The Making

8 0 0
                                    









Althea's POV

      
Bread toast and ham nalang ang kinain ko at juice habang siya ay heavy meal. Beef steak at fried rice saka fruit shake. Healthy meal. Natapos ang breakfast na iyon na sobrang tahimik. As in wala samin ang umimik.

"So here's the plan" paninimula niya pagkatapos kuhanin ng mga maid ang pinagkainan namin. "narinig ko lang ang kantang to kanina on my way to school kung ayaw mo ok lang namang palitan natin." seryoso niyang saad.

"What is it?"

"Anywhere but here by safetysuit."

"Anywhere but here?" ano yun ngayon ko lang narinig ang title na yun. Tst baka pangit kasi naman hindi sikat yung title.

      Inilabas niya ang iPhone niya at nagplay ng kanta.

"I downloaded it after hearing it."

       Pinakinggan ko naman at infairness maganda yung kanta. Napaisip tuloy ako bakit hindi ito sumikay eh talagang napakaganda nung kanta.

"Someone will take a video of us in school and pictures also everyday starting on Monday. All you have to do is to act naturally wag mong pansinin ang kumukuha sayo ng video. Ako na ang bahala sa kanta. On Saturday, I'll fetch you again in school to take the final video."

       Ok wala akong gagawin? Act naturally, do things I normally do in my everyday life in school. Bayan siya lang gagawa????

"I know hindi ka payag na ako lang yung gagawa sa lahat but being the leading lady in a music video is very important. Most of the videos ay ikaw ang makikita, ikaw ang mapapanood nila malaking bagay na iyon."pagpapaliwanag niya.

"Ok!!!!"tanging saad ko nalang, sabagay tama naman siya.

"Its settled then, let's go, ihahatid na kita sa inyo."tumayo na siya, tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Nang nasa sala na kami hinanap ng mata ko ang mommy at kapatid niya.

"Ahmm Drake asaan nga pala ang mommy at kuya mo?? Magpapaalam lang sana ako."

"I don't have a bro..."he expelled a heavy breath. "for sure nasa kwarto na nila sila, they tired sasabihin ko nalang sa kanila mamaya na inihatid na kita pauwi."

       Narinig ko iyon,hindi ako maaaring magkamali. Anong ibig nung sabihin??? Tst Larimar wag mo ng pakialaman pa.

"O-ok"sagot ko saka sumunod sa kanya sa garahe.

      Itunuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay ni tita Antoinette. Inihinto niya ang kotse sa tapat ng bahay ng makarating na kami.

"Pasok ka muna?" hindi iyon tanong more like invitation. Umiling siya.

"Maybe some other time may kailangan pa kasi akong gawin."

"Ok, ingat sa pagdadrive Drake." tumango lang siya.

      Nginitian ko na muna siya bago lumabas ng kotse niya. Hinintay ko na muna siyang umalis bago pumasok sa gate.

"Sino ang naghatid sa iyo princess?"bungad sakin ni tita.

"Ang partner ko po sa music video na requirement namin sa music, si Drake Yu po tita."

"Ahhh eh di sana pinapasok mo man lang sana."

"Ayaw po eh, siguro sa ibang pagkakataon nalang daw tita."

"So how was it? Ok naba kayo sa gagawin niyong music video?"

"Ok naman na tita, magaling ang nakapartner ko. Pinakamagaling sa klase yun eh."

"Ano ulit ang apelido niya Larimar?"

"Yu po tita."

"Eh isa palang Yu ang kapartner mo,paniguradong gwapo yun nuh." sabi niya na may halong tukso, I smiled at her pero binalewala ko ang panunukso niya.

"Opo tita gwapo siya,matalino yun nga lang napaka-aloof niya,wala ata yung kaibigan eh."

      Kumunot ang noo ni tita.

"Kakaiba ata ang Yu nayan huh."

"Opo tita kakaiba talaga hayyy nako. Napakamisteryoso niya."

Monday

       Sabi niya ngayon daw magsisimula ang pagkuha sakin ng video or pictures pero wala pa naman akong nakikita patapos na ang klase. Tatanungin ko sana siya pero hindi naman siya namamansin. Ganun parin siya. Tst bahala siya. Basta sabi niya gawin ko lang ang mga normal ginagawa edi yun ang gawin hmp.

        Sa mga sumunod na araw ganon parin kaya ng Friday na hindi nako nakapagtimpi at nilapitan siya nung vacant namin ng hapon.

"Drake ano ba wala naman ata yung sinasabi mo."inis kong wika.

"Mabuti naman at lumapit ka narin sa wakas yun nalang ang kulang sa video eh."

"Huh???"nagtataka kong tanong.

"Sinabi kong palihim ka niyang kuhanan para di ka mailang."

      Ahhhh ok ganun pala.
"So ngayon ba nakukuhanan tayo?"

"Oo, wag mo ng hanapin masisira lang ang pagtetake niya."

"Ganun ba? So tuloy parin ba tayo bukas?"

"Yeah, huli na iyon at magagawa na ang music video."

      Tumango ako. Makalipas nang ilang sandali wala ng imikan kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Ok naba ang music video niyo?" tanong ni Misha ng makabalik ako sa upuan ko.

"To be honest with you hindi ko alam."ngumiti siya.

"Trust him hindi ka niya idadamay sa kapabayaan niya kung gagawa man siya."

"Haayyy Ewan."

->

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon