Unang Kabanata

40 5 0
                                    

"Pangako babalik ako Rina"

Napaginipan ko na naman yung sinabi niya noong araw na iyon, para bang yung salitang iyon nalang ang pinanghahawakan ko na talagang babalik siya...

Halos anim na taon narin noong nakita ko siya, pero hanggang ngayon wala parin akong balita sakanya, sana ay ayos lang ang kalagayan niya sa ibang banasa

Tumayo na ko at naghanda, hindi para pumasok sa skwelahan kung hindi para mag trabaho.. Bakasyon naman ngayon, libre akong gawin kung anong gusto kong gawin. Pero dahil may trabaho ako dito nalang ako nag focus

Isa akong maid sa bahay nila. Noong una palang, dito na nagta-trabaho si mama kaya dito narin ako lumaki kasabay niya, siya yung pangalawang anak ni Ma'am Beatrice na amo ni mama, meron pa siyang ate

Sinuot ko na yung uniform ko at lumabas na ng kwarto. May nakasalubong din akong ibang maid na alam kong gagawin narin yung kanya kanyang gawain nila.

Habang naglalakad ako, papunta kung saan nakalagay yung mga cleaning materials. May nakita akong kakaiba















Nawala yung Family Picture nakasabit sa pinakagitna nitong masyon, malaki iyon kaya mapapansin agad ito

Saan kaya napunta iyon?

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko at isanantabi muna ang katanungan na iyon, para makapag trabaho na ako ..

Mula nung nawala sila dito sobrang tahimik na ng paligid. Tanging kaming mga maid at iba pang taga pagsilbi ang nakatira dito, Pero iba parin pag nandito sila.

"Nay" tawag ko kay nanay nung makasalubong ko siya

"Bakit nak?"

"Nasan po yung family picture nila ma'am beatrice? Napansin ko kasing nawala yun nay."

"Hmm. Yun ba? Alam ko nasa bodega na iyon.."

"Eh? Sa bodega po?"

"Oo nak, balita ko kasi gusto ng palitan ni ma'am iyong family picture nila ng bago. Siguro dahil halos anim na taon narin yun..marami ng nagbago"

--

Nagpatuloy lang ako sa mag mop ng sahig, ito na ang huli kong gagawin para sa araw na ito..

Marami ng nagbago

Naalala ko na naman iyong huling salita na sinabi ni nanay. Maari ngang sa paglipas ng panahon marami narin ang nagbago.

Tulad sakin, dati mataba ako kaya wala akong kaibigan noon at tanging siya lang ang natiis na makasama ako.

Hindi niya inisip ang estado namin sa buhay, anak siya ng amo ni nanay pero hindi iyon hadlang para maging kaibigan kami.





















Kailan ka kaya babalik Caleb?

**

Treasured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon