Bedroom Stories Chapter Seven

1.2K 7 0
                                    

Happy ending. Is there such thing? Noong bata pa si Sarah, nang mag boyfriend pa lang sila ni Mark, iisa lang ang naging pangarap niya. Gusto niyang magkaroon ng happy ending, tulad ng mga nababsa niya sa mga fairy tales na libro. Yung tipong may mga katagang And they lived happily, ever, after. Ang sarap sarap pakinggan, hindi ba?

Makalipas ang halos labing limang taon, nagbago na ang pananaw niya. Hindi pala totoo ang mga nababasa niyang happy ending. Isa lamang pala iyong malaking joke. Kung may kontrol lang siya sa mga napupublish na libro, siguro pinatanggal na niya ang mga librong may happy ending, "It will just poison minds, disappoint you and will break your heart." aniya sa sarili. Ngayong malaki na siya, natanggap na niyang hindi lahat ng magasawa ay nagkakaayos kahit gawin mo pa ang lahat.

There are some people who are meant to love each other, but not meant to be together, forever.

Kung nadapa ka, masuwerte ka kung may tutulong sayo. Sa kaso ng pagkahulog ni Sarah, naroroon si Richard para alalayan siya. Nang nalaman ni Richard na nagkahiwalay na ang magasawa, mula sa ibang bansa ay pinuntahan niya si Sarah. Right then and there ay nagbook na siya ng ticket pauwi. Isang linggo lamang silang hindi nagkakausap nito kaya sobrang miss na niya ito. At nang dumating nga ang panahon na hinihintay niya, ang panahon na kailangan na siya ni Sarah, handa siyang iwan ang lahat para dito.

Inilipat niya si Sarah ng ibang matitirhan, inalagaan niya ito at minahal hanggang sa maghilom ang peklat na iniwan ng kahapon. "Mahal nga talaga ako ng Diyos, alam niyang malulungkot ako, kaya pinadala ka niya sa akin. Alam niyang ikaw lang ang taong makakatulong sa akin, ikaw lang ang taong magmamahal ng tapat, sa sitwasyon ko ngayon, sino pa ba ang magmamahal sa akin? Sino pa ang tatanggap sa tulad ko? Ikaw lang, ikaw lang ang nagpatunay sa akin na I'm worth it." sabi ni Sarah kay Richard. Kasalukuyan silang nasa yate na naglalakbay patungo sa isang isla ng Hong Kong. Kasama nila ang tropa at ilan pang kakilala. Kaarawan kasi Mia kung kaya naman ay nagplano na lang sila na mag outing tutal linggo naman kaya bakante ang lahat.

"Wag mong sabihin yan, ikaw ang nagligtas sa akin. Hindi ako naniniwala na kaya mo kong iwan, alam kong mahal mo din ako."

"Salamat Richard."

"I love you Honey."

"God knows I love you too." tugon ni Sarah.

"Ano, shot pa!" yaya ni Ryza sa kanyang mga kasama sa table. Magkatabi sina Alona at ang asawa nito na si Martin, naroroon din ang birthday girl na si Mia.

"Ate Ryza, kamusta naman pala kayo ni Lorenz ba yun? Yung kinita mo sa Manila last month?"

"Well, tulad nga ng sinabi nila, kung gaano kabilis dumating ang isang tao, ganoon kabilis din ito aalis. In our case, it's the end, it's just a simple one night stand, este 3 nights din yun ha."

"Bakit naman nag end agad? Sayang naman, nakita ko sa facebook, cute naman pala siya."

"Ganoon lang talaga siguro. Hopeful din ako noon eh, na baka pwedeng maging kami at aalisin niya ako sa boring na mundo ko, but I guess nandyan lang siya for a short time. Not meant to be. Pagbalik ko dito sa Hong Kong, nawala na ng tuluyan ang communication."

"Ganoon lang yun?" ani Mia.

"Yup, in fairness napasaya niya ako. Hindi naman na ako umaasa. Kontento na din ako sa ganoon. For me, he's just a very sweet memory I don't wanna forget, sa sandaling panahon, he just thought me something, pwede pa pala ako magmahal ulit."

"So ladies, let's cheers for that!" yaya ni Martin.

"Buti ka pa Alona, ang swerte mo dito kay Martin." sabi ni Mia.

"Oo nga, bruha uminom ka, eto o." si Ryza.

"Sorry, but I can't drink anymore, kung napapansin niyo juice lang itong iniinom ko."

"Ang arte mo Alona ha! Bakit anong meron, buntis ka ba?" pabirong tanong ni Mia. Nagkatinginan ang magasawa, ang mga mata ni Martin ay nagtatanong din. Buntis nga ba ang asawa?

"Halos isang buwan na din akong delay, so nagpa check up ako kahapon Baby."

"T- talaga?" hindi makapaniwala si Martin, magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman. "A- anong resulta?" nauutal niya pang tanong.

"It's positive, Baby." Nang sabihin niya iyon, ay biglang nagkasiyahan ang mga tao.

"Buntis si Alona!!!" masayang proklama ni Ryza at ni Mia, pinagkalat na sa lahat ng tao na nasa yate. Habang si Martin ay tila naluluha sa narinig. Agad niyang binuhat ang asawa at ini ikot ito, sinabayan pa ng ilang halik sa pisngi at sa labi.

"You don't know how much you made me happy Baby, I love you so much!" anito na humahalakhak.

"Gusto talaga kitang surpresahin." namumulang sagot ni Alona.

"Ladies and Gentlemen, buntis ang asawa ko!" Ilang ulit niya pa itong prinoklama hanggang sa na congratulate na sila ng lahat ng tao sa yate na iyon.

Ilang minuto ang dumaan at nakarating na din sila sa isla kung saan merong ilang taong nagpa party. "Wag kayong magalala, mga pinsan ko lang ang mga yan." sabi ni Mia. Isa isa silang bumaba sa yate at saka nagbabad sa malamig na tubig ng beach. Magkasama si Mia at Dianne na nagtatampisaw habang ang iba naman ay nagsisimula ng mag ihaw sa may tabing dagat.

"Mia, anong wish mo ngayong birthday mo?" tanong ni Dianne.

"Hmm, siguro kahit lalake lang pwede na, kahit isang gabi lang." natawa si Dianne.

"Kahit ako, gusto ko din. Natitigang na ako eh."

"Ang hirap maging single ano?"

"Masarap na mahirap." sagot ni Mia.

"Excuse me Miss." napalingon sa likod ang dalawang magkaibigan nang makita nila ang dalawang cute na lalake na topless, at tulad nila ay naliligo din ito sa dagat.

"Ano yun?"

"Uhm, narinig kasi namin na single kayo, single din kasi kami eh."

"Talaga?"

"I'm Brandon." pagpapakilala ng isang lalake kay Mia.

"Ako naman si Jason." nakipagkamay pa ito kay Dianne.

"Looks like the party's just getting started." bulong ni Mia kay Dianne.

In the end, Life goes on...


Bedroom StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon