Pagpapatawad.
Ang dali sabihin, ang hirap gawin. Sabi ng iba forgive and forget daw, ganoon nga lang ba kadali ang lahat? Kung madali lang burahin ang isang kasalanan na nagawa sayo, wala naman sanang problema. Paano kung ang asawa mo ay nag taksil sayo? Kaya mo pa ba siyang patawarin? Makatarungan pa ba na balikan siya at mag simula muli?
Sa isang maingay na siyudad, ang banyo ang isa sa mga tahimik na lugar kung saan ka pwede mag isip. Kasalukuyang nagbu bubble bath si Sarah sa tub, magi isang oras na siya doon at ang kamay niya ay kumukulubot na dahil sa pagkakababad sa tubig. Ilang araw na ang lumipas mula nang naisip niya kung ano kaya kung sumama ako kay Richard? Kaya ko ba iwanan ang binuo ko ng pamilya? Hindi ito madaling pagdesisyunan, dahil sa oras na umalis ka, mahirap ng bumalik sa isang secure na relasyon, sa isang pamilya na ginawa mo na ang lahat pero bigo ka pa din. Sa isang relasyon na secure nga ba? Minahal niya si Mark at alam niyang minahal din siya nito? Pero ano nga ba ang nangyari sa kanila makalipas ang sampung taon na pagsasama? Sa dami ng away, pagtatalo, pagtataksil at kung anu ano pa, magkasama nga sila sa iisang bubong pero masaya ba talaga sila? Ganito ba talaga ang pinangarap nila sa buhay? Masyado ng madaming sakit at pagsisisi. Nasaan ang pagmamahal na sinasabi nilang tanging magbubuklod sa dalawang tao? Nasaan na ang sinumpaan niyong pangako sa simbahan sampung taon na ang nakakaraan.
Niyakap ni Sarah ang sarili, gustuhin man niyang umiyak ay ubos na ang luha niya. Isa pang tanong doon kung may mapapala pa ba siya sa pagiyak?
Naputol ang pagmu muni muni ni Sarah nang biglang may kumatok sa pinto. "Matagal ka pa ba diyan?" boses ni Mark, araw kasi ng Linggo kung kaya naman ay day off nito. Hindi nakaimik agad si Sarah. Ilang segundo ang lumipas at bumukas ang pinto. Kahit pa may nakaharang na kurtinang pambanyo sa gitna nila ay ramdam na ramdan ni Sarah ang presensya ng asawa na nagbukas ng ziper at malamang ay umihi. "Sarah nandyan ka ba?" tanong nito. "Bakit hindi ka sumagot nang tinawag kita?"
"W- wala, hindi ko narinig, pasensya ka na."
"Uhm, may pupuntahan ka ba mamaya? Gusto mo labas tayo kumain?"
"Ayoko, hindi naman ako nagugutom."
"Ganoon ba? Sige sabihin mo lang-"
"Mark," si Sarah. "Maaayos pa ba natin ang relasyon natin bilang magasawa, tanong ko lang dahil kung hindi sana ibigay mo na ang gusto kong annulment. Tutal ganito lang din naman tayo parang hindi magasawa, hindi ba para saan pa ito?" Hindi nakasagot]-ang lalake. Napaupo ito sa toilet bowl na para bang nanlumo sa narinig, maya maya ay binuksan niya ang kurtina at tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Sarah na natatakpan lamang ng kakaunting bula. Nagkatinginan sila, mata sa mata, napabuntong hininga si Mark, hindi alam kung magagalit ba o maiiyak sa inusal ng asawa.
"Sarah, alam kong madami akong kasalanan sayo noon, at gusto kong malaman mo na sising sisi ako hanggang ngayon."
"Pwede ba wag mong sabihin yan sa akin Mark, alam mong alam ko na hanggang ngayon may babae ka pa din. Lagi na lang sa madaling araw uuwi ka ng lasing at amoy perfume ng kung sino bang babae, wala naman na akong pakialam dahil kahit magasawa pa din tayo ngayon, nakapag move on na ako. H- hindi na kita mahal." Napaluha si Mark sa sinabi ng asawa, hindi niya inaasahang masasaktan pa din siya kahit na ba siya naman ang unang nagkasala. Mahal niya ang asawa pero hirap siyang iwasan ang tukso.
Kung wala ka ng mairason kung bakit ka nagkasala, isa na lang naiiwang pwedeng gawin. Ang magmakaawa na patawarin ka. Yun nga ang ginawa ni Mark, umiyak siya sa harap ng bath tub, humagulhol na para bang wala ng bukas, paulit ulit na sinabi kay Sarah na mahal na mahal niya ito at pinangakuan na magbabago na.
Sa kabilang banda, si Dianne naman ay nakahiga sa kanyang kama. Bumalik siya sa bahay ng kanyang mga magulang, pansamantala lang naman. Nakipag hiwalay na siya kay James dahil hindi na niya talaga kaya. Mataas din ang pride ni James kung kaya naman ay isang beses lang ito nag sorry at ni wala man lang ginawa para gumaan ang pakiramdam ni Dianne. Yun ang mahirap sa parte ni Dianne, klarong klaro na sa kanya na hindi talaga siya minahal ng lalakeng ito. Dalawang araw na silang hindi naguusap nito. Kinuha niya ang ipod at nagpatugtog na lamang, hinanap niya ang kantang "Dog days are over" na kinanta ng Florence and the Machine at saka ito pinatugtog na may malakas na volume.
Sa hindi kalayuang building ay nakatira si Mia. Tulad ng naunang dalawang babae ay nagmu mukmok din ito, nasa harap siya ng computer habang hinihintay hanggang ngayon ang nobyo. Magi isang linggo na itong hindi tumatawag at praning na praning na siya kung ano ba ang dapat niyang isipin. Sila pa ba? Ano ba ang dapat niyang gawin? Sumugod sa Singapore? Magkaganoon pa man ay nagbibigay ng rason ang kanyang utak kung bakit hindi nakatawag si Michael. Baka naman natamaan na ito ng Tsunami? Nag search siya kung may bagyo ba sa Singapore o trahedya na naging dahilan kaya hindi nakapag online ang lalake. Nag search din siya kung may problema kaya ang Singapore sa connection sa internet? Lumindol kaya doon? Buhay pa kaya siya? Pwede na ata siyang bumuo ng libro ng mga tanong sa kanyang isip.
Walang anu ano ay biglang nag vibrate ang iphone niya, bigla siyang na excite at agad itong sinagot. Hindi nga siya nagkamali, si Michael nga ang nasa kabilang linya. "Michael, okay ka lang ba? Bakit hindi ka nagpaparamdan ng nakaraang araw?" sunod sunod niyang tanong.
"Masyado kasi akong naging busy, sorry kung pinagalala kita."
"Saan ka naman naging busy?"
"Iniisip ko ang tungkol sa atin."
"Anong tungkol sa atin?"
"Ilang araw akong nagisip isip tungkol sa relasyon natin? Kung mahal nga ba kita talaga? Kung naglalaro lang ba tayo o ano? Pero alam mo may nalaman ako sa ilang araw na pagiisip ko."
"A- ano yun?" kinakabahang tanong ni Mia.
"Mahal nga talaga kita at lahat ng nararamdaman ko at sinasabi ko sayo ay totoo." napangiti sa kabilang linya si Mia, hindi alam kung ano ang isasagot. Pakiramdam niya kasi ay parang pumalakpak ang dalawa niyang tainga. "Uhm Mia, may tatanong sana ako sayo."
"Ano yun?"
"W- will you marry me?"
Pagkakasundo.
O sa ingles ay reconciliation.
Sa buhay ng tao minsan mas pipiliin mo pa din kung ano ang tama at hindi kung ano talaga ang nakakapag pasaya sayo. Iniisip natin na 'eto para sa ikabubuti ng pamilya ko' o di naman kaya ay 'Tama lang ayusin ko ito dahil magasawa kami at kailangan tuparin ang sinumpaan namin sa simbahan.'
Natapos ang gabing iyon na magkayakap ang magasawa, si Sarah at si Mark. Napagdesisyunan ng dalawa na ayusin muli ang kanilang pagsasama, ang kanilang pamilya sa isa pang pagkakataon. Nagiwan sila sa isa't isa ng mga pangako na magiging maayos na sila at tapat na sa isa't isa. Anyway their marriage is worth the try, hindi ba? Pinunasan ni Mark ang asawa mula sa pagkakabanlaw at binuhat ito patungo sa kanilang kwarto, ihiniga niya ito sa kama at hinagkan magmula ulo, labi, leeg hanggang sa...
BINABASA MO ANG
Bedroom Stories
RomanceIstorya ng 5 magkakaibigan, kanilang tagumpay, kabiguan, pamilya, pagkakaibigan, pag-ibig, at mga kuwentong nagtatago sa loob ng kanilang mga kwarto.