Ikalawang Kabanata

33 5 0
                                    

Isang linggo nalang bago mag pasukan, 9am na ako nagising kaya nagmamadali na akong tumayo, dahil mapagalitan ako ni nanay.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para makapagsimula na ng gawain at matapos ko iyon ng mas maaga dahil may pupuntahan pa ako.

Pagbaba ko napansin kong halos lahat ng maid ay hindi mapakali, para bang may darating na bisita at kailangang maging presentable ang mansyon..

"Nay. Ano pong meron?"

"Hindi mo ba alam anak? Ngayon na darating sina ma'am!" Masaya niyang sabi sa akin.

"Ho? Ngayon?" Wala akong masabi dahil maski ako ay natuwa sa balita

"Oo. Tumawag siya kagabi, ang sabi niya uuwi na raw sila dito. Mga alas dos ng hapon nandito na sila"

"G-Ganun po ba?"

"Oo.. ah nga pala nak wag ka munang magtrabaho ngayon."

"Eh? Bakit naman po?" Takang tanong ko

"Nasabi na sa akin ni Teresa na may pupuntahan kayo ngayong araw."

"Ahm. Opo nay, balak ko sanang mag paalam pagkatapos kung gawin yung gawain ko"

"Nako nak. Kami na bahala, sige na magpalit ka na nga damit, alam ko namang matagal mo ng gustong makakuha ng scholarship sa skwelahan na iyon" sabi sakin ni nanay

"Salamat nay, sige po"

Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko, at nagpalit ng damit. Ngayong araw kasi mag e-entrance exam ako para makapasok sa St.Teresse Academy may kasamang scholarship iyon kaya alam kong mahirap ang exam na kukuhain ko, kaya nga huli ako ng gising dahil nagreview ako buong gabi.

Naka white plain t-shirt lang ako at pantalon dahil iyon lang ang matinong damit na nakita ko sa lagayan ko ng damit

Pagbaba ko ulit, nagpa alam ako kay nanay at sa iba pang maid

11am na ng umaga. Ilang oras nalang darating na siya. Sana hindi niya ako nakalimutan

-

Mga 6pm na ako narating sa bahay, dahil niyaya ako ni Ate Teresa ng makakain, tiwala naman ako sa mga sagot ko sa exam. Sana okay lang ang makuha kong score

Napansin kong habang papasok ako sa mansyon, maraming magagarang sasakyan na kaparada sa harap ng mansyon mga anim ata?

"Mukhang nandito na sila" bulong ko sa sarili ko

Nagpasya nalang akong maglakad patungo sa likod bahay at doon nalang ako papasok

Nakasalubong ko pa si Leah na parang may pupuntahan

"Leah!" tawag ko dito

"Oh nandyan ka na pala Rina"

"Hmm Oo, ano ng balita sa loob?" Tanong ko sakanya

"Ay nako! Ang daming bisita! Mga 4pm nandito na sila, hindi namin inaasahan na darating mga kaibigan ni ma'am Beatrice tsaka ni ma'am Camille, buti nalang talaga maraming kaming hinandang pagkain" sabi nito sakin, pero bakas parin sa mukha niya ang saya. Bente syete taon ito, naabutan niya rin ang mga masasayang araw nung nandito pa ang pamilyang pinag sisilbihan namin

"Tsaka nga pala si Caleb, nandito rin mga kaibigan niya, mukhang galing din sila sa ibang bansa panay kasi ang pag e-english nila habang nag uusap.. kaloka"

"Si C-Caleb?"

"Uhm. Oo parang nag iba na nga siya eh kumpara sa dati parang hindi niya nga ako kilala. Ay sige mauuna na ako may kailangan pa akong gawin"

Iba na siya kumpara dati? Maari ngang mangyari yun kung ganoon katagal.

Lahat naman nagbabago..

-

Papasok na ako ng mansyon ng may marinig akong umiiyak na bata.

Weird. 6:30pm palang masyado pang maaga sa takutan.

Sinundan ko kung saan galing yung iyak na naririnig.

Nasa lugar iyon kung saan kami mahilig dati ni Caleb na maglaro

"Mamaa! Huhu mama!" Rinig kong tawag nito sa mama niya

May nakita akong batang babae na nasa dalawang taon na ata ito..

Anong ginagawa niya sa lugar na ito? Asan kaya mama niya? Nilapitan ko ito kaya parang napitigil siya sa pag iyak.

Nagulat nalang ako noong bigla niya akong yakapin

"Mama camille" sabi nito

Mama camille? May anak na pala si Ate Camille

Umupo ako para mapantayan ko siya tsaka ko siya nginitian.

"Hinahanap mo si mama camille mo?"

Tumango lang ito, bilang sagot. Buti hindi siya natakot sakin

"Hmm Ganun ba? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"M-May nakita po kashi akong lumipad tapos may ilaw ilaw" sabi nito

Alitap-tap? Marami ngang ganun dito lalo na sa lugar na ito.

"Wow may nakita ka? Gusto mo hanap tayo?" Sabi ko dito

"O-Opo"

Kinarga ko siya tsaka kami pumunta sa lugar kung saan nandoon yung duyanan na lagi naming sinasakyan ni Caleb noon. Alam ko kasi maraming alitap-tap dun

"Ayun po silaa" masayang sabi nito

Tinignan ko yung tinuro niya, Oo nga may mga alitap-tap doon. Marami sila, kaya siguro masaya siya

"Gusto mong bumaba?" Tanong ko sakanya

"Opo opo gusto ko"

"Mag iingat ka. Okay?"

"Opo"

Binaba ko siya tsaka siya tumakbo papalapit doon, medyo nabugaw ata yung mga alitap-tap kaya lumipad sila papalayo

"Ate ate. Thank you po" napangiti ako sa sinabi niya

"Your welcome.. Ano palang pangalan mo baby?" Naka ngiting tanong sakanya, tanging liwanag lang na buwan ang nagsisilbi naming ilaw ngayong gabi

"Kyla po"

"Kyla? Ang ganda naman ng pangalan mo. Hmm hindi ka ba natatakot sa akin?" Tanong ko sa kanya

"Hindi po. Kasi mukha po kayong mabait. Tsaka pinakita mo yung mga ilaw ilaw sakinn eh"

"Oo nga ano? Haha tara uwi na tayo. Baka hinanap kana ni ate Camille"

Kinarga ko na ulit siya, habang naglalakad ako pabalik naramdaman kong sinandal niya yung ulo niya sa palikat ko.

Tulog na ata siya.

-

"Kylaa! Where are you? Kyla!" Naririnig kong sigaw ng lalaki kaya tinungo ko iyon

Nung natatanaw ko na yung lalaking sumisigaw, may kasama siyang babae na mukhang si Ate Camille, nababakas ang pag aalala sa mukha niya. Pero yung lalaki nakatalikod kaya hindi ko makita kung ang mukha niya

Papalapit na sana ako nung narinig ko yung sinabi ni Ate Camille sa lalaki








"Sabi ko naman kasi sayo bantayan mo siya saglit Caleb."

**

Treasured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon