Can you join me for breakfast?

4 0 0
                                    






Althea's POV

"Ok class you will group by two for your requirement for the second quarter of the school year. Before na sabihin ko kung ano ang iyon bumunot muna kayo rito para malaman kung sino ang magiging kapareha niyo." Sabay pakita samin ng bowl.

"Sana tayo ang magpartner."bulong ni Misha.

Isa-isa kaming bumunot ng papel sa bowl na hamak ni Ma'am Anna teacher namin sa Music at ng makabunot na ang lahat ay sabay- sabay namin iyong binuksan. Number 14 ang nakasulat sa papel na nabunot ko.

"Larimar ano sayo? Mine 12." bumuntong hininga ako bago ko ipinakita sa kanya ang numero ko,lumabi siya. "naman!!!!"

"Ok find your partner."

Hinintay ko munang umayos ang lahat at mahanap ang kanikanilang kapareha. I saw Misha with Caiden, isa sa mga gwapo naming kaklase,ang laki ng ngiti nito. Napangiti narin ako, balibalitang malaki ang paghanga niya kay Misha. Tst too bad, meron nang Drake ang kaibigan ko. Oo nga pala, speaking of Drake sino kaya ang...

"Ms Buenavista nasaan ang kapareha mo?" napatingin ako sa kanya, oo nga pala kami nalang ng partner ko ang hindi pa nagtatagpo. I was about to look around when hear that voice. Its Drake's.

"I believe I'm her partner Ms."

Napalingon ako sa likod,kung saan siya nakaupo. Walang emoemosyon sa mukha niya habang ipinapakita ang numero niya. Numero katorse!!!!!!!

Ok siya nga ang kapareha ko. Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan niya and sat on the vacant chair beside him. Napatingin ako sa gawi nila Misha, ok lang naman sa kanya diba ???? She winked at me and smile, napangiti narin ako. Hayyyyy ba yan oh, hindi sa nagrereklamo ako sa naging partner ko. Sino naman ang hindi nanaisin na kapareha tong partner ko ngayon eh ubod ito ng talino at isa pa,gwapo, gwapo,gwapo ,gwapo at higit sa lahat gwapo oh!!!!!

Natigilan ako sa nasabi ko, bigla akong napatingin sa katabi ko. Nakangalumbaba lang siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Tst siguro iniisip nito sana si Misha naging kapareha niya. Napabuntong hininga nalang ako, ano naman kaya tong requirement na ipapagawa ni Ms Anna.

"So everyone has they partners already??? Eto ang gagawin ang magiging requirement niyo, make a music video pero dapat kayo yung kumanta, I'll gave you a week before submission. Hindi ko na kayo imimeet next week for your preparation, that's all for today class,dismiss" nagsilabasan na ang mga kaklase namin sa music room pero hindi pa ako tumatayo,kailangan kong makausap tong partner ko.

"Ahmmm D-Drake."

"Tomorrow 9 am soccer field."yun lang at nauna na siyang umalis.

Ok bukas daw, 9 am hindi ako dapat malate, I took a deep breath.

"Are you fine with Drake,Larimar?" it was Miss Anna. Nginitian ko siya at tumango. "May higit isang buwan ka naman na dito right, siguro naman sanay kana sa kanya." may pagaalala niyang sabi.

"Opo Ma'am, sa araw ko ba naman siyang nakakasama sa isang klase sanay nakong nakikita siyang walang kinikibo."

"It's ok then, I'm expecting much from the both of you."

"Thank you Miss" I said goodbye bago siya nilisan.

Saturday


"Tita pupunta po ako school, ngayon po kasi kami maguusap nung partner ko kung ano gagawin namin sa requirement namin sa music."pagpapaalam ko

"Oh sige magiingat ka huh, kasama mo ba sina Misha?"

"Ah? I'm afraid not. Gotta go tita mahirap paghintayin yung taong yun."

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon