SIMULA

104 6 0
                                    

May mga bagay sa nakaraan na dapat nalang kalimutan. Lalo na't kung hindi ito maganda.

Pero pag masaya ang nakaraan mo? At ang tanging alaala nalang na iyon ang pinapahalagahan mo.



Hindi ko magagawang kalimutan iyon..

--
Noong bata pa ako lagi ko siyang kasama. Lagi siya yung kalaro ko, aaminin ko kung wala siya, baka hindi ko naranasan ang masayang araw na iyon.

Sampung taong gulang ako noon, siya naman labing isang taong gulang..

Kakatapos lang namin maglaro ni Caleb at nagpapahinga kami..

"Rina... aalis na kami." bungad niya sakin habang nagduduyan kami sa likod bahay nila

"Hmm. Magbabakasyon kayo?" tanong ko sakanya, mahilig kasi sila magbakasyon tuwing walang pasok or may bakanteng araw

"Sabi ni mommy. Baka matagal kaming makabalik"

Doon ako napatigil sa mag duduyan ko. Pinagmasdan ko siya pero naka yuko lang ito

"Ha? Mga ilang buwan?"

"Doon na daw ako mag aaral sa susunod na pasukan" nakayuko parin siya

Pagkatapos niyang sabihin yun, doon na ako napaiyak halos siya lang yung matuturing kong kaibigan sa lugar na ito at alam kong ganun din siya sa akin

"I-Iwan mo na ba ko?"

"Rina? S-sorry wag ka ng umiyak" lumapit siya sakin, may tono ng pag aalala sa boses niya

"P-pag tumigil ba a-ako sa pag iyak, h-hindi ka na aalis?"

Napatigil siya sinabi ko, alam ko wala siyang magagawa kung iyon ang kagustuhan ng magulang niya

"Sorry" napayuko ulit siya at umiyak narin siya

Niyakap ko siya, alam kong nabigla ito sa ginawa ko, pero matapos ang ilang sandali niyakap niya rin ako pabalik.











"Pangako babalik ako Rina"

Ayan ang natandaan kong huli niyang sinabi bago siya umalis...

***
A/N: This is my first story, masyado akong na iinspire magsulat xD

Btw I hope you like it.
Hindi ako magaling sa mga intros
Pasenya

@Minorin11

Treasured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon