Most Important Person

11 1 0
                                    





Althea's  POV

"Ano kaba Larimar,si Drake yun ok."paninigurado ni Misha na ok na ang music video namin.

     Tst kasi naman,pagkatapos niya akong ihatid kina Misha wala na. Di ko na siya nakausap,tapos ngayon na ang submission nun. Hindi ko pa nakikita. At ang loko wala pa, malapit ng magtime.

       Minutes pass nagtungo na kami ng music room. Gosh!!!!! Wala pa talaga siya. Nagsimula na ring magtawag si Ms Anna ng mga pair para ipresent ang kanilang music video.

"Drake Yu and Althea Larimar Buenavista."tawag ni Ms Anna.
I hate you Drake Yu, naramdam ko ang paghawak ni Misha sa kamay ko. I smilled at her,tatayo nalang sana ako para sabihing wala akong maipipresent ng lahat kami nagulat sa pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang taong kanina ko pa hinihintay.

"Sorry Miss I'm late."yun lang at pumasok na siya saka dumiretso kay teacher saka may binigay na flaskdrive. "Here's our music video." Then naupo siya sa tabi ko.

"Did I make you worry?? I'm sorry."

"Tst pasalamat ka umabot ka kung hindi hmp makakatikim ka talaga sakin."natigilan siya then lumitaw ang pinipigilang ngiti na nagpatigil din sakin.

      Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko,kainis parang gusto ko tulay kalmutin ang nakangiti niyang mukha. Natigil ako sa pagiisip ng makarinig ako ng mahinang hagikgik. Si Misha.

"Ang cute niyo talaga."

      Nakalimutan ko nasa tabi ko lang pala ang girlfriend ng lalakeng ito pero pinapakabog niya ang dibdib ko. At ang weird din nitong si Misha, buti di nagseselos to.

        Tumingin nalang ako sa wide screen and to my surprise mukha ko na pala ang nandun. Papanong???? Oo nga pala ang music video namin. Habang nagpiplay yung kanta na boses ni Drake kasabay nun ay ang slide ng mga litrato ko. Meron yung paglabas ng sasakyan, naglalakad kasabay sina Mish,kumakain at kung ano-ano pa. Nang pangalawang narepeat yung chorus ay video na,yun yung tinanong ko siya about sa kumukuha ng photos ko wala lang young boses namin. At sa last verse na ng kanta ay yung nangyari sa bahay nila. Marami akong narinig na bulungan pero diko na pinansin. I just want to watch him singing again. Grabe kung di lang boyfriend ito ng kaibigan ko magkakacrush nako sa kanya eh. Ang gwapo niya habang kumakanta at parang mas may kilig akong nararamdaman ngayon kaysa nung live na napanood ko siya.

"Ehemm I didn't know magaling ka palang kumanta baby Drake."
 
      Sa narinig ko unti-unting parang gumuho yung lahat ng kilig na naramdaman ko. Nilingon ko siya. Akala ko makakakita ako ng lungkot sa maganda niyang mukha pero hindi. Instead she's smiling.

"Cause you never ask and you never hear me whenever I sing."seryosong saad niya

"Cause you never let me dear."

"Whatever."rinig kong bulong nito.

     Ibinalik ko ang tingin sa screen at uminit agad ang mukha sa nakita ko yun yung parteng nasa likod ko na siya,yakap ako at isinasayaw ng dahan habang kumakanta.

"Oh my God he's so sweet."

"Ang swerte ni Althea."

"Sana ako nalang yan."

"Oh my God nakakakilig, bagay pala sila."

"May isa nang nakakalapit narin sa kanya,knowing Yu,never pa siyang pumayag na may makapareha siya."

"Oo nga."

   Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan ng mga kaklase ko. Everything about Yu is really a big deal, mapakaliitliitang pangyayari sa buhay nito nagiging trending sa klase pati narin sa buong campus.

      Patuloy parin ang pagkanta niya hanggang sa huling bahagi ng kanta at ikinatigil ng mundo ang sumunod na napanood ko. Oo alam ko yung paghalik niya sakin but he smiled. Yeah yun ang nangyari after he sing. He kissed me on my forehead I didn't expect that. And more is this  right after the kiss he smiled while his eyes close, parang walang pag-arte sa ngiti niyang iyon, then his lips moves na parang may sinasabi. Alam ko yun kahit hindi narinig sa video, he murmured something that time.

"Anywhere but here."

    Naghiyawan ang klase, kusa naring napangiti ang labi ko. Alam ko rason ng paghiyaw nila,lalo na ang mga babae naming kaklase. It's because of his smile,they never saw him smile before,never,as in kahit minsan lang,yun ang nasabi nila Biancs. Biglang tumayo si Drake.

"Excuse me Ms but I really need to go now, there's this very important matter that I have to attend to." seryosong saad niya.

      Gaya ko nakakunot noo rin si Ms Anna pero ng makabawi ngumiti narin.

"Ok you can go now Mr Yu naipasa niyo narin naman ang requirement niyo."

"Thank you Ms." bago siya umalis lingon muna siya samin,"silly you Claire"rinig kong bulong niya kaya napatingin ako agad kay Misha.

       Kumabog ang dibdib hindi katulad sa kabog na nararamdaman ko kay Drake kundi sobrang kaba. She's crying!!!!!

"M-mish?"nagaalala kong tawag sa kanya. Nagselos kaya siya??? Nasaktan??? Kainis bakit niya ba kasi....

"Thank you,t-thankyou *sob* thank you Larimar, thank you for making him smile again, thank you."

     Ang higpit ng yakap niya habang sinasabi iyon. Bakit siya nagpapasalamat, akala ko ba umiiyak siya dahil nasaktan siya sa napanuod niya eh bakit parang masaya pa siya. Nagulat ako ng makita ang mukha ni Drake sa kabila ng ulo ni Misha, nakasubsob si Misha sa balikat ko kaya ang lapit ng mukha niya sakin. Ipinatong ni Drake ang palad niya sa ulo ni Misha.

"Stop it Claire,"yun lang ang sinabi niya sa kaibigan ko at tumingin sakin. Ang lapit niya, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. "See you tonight."sabi niya saka umalis na. Pumunta siya sa harapan at may ibinigay kay Ms Anna, sobra ang pagkakangiti nito.

"Kaya pala, ok you may go now Mr. Yu."

"Thank you."pagkasabi niya non lumabas na siya ng klase.

      Napatigil ko na rin si Misha sa pagiyak. Bakit ba siya umiiyak? And why the hell she's thanking me???

"Ok kana?" tumango siya saka ngumiti pero mugto ang kanyang mata.

"Bakit ka ba kasi umiyak? Nasaktan kaba sa napanuod mo? Hala wag kang magselos huh,harmless ako."pagdedepensa ko sa sarili ko. Napatawa siya.

"Larimar hindi ako nasaktan or nagselos ano kaba. Masaya pa nga ako eh. I saw him smile again after what happened before."may lungkot sa kanyang mga mata nung sabihin niya ang huling salita pero ngumiti rin agad. "And that's because of you Larimar."

"Ha?"naguguluhan kong tanong she just give a playful smile.

"Nga pala."sabay may kinuha siyang envelope na kulay maroon sa kanyang bag at iniaboyt yun sakin.

"Ano ito?"kako saka binuksan iyon. Una kong nabasa ay, you're cordially invited... Bla bla bla "What????" Exclusive party iyon for the 20th anniversary ng SYU.

"He wants to see you there."nakangiti niyang sagot.

"Who?"wag niyang sabihing si Drake. Ano ba,hindi ako yung girlfriend nuh.

       She just smiled at di nako sinagot.

"You'll meet him surely, the most important person in the family."

        Ang gulo!!!!!Naguguluhan ako yun lang ang alam ko.

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon