Ika-anim na Kabanata

23 4 0
                                    

Ang bilis ng araw parang nung isang araw lang kakarating lang nina Caleb

Hanggang ngayon wala paring pag babago sa kanya. Iwas siya sakin, napapansin ko nga na sa akin lang siya ganun. Sa iba naman hindi.

Pero parang unti-unti na akong nasasanay sa trato niya sa akin..

"Anakk!" Narinig kong tawag ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko

"Bakit po Nay?" Napatayo ako sa higaan para mapagbukasan ko si Nanay.

"Anong oras na ba? Malapit na mag alas otso! Abay si Caleb kanina pa naka alis" sermon ni Nanay sakin.

"Pasensya na Nay. Sige po mag bibihis na ako"

Dali-Dali akong pumunta sa Banyo at nag ayos na ako..

--
Saktong 8am ako naka punta sa St. Teresse Academy.

At ang masasabi ko sa School ko.
"W-O-W" hindi ko akalain na ganito pala siya kalawak sa loob.. Pang high class talaga..

Para tuloy akong baliw dito sa sobrang mangha sa School na ito habang naglalakad. Buti nalang walang tao

"Miss! Miss!" Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig ko. Ako ba iyong tinatawag niya? Ay Malamang ako lang mag isa dito

"Buti nalang tumigil ka" Napalingon ako sa likod ko na naramdaman kong nasa likod siya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya

Mas matangkad siya sakin. At satingin ko kasing tangkad pang siya ni Caleb..

"Ikaw ba si Marina Conception?"

"Eh? A-Ako nga. Paano mo nalaman pangalan ko?"

"Well nakita ko kasi yung name at picture mo sa bulletin board...My name is Rave Jailo Beltran. Nice to meet you" inaabot niya sakin yung kamay niya para makipag shake hands

"Ah Marina Concenption. Nice to meet you too" sabi ko. Tsaka ko inabot yung kamay niya

"Well as you see kaya walang tao dito. Dahil nasa Auditorium sila para sa Orientation ng All years and some Tranferees. Actually late na ako e. I mean tayo.."

"Hala? Late na? Diba 8:30 pa ang klase?" Naturingang Scholar nagpapalate! Patay ako kay nanay nito e

"Yeah. Ang kaso sadya talagang maaga yung program para hindi tayo late sa class.. Tara na" yaya niya sa akin

Teka... Bakit ganun parang kanina lang nakangiti si Rave. Ngayon para sumungit siya? Ay Moody?

Sumabay ako sa kanya. Nakasunod lang ako sa likod niya. Baka may maka kita samin sabihin nakiki Feeling Close ako.

Aaminin ko ng gwapo siya. Pero bakit ganun? Parang wala akong nararamdamang pagka ilang?

Yung napapanood ko sa Teleserye pag kinakausap ng mga gwapo yung bidang babae nakaka ramdam sila ng pagka ilang.

Ah baka naco-conscious lang sila. Hindi naman ako conscious sa sarili ko. Talagang hindi naman ako magan--

"Arayy! Masakit yun ah" Hawak ko sa noo ko. Kasi pinitik niya yung noo ko

"Wala ka sa sarili mo. Kanina pa tayo nandito. Pumasok kana. Wag ng pabagal-bagal" sabi nito.. kita niyo na? Diba sumungit siya?

"Opo. Opo" hay ayaw ko ng makipag talo.

Pag pasok ko loob.. isang malaking pader yung nakita ko. Auditorium ba ito?

"Hey Marie.."

Asan na ba si Rave? Bakit nawala siya agad?

"Mariee!"

Parang boses ni Rave yun? Sino kaya yung Marie.

"Tss. Mari-na!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

At nakita ko si Rave na nasa bandang pintuan sa kabilang side medyo malayo kaya hindi agad pansin. Lumapit ako

"Bakit?" Tanong ko.

Pag tigil ko sa harap niya pinitik niya na naman ako sa noo ko.

"Aray! Nakakadalawa ka na ah?!" Sabi ko dito habang hinihimas yung noo ko.

"Kanina pa kita tinatawag"

"Malay ko kung sino si Marie na yan" reklamo ko dito

"Ikaw yun. Psh Tara na nga. May nakita na kong bakanteng upuan para sayo"

"Teka bakit para sakin lang? Yung para sayo?"

"I'll stay here. Pumunta ka na doon."

"S-Sige.."

Lumabas na ako. Nasa Back Stage pala kami ng Auditrium.. Ano kayang balak noon at nag paiwan siya?

Pinuntahan ko na yung upuan na tinuro ni Rave.. Grabe ang daming tao, maingay na banda dito kasi kanya kanyang usap yung mga estudyante. Pero parang hindi pa nag sisimula yung program.. Buti nalang at hindi pa pala ako late..

Umupo nalang ako sa bakanteng upuan sa bandang harap. Hindi ko alam kung bakit sa dami pang bakanteng upuan na pinili ni Rave sa Harap pa..

"We will start the Program. Please all rise for the National Anthem." Sabi nung MC
Sakto talaga sa pag upo ko e.

--

Halos 30minutes na ang nakalipas. At sabi naman ng seatmate ko. Good for 1hr daw ito. Kasi hindi naman ilalahat sa program na ito. May iba pa naman daw araw.

"Nga pala.. Bago ka dito?" Tanong nung nakausap ko kanina

"Oo. Bago lang ako" sabi ko

"Scholar ka?" Siya

"Hmm Oo" sagot ko

"So... ikaw pala si Marina Conception?"

"Eh? Bakit alan niyo pangalan ko?" Kanina rin si Rave kilala ako.

"Kaya pala namumukhaan kita.. Naka post kasi yung Name at Picture mo doon. Ang kaisa-isang nakapasa sa Scholarship program. Malamang makikilalanka talaga" sabi niya

"Ah hehe hindi ko alan na ako ang kaisa isang nakapasa dito" totoo naman. Wala talaga akong idea

"Huu pa humble pa. Hahaha By the way ako nga pala si Stella Reyes. Ella nalang "

"Rina nalang itawag mo sa akin" sabi ko

"Teachers. Students. Let us Welcome Our Student Council President. Mr. Rave Beltran"

S-Student Council President?! Kaya pala nag pa iwan ang isang yun!


Nagpalak-pakan yung mga estudyante. Yung iba mga babae nag titilian. Kami lang ata ng nasa harapan yung hindi nag titilian. Kasama na si Ella.

"Ang gwapo niya noh?" Bulong sakin ni Ella

"Ha? Oo "sagot ko.

"Ang lakas talaga ng impact ng President natin." Sabi niya

"Oo nga e"

"Ano pang aasahan mo. Bukod sa Matalino na, Gwapo pa at sila pa may ari ng School na ito. Actually yung lolo niya may ari. Pero parang ganon narin yun"

"Sila may Ari ng School?"

"Yup! Halos lahat ng estudyante alam yun. And nga pala.. Alam mo ba may mga tranferees din dito! At ang gwapo nila galing daw sila sa ibang bansa! Nandito sila kanina e. Kaso umalis na ata sila.."

Parang na patigil ako sa narinig ko..

"W-Wala ba silang kasamang babae?" Tanong ko

"Hmm.. Meron din pala. Ang ganda niya nga e balita ko boyfriend niya yung isa sakanila pero di ko alam kung sino.."

"Eh? Ganun ba?"

"Yupp! Why?"

"Wala lang. M-May iba pa palang tranferees dito." Yun nalang sinabi ko. Ayaw kong ipahalata na interesado ako tungkol doon.

***

@Minorin11

Treasured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon