Ika-syam na Kabanata

36 4 0
                                    

- Rina's POV -

"What are you two doing?"

Napalingon kami sa may pinto ng naka rinig kami ng boses galing do'n.

Kaka abot pa lang ni Caleb ng Paper bag na may lamang pagkain at mag te-thank you na sana ako sa kanya ng narinig naming nag salita si Rave.

Napatingin ako kay Rave, naka cross arms siya habang naka lean sa pinto masama rin ang tingin niya samin... or sa akin lang?

"I just gave her a lunch, Rave" Si Caleb na yung nag salita

"Oh? Really. Paalala lang bawal ang pagkain sa Classroom, Got it? Nakinig ka naman sa Orientation Ms. Conception. So you better guide him. Bye" Sabi ni Rave tsaka siya umalis.

Ang sungit talaga ng lalaking yun. Kanina naman mabait siya. Baka sa una lang yun. Tapos pag nagtagal lalabas na totoo niyang ugali. Ay ang gulo niya!

"Sige. Alis na muna ko" naglakad na si Caleb papalabas. Kita mo yun bumalik ulit si Caleb sa Dati. Kasi namang yan si Rave, epal talaga.

"Ah C-Caleb! Thank you" sabi ko, bago siya lumabas. Alam kong narinig niya iyon kasi napangiti siya tsaka kahit mahina narinig ko yung sinabi niyang 'Welcome'

.

.

.
Weeee~? :>

***

Nag hahanap ako ng pwedeng matambayan. Ayokong pumunta sa Canteen. Baka puno na iyon ngayon at maingay na.

Nasa South portion na ako ng School. At ngayon lang ako nakarating dito.

Woah? May garden? Kung titignan parang alagang-alaga yung mga bulaklak dito. Tsaka may Fountain din sa gitnang bahagi ng Garden. Lumapit ako dun sa Fountain at doon ako na upo sa nag iisang bench doon. Naisip ko lang.

Pwede kaya pumunta dito? Para kasing Private na lugar 'to kasi walang tao. Hehe

.

.

.

.

.

.
Nakaka dalawang sandwich na ako ng maalala ko na naman yung nangyari kanina. Hmm Totoo kaya yung pinapakita ni Caleb?

"Nakakainis kasi yung Rave na 'yon, kung hindi siya dumating, malamang madami pa kaming pag uusapan ni Caleb!" Bulong ko lang habang pinang-gigilan ko 'yung last sandwich ko.

"At kung hindi ako dumating baka mawala na sa isipan mo na 'no foods allowed in the room'. Gusto mo ba magka violation? Scholar ka pa naman." Pagkasabing pagkasabi niya no'n, inagaw niya bigla yung sandwich na hawak ko. Habang pa cool na umupo sa tabi ko. At Saan galing 'to? Doon ko na lang ulit na realize na nakuha niya na 'yung sandwich ko!

"T-Teka akin yan!" Sabi ko kay Rave. Pero huli na kasi nakain niya na. Ugh! Epal talaga siya!

"You know? You should share your blessing" sinabi niya yun habang nginu-nguya yung sandwich na bigay na Caleb.

"Anong 'You should share your blessing ka dyan' Kulang pa nga sa akin yun e!" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero wala namang effect sa kanya. Kung may pambili lang sana ako ay ayos lang. Kaso wala? Mas mayaman naman siya sa akin bakit niya pa kinuha 'yun.

Hayy Makabalik na nga lang sa room. Mukha namang wala siyang balak pansinin ako e.

Tatayo na sana ako para bumalik sa room, pero na una na siyang tumayo sa akin at lumakad na. Hinintay ko lang siyang makalayo bago ako umalis dito.
.

.

.

.

.

.

"What are you waiting for?" Wala pa atang 8 steps nung tumigil siya tsaka niya sinabi 'yun. Nang walang lingon-lingon

"Huh?" Ako ba kausap ng lalaking 'yun?

"Psh. I'm talking to you." Bigla nalang siyang humarap tsaka siya ulit lumapit.

"B-Bakit?" Tanong ko sakanya, nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

Nagulat nalang ako, nang bigla niyang abutin yung kamay ko, tsaka niya ako hinila patayo.

"A-Anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya habang hinihila niya ako pa alis doon sa lugar kung na saan ako kanina.

Pero instead na sumagot siya sa akin. Hindi niya ako pinansin. Teka napapansin ko lang pa iba-iba ugali niya ah? Ano na naman kaya problema ni Rave ngayon?

Napapansin ko din na, Masasama na yung tingin ng ibang estudyante dito sa hallway. At do'n ko lang narealize magka hawak kami ng kamay! Kaya pilit ko nang hinihila 'yung kamay ko, pero lalong humihigpit. Nakakahiya
.

.

.

.

.

Ang tigas kaya ng kamay ko, dahil sa pagta-trabaho. Tapos hahawakan niya? Yung kanya nga ang lambot e. Halatang mayaman.

***

"K-Kakainin ko ba lahat yan?!" Grabe naman. Ang sabi ko kulang pa sa akin 'yung isang sandwich. Hindi ibig sabihing sobrang gutom naman ako. Sobrang dami kaya ng binili niya.

"Yeah." Nakapatong lang yung braso niya sa lamesa habang nakatingin sa akin.

Napapansin ko rin na nadami ng tumitingin sa pwesto namin. Attention seeker ba itong si Rave? Bakit ang daming nakatingin?

"Ikaw ba? Kakain din?" Tanong ko sakanya habang kinakain ko na 'yyng ibang pagkain dito.

"Nah. Para sa 'yo yan." Nginitian niya lang ako. Kita niyo na? Diba kanina hindi naman siya ganito. Ano na naman kaya nangyari sa kanya?

"P-Pero ang dami kaya nito." Sabi ko sakanya. Hindi niya na naman ako pinansin, instead tinitigan niya lang ako. Weird niya

"You know.. You look familiar." Huh? Anong pinagsasabi niya? Sa pag kaka alam ko, ngayon lang kami nagkita e.

"Anong Familiar ka dyan? Ngayon lang kaya tayo nagkita." Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy nalang sa pagkain. Baka trip niya na naman ako. Pero hindi ko siya tinitignan kasi feel ko naka titig parin siya sa akin hanggang ngayon.

.

.

.

.

.

.

.

"You look familiar. Because you're my first love."

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Treasured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon