinis. Feeling niya tuloy ngayon ay fresh na fresh siya, sariwang sariwa. Suot niya ang isang long sleeve na coat at sa loob nito ay guess what? Isang purple na lingerie. Ilang buwan na din siyang tigang na tigang, kahit pa nagcha chat sila ni Martin ay ibang iba talaga kapag nahahawakan mo na talaga siya. Thirty minutes ang biyahe papuntang airport at talagang kumakabog ang dibdib niya. Sakto nga lang ang pagdating ni Alona sa airport dahil sakto ding lumabas si Martin mula sa arrival hall. Dali dali niya itong sinalubong at mahigpit na niyakap. "Baby, I've missed you!" sabi ni Alona na ang ngiti ay abot hanggang batok.
"Na miss din kita baby." at ayun na, sa wakas ay naglapat ang labi ng dalawa.
Pagdating nila sa bahay ay dali daling tumungo ang dalawa sa kama matapos ilapag ang ilang bagahe sa sahig. Tinanggal ni Martin ang butones sa coat ni Alona at laking gulat niya nang makita ang lingerie na suot nito. Bigla siyang nakaramdan ng pagkasikip sa kanyang suot na brip.

BINABASA MO ANG
Bedroom Stories
RomanceIstorya ng 5 magkakaibigan, kanilang tagumpay, kabiguan, pamilya, pagkakaibigan, pag-ibig, at mga kuwentong nagtatago sa loob ng kanilang mga kwarto.