Anywhere but Here

7 1 0
                                    






Althea's POV

        Pagsapit ng Sabado ganun ulit. Sinundo niya ako sa soccer field sa school. Pagdating sa bahay nila maid lang ang sumalubong samin. Wala ba ang mommy niya???

"Follow me."

Yun agad ang sinabi niya pagpasok namin sa mansion nila. Tinahak namin ang papuntang veranda akala ko dun na namin itetake ang last na shoot pero hindi pa pala. Lumabas kami ng mansion at...

"Wow."ang tanging lumabas sa bibig ko. May maze garden sila. Sumunod lang ako ng sumunod sa kanya hanggang narating din namin ang gitna nun.

Nadatnan namin ang isang lalake at babae na nagaayos ng camera.

"Eherm"

Napatingin sila samin. Oh my ang gwapo at ang ganda.

"Hai there Drae." Awts binabawi kona tama yung unang hula ko. Lalakeng may pusong babae pala, oh my saying lahi. Ang landi ng pananalita niya eh.

"Is everything set?"

"Yeah kayo nalang hinihintay,"saka siya tumingin sakin na parang sinusuri ako. I look at myself I'm wearing abercrombie shirt and jeans plus a pair of Nike airmax rubber shoes. "I believe you bought her a dress?"saad niya habang nakatingin parin sa suot ko na parang di kanaisnais ang nakikita niya.

"Come with me."

"S-sige."

"And oh put some make up, kahit light lang."

"Tst is there a need for that? I should have known para buong crew mo pinapunta kona dito."seryosong wika ni sino paba.

"Hahahaha light lang naman baby Drae, we don't need an artist for that I'm sure she can do it,right?" Saka siya tumingin sakin. Alanganin akong ngumiti.

"Oh my god don't tell me... So natural yang pinkish cheek bone mo? Even your lips?" Tumango lang ako.

"Enough with that girly thing, Larimar lets go para matapos nato."

"OK"

  Bumalik kami ulit ng bahay nila at pinapasok niya ako sa isang kwarto. Pagpasok ko may nakita akong di kalakihang kahon na may sticky note saying.

"Wear this!"

Kahit sa sulat masungit parin tst,binuksan ko iyon at...

"Its cute."yun lang tanging nasabi ko. Its a baby blue cocktail dress. Dali dali kong nagpalit at naisuot kona dali dali kong tiningnan ang sarili ko sa full length mirror. Layered ruffles sa baba niya na hanggang tuhod ko ang tabas at tube na may maliliit na sequins.

"Hihihi ang cute ko."

*tok tok tok*

"Hey matagal kapa dyan"sigaw ni Drake.

"Done!" Saka ako lumapit sa pinto at binuksan iyon.

Is it my imagination o talagang natulala siya sakin ng makita niyako pagbukas ko ng pinto. At iba narin ang suot niyang damit. He's wearing a blue coat a white polo plus half pants na kulay puti rin.

"Tst."rinig kong usal niya."wear this."then inabot niya sakin ang isang flat sandals na kakulay ng  suot ko."sumunod kana lang sa baba."

"O-okay"pagkaabot na pagkaabot ko ng sandals lumayas na siya.
Bumalik ako ulit sa loob at isinuot iyon.

"Lets go?"nakangiting bungad ko sa kanya sa baba ng hagdan tumingin lang siya sakin saglit at tumango saka naglakad na.

"Yan ang gusto ko. Drae here."then abot niya ng gitara kay Drake.

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon