Bedroom Stories Chapter Six

1K 5 0
                                    

Life is all about making choices, decisions. Everyday we have to make a lot of it, and of course, we, in good faith, choose what we think is the best for us.

"Honey, yohoo..." mula sa binabasang libro ni Alona ay tumingala siya at tumugon sa tawag ng asawa na kakalabas lang galing sa banyo. Nakita niya ang isang hubad na lalake na tanging puting tuwalya lamang ang nakabalot sa may puwetan. Sumasayaw sayaw pa ang bagong ahit na si Martin na parang macho dancer, tuloy ang pag akit sa asawa. Natawa naman si Alona dahil kitang kita niya ang pag tigas at paglaki ng ari ng asawa, "Ano, ready ka na ba?" Napabuntong hininga si Alona. "O bakit anong problema?"

"Honey Baby, hindi pa ako dinadatnan. I'm delayed for like two days."

"Two days lang naman di ba? Wag kang masyadong mag worry."

"Alam mo naman na hindi pa tayo ganoon ka prepared, kabado din ako dahil daming gastos nito pag nagkataon."

"Ano ka ba, wag mong isipin yan. Kung dadating man ang baby natin na yan, then it's a blessing. Ayaw mo nun, mabubuo na ang family natin?"

"Alam mo kasi marami akong kilalang couple na mula nang magkaanak, tumabang na ang pagsasama, feeling ko din naman kasi hindi ko pa nalulubos na tayong dalawa lang."

"Nandito lang naman ako baby, hindi naman din ako aalis, and we still have lots of time, actually pwede mo na din simulan ngayon ang paglulubos na yan na sinasabi mo."

"Naman eh, Baby seryoso ako." nagsimulang halikan ni Martin sa leeg si Alona na naging dahilan kung kaya natanggal ang nakatakip na tuwalya nito. "Pwede ba takpan mo yan, hindi ako makapag concentrate sa sinasabi ko sayo." ani Alona sabay halakhak.

"O ba't tahimik ka?" tanong ni Mark kay Sarah habang kumakain sila ng hapunan sa kanilang bahay. Wala sa mga oras na iyon ang teenager nilang anak dahil nasa kaklase nila ito. Isang linggo na silang okay, walang nanggugulo so far. Mabuti na lamang at natanggap ni Richard na kinailangan ng makipag hiwalay ni Sarah sa kanya sa dahilang gusto na nito ayusin ang pamilya. Mahirap man gawin dahil kahit papaano ay minahal niya din si Richard. Isang linggo na silang walang kontakan at hanggang ngayon ay hindi niya pa din niya makalimutan ang huling sinabi sa kanya ni Richard.

Maghihintay ako sayo, wag mong kalimutan yan. Alam kong wala pa akong napapatunayan sayo pero sana malaman mo na tapat naman ako sayo. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Naiintindihan ko na kailangan mo ayusin ang pamilya mo, pag nagka problema, lagi naman akong online, message mo lang ako.

"Heart, nakikinig ka ba sa sinasabi ko sayo?" tanong uli ng asawa niya. Uminom siya ng tubig at ngumiti lang ng pilit.

"Okay lang ako, masama lang pakiramdam ko. O ano nagustuhan mo ba ang ulam?"

"Oo eh all time paborito ko ito di ba? Kaldereta!" masiglang tugon nito.

"Akala ko ba adobo ang paborito mo?" Mukhang napaisip ito ng ilang saglit.

"Adobo din pala syempre." tahimik nitong tugon. Natahimik si Sarah, dahil hindi naman siya marunong magluto ng kaldereta. Saan siya nakatikim ng kaldereta? Malamang sa naging babae nito. Pinilit na lamang alisin ni Sarah ang mga ito sa isipan.

Kinagabihan ay nauna ng pumasok sa kwarto si Sarah. Medyo madaming trabaho sa opisina kanina, kinakailangan na niyang magpahinga. Dalawang oras na siyang nakakatulog nang bigla siyang naalimpungatan. Napatingin siya sa kanyang tabi, wala doon ang asawa niya. Nasaan na kaya ito? Napatingin siya sa orasan, alas dose na pala ng hatinggabi. Bumalikwas siya at dahan dahang lumabas ng kwarto para hanapin ang asawa. Nang biglang nakarinig siya ng parang alingoyngoy na kalaunan ay nalaman niyang bulong. Kung hindi siya nagkakamali ay si Mark iyon na may kausap sa telepono. "Gina, di ba sinabi ko sayo wag kang tatawag? Sabi ko di ba ako na lang ang tatawag sayo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sarah. Hindi ito maaari. Kinuha niya ang extension at tumungo sa kwarto at mula doon ay nakinig sa paguusap nila.

"Hindi na ako makatiis eh. Nami miss ka na ni Johan, di ba kaka two months lang niya kahapon? Tsaka miss na din kita." sabi ng babae sa kabilang linya.

"Ubos na ba yung binibigay ko sayo na panggatas niya?"

"Oo medyo ubos na, kaya bumisita ka na dito sa lalong madaling panahon. Kailan ka ba makakadalaw dito?"

"Baka bukas, day off ko pa rin naman. Sa umaga pag alis ni Sarah papuntang work, pupunta na ako diyan, okay?" malambing na tugon ng asawa.

"Hindi na ako makapag hintay, I love you."

"I love you too."

Kaya mo nga bang panindigan ang desisyon mo, kahit ba sa simula pa lang ay maling mali na ito? Kung mali ang naging desisyon mo at kung sinuswerte ka, pwede ka pang umatras sa pinili mong landas. Pwede ka pang sumaya, pwede ka pang magmahal muli. Pwede ka pang umasa na hindi ka na masasaktan pang muli.

Nagulat na lang si Sarah sa sarili niya, dahil ni hindi man lang siya naiyak, sa halip ay napangiti habang sinusubukang bumalik sa pagtulog. Bukas na bukas ay hindi siya papasok, aayusin niya na talaga ang pamilya niya, ang tunay na nagmamahal sa kanya. At this time, mas magiging wise na siya sa pagpili ng taong mamahalin habambuhay.


Bedroom StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon