Ika-walong Kabanata

20 4 0
                                    

Break Time

"Hayy.." Buntong hininga ko

Ang mahal ng pagkain dito. Kung alam ko lang na ganito yung presyo para sa isang sandwich e. Edi sana nagbaon nalang ako..
Mukhang magugutom ako nito.

Nilingon ko yung paligid ng Cafeteria. Para hanapin siya. At nakita ko nga si Caleb kasama ang kaibigan niya. Naka ngiti siya habang kasama sila.

Masaya na ako na makita siyang masaya. Hindi man niya ako napapansin, atleast kasama niya yung mga tinuring niyang kaibigan.

"Hmm.. Mangutang kaya ako?" Sabi ko sa sarili ko.. Ay! bakit ko ba biglang naisip yun. Baka hindi ako pansinin nun. Mapahiya pa ko e.

Hindi ko kasama si Ella ngayon, kasi pagka tunog ng bell hinila agad siya ni Rave dahil may gagawin daw sila..

Loko yun hindi man lang sinabi sakin na siya pala yung Secretary ng Council. Yung mga nakaupo pala sa harapan ng Auditrium mga Officers pala naka upo doon.

Bumalik nalang ako sa room. Matutulog nalang ako. Pampalimot ng gutom.

Pagka upo ko. Nirest ko nalang yung ulo ko sa lamesa ko. Buti tahimik at ako lang mag isa dito, makakatulog ako ng maayos.

--

Mga 15 minutes ata ako nakatulog ng may narinig ako na pumasok at tumabi sa akin. Sa pwesto ni Ella. 'Baka magpapa aircon?' Sabi ko sa sarili ko. Malamang hindi si Ella ito kasi hindi maingay e--




"Kumain kana?" Lalaki? Sino kaya to.

Hindi ko siya pinansin at nakarest parin yung ulo ko. Baka may kausap siya sa Cellphone niya tapos, hindi naman ako yung kinakausap niya. Mapaghalataan pang nagugutom ako e.

"Rina.." tawag niya sa akin. Hindi ko alam pero bumilis yung tibok ng puso ko. Nang marinig ko ang pangalan ko... Kilala ko siya

Kaya doon na ako napataas na ulo. Pero nagulat ako nung pag taas ko ng ulo ko sobrang lapit ng mukha niya sa akin!

Bumilis lalo yung tibok ng puso. Sa halos 10 seconds na titigan namin. At doon ko narealize na sobrang lapit nga ng mukha niya!

"Waah!" Dahil nataranta na ako para maka iwas nahulog ako sa upuan. Ano bang problema mo Rina! Para akong baliw sa harap ni Caleb..nakakahiya!

"Ayos ka lang Rina?" Tanong niya sakin. Kaya napunta na naman yung atensyon ko sa kanya

"H-Ha? Oo ayos lang ako." Pag ka sabi ko nun. Inabot niya bigla yung kamay niya sa akin. Which is unexpected ko!

Inabot ko agad yung kamay niya kasi baka mangalay pa siya e. Sayang opportunity. Hehe

"S-Salamat.." sabi ko sakanya at bintawan ko agad yung kamay niya. Doon ko napansin na may hawak siyang paper bag at tingin ko pagkain yun. Napansin niya ata na nagtataka akong nakatingin doon.

"Ah. Dinalhan kita na pag kain" medyo naiilang niyang sabi sa akin. Pero hindi ko na pinansin yun.

Dahil nag tataka ako. Nagtataka ako kung bakit siya nag dala ng pag kain para sa akin? Akala ko ba wala na siyang pakielam sakin kaya hindi niya na ako pinapansin? Pero kahit hindi man ako nag papahalata na gutom ako.. Bakit pa siya nag effort?




"Bakit Caleb? Bakit mo ginagawa 'to?" Pinagmasdan ko siya.

Pero nagulat ako dahil ang nakikita kong Caleb na nasa harapan ko. Ay Iba sa Caleb na cold at walang pakielam sakin.


Dahil ang Caleb na nakikita ko ngayon. Ang Caleb na matagal ko ng hinihintay..

--
@Minorin11

Treasured MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon