Stanley Yu University

9 1 0
                                    




Althea's POV

Paglabas namin ng principal's office pinauwi ko na si Mang Kikoy. Hindi pa sana niya ako iiwan at sasamahan daw akong maglibot since bukas palang naman ako pinagrereport ng mga teachers sabi ni Principal Suarez pero sinabi kong ok nako. Tatawagan ko nalang siya pag-uuwi nako.

Malawak ang SYU,ayon kay Ms. Suarez,dalaga pa principal namin and infairness she's pretty, yun nga ayon sa kanya kaya daw napakalawak at imposibleng malibot mo ito ng isang araw lang at maliligaw ka talaga if you don't have someone with you who truly knows every corner of this school kasi pinagsama ang highschool at college. Ang naghihiwalay lang sa dalawa ay ang soccer field. Ms. Suearez gave me a map of the whole school and also the highschool dept.nakasaad na rin dun kung nasaan ang room ko. I'm in the star section at iisipin ko pa kung anong club ang sasalihan ko.

Una kong pinuntahan at ang museum. Malaki siya at pwede mong ihelera sa mga world class museums. Makikita doon ang history ofcourse ng school which is magtutwo decades na. At ang twentieth anniversary nito ay ang kasalukuyang taon. Trophies, artworks, mga naging principal,deans,and president. Ang kasalukuyang president ay unknown. Sa mga nakahilerang pictures doon ay wala ni kahit anong laman ang malaking frame ng present president.

"Mistery huh. Pinagkakatiwalaan ng mga staffs and employees ang president nila kahit na hindi nila kilala ito. Thousands of students are also trusting their studies to this person." Bulong ko,eh marami ring tao dito eh.
Then sa pinakagitna ay isang malaking tipak ng bato na may mga nakaimprint doon. Nilapitan ko was amaze by it. Anh nakaimprint doon ay tungkol sa pamilyang nagmamay-ari sa prestihiyosong school,ang mga Yu. Generation to generation ang pamamahala nito.

"So for sure kaapu-apohan ni Stanley Yu ang kasalukuyang presidente kaya hindi nagdadalawang isip ang mga tao na pagkatiwalaan siya. Pero bakit hindi siya nagpapakilala sa publiko?"

"Ah baka kasi may tinatago siya, baka pangit siya or pangit lang talaga" nasatinig ko at bahagyang natawa. "Makaalis na ngalang nakakabaliw dito eh"

Nang makalabas ako ng museum ay titigan ko nanaman ang mapa.

"San kaya ang sunod?"

Habang palayo sa museum marami narin ang nakakasabay kong estudyante sa paglalakad. Naisipan kong sa gym ang next stop ko. I was going to plug the earphone in my ears when I accidentally hear the conversation of the two girls infront of me.

"Ang cute niya talaga"

"Oo nga ang talino, siya nanaman ang nagtop ng senior year examination."

"Sana nga talaga pumansin na siya."

"Haayyy gabi gabi ko na ata yang wish kay God eh."

Ok sabi nga nang yumao ko ng lovely mommy huwag makinig sa usapan ng iba. Then nilagay ko na ang headset sa tenga ko. Kung sino man yun wala na akong pakialam.

Nang makita ko na rin sa wakas ang gym tinanggal ko na ang headset at halos patakbo ko itong nilapitan,tst lahat naman dito eh malaki,hay nako. Malaki ring paaralan yung pinanggalingan ko pero not like this. Nang halos nasa bukana na ako ay akala ko nabingi nako. Ang lakas ng hiyawan,nakakawindang. Ano ba kasi ang meron? Eh wala naman akong naaalalang sinabi ni Ms. Suarez na may program ngayon.
Pagpasok ko...pagpasok ko...pagpasok ko...shit ano ba kasi pagpasok ko may tatama lang naman kasi saking bola!!!!!!! Saklap ganto ba ako iwewelcome ng SYU ??
Napapikit nalang ako at hinintay ang pagtama ng bola sakin. Waaaah Daddy,Mommy,Tita,Mang Kikoy iligtas niyo ako ayoko matamaan ng bola,masakit yun !!!!!! Iiyak nalang sana ako ng maramdaman kong may humila sakin.

"Natamaan ba?"

"Oh gosh,poor her"

"Hindi!!!"

Ilan lang yan ang mga naririnig ko,dahil nakapikit parin ako sa takot. Then I felt someone freed me from a hug na hindi ko napansing may yumakap pala sakin.

"Next time umiwas ka wag mong antayin" bulong nito na nagdala sakin ng di maipaliwanag na kaba. Kaba ba?? I don't know,basta kumabog yung precious heart ko.
Nang iminulat ko na ang mga mata ko,ready to face and thank that person ay wala akong nakitang nakaharap sakin. Puro likuran ng mga estudyanteng nasa harapan ko ang nakikita ko,nasa sa panunuod sa laro. Yeah game,bola ng basketball yung muntik ng tumama sakin. Pero asaan yun???! Para pasalamatan ko man lang sana. Busy ako sa paghahanap dun sa tao ng biglang hiyawan nanaman.
Araaaaayyyyyy yung eardrums ko!!!!!!!!Sanay ako sa ganto pero mas gusto ko yung pati rin ako nakikisigaw eh hindi naman nakakabwisit.

"Hmp makaalis na nga lang,thank you nalang sa nag save sakin"

Bago ako tuluyang makalayo narinig ko pa yung mga huling salita nung announcer.

"...he's on the game again,tutuluyan na niya kayang talunin ang group C ?"

Ok congrats nalang sa kung sino mang mananalo. Siguro PE yun.
Sunod na pinuntahan ko ay ang magiging classroom ko. I'm so excited,siguro naglelesson palang ngayon ang mga future classmates ko. Ok sisilip nalang ako.
Nasa forth flour siya ng SHB (Senior High Building) ang layo naman. Pagtapat ko sa room...

"Ok,bat walang mga tao dito?"

Sumilip ako sa pinto,may mga ilang gamit naman doon na parang naiwan ng mga estudyante. May mga ilang bag at libro sa mga mesa.

"Baka nagbreak sila"

Pababa nako ng hagdan ng masalubong ko ang mga naka PE uniform,black,gray and red ang kulay ng uniform. Papaliko na ako ng tatahakin ko sana ang susunod nanamang hagdan ng may muntik nakong makabanggaan. Tumingala ako dahil matangkad siya. Nang magtapat ang mga mata namin kumunot ang noo niya,nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Siya rin yung unang nagbawi ng tingin at nilampasan ako. Ok anong problema nun.
After kong naglunch sa isang cafeteria sa loob parin ng school tinawagan ko na si Mang Kikoy. Hindi ko namalayan na tinanghali pala ako roon.
Ok bukas na!!!! Katulad nila nakasuot narin ako ng uniform with my new I.D. hayyyyy.
Pumunta nako sa entrance ng school at don hinintay si Mang Kikoy. From there tanaw ko ang SHB. Naalala ko nanaman yun.

"Tst whatever!!"

WELCOME STANLEY YU UNIVERSITY!!!!!










Ok siguro nabigla kayo sa biglang paghaba nung update ko hehe ganun talaga. Hai nga pala sa mga idol ko here sa watty, hinihintay ko rin yung mga update niyo hehe. Lalo na ang story nila JARBEL ni Ms. LaraMelissa haytsss love love love.

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon