Reb's POV
Pagkatapos ng habulan session namin ni Dwayne. Naglakad na kami papuntang room. "Transferee" siya kumbaga kaya nag-stay siya sa labas para hintayin ang pagpapapasok sakanya ng Teacher.
Umupo na ako sa seat ko. Nga pala, nag new seating arrangement na kami dahil yun ang request nina Mikael at Anna, para sila na ang maging seatmates. Nalipat ako sa pinakadulo at pinakagilid, dun sa may window. I actually really like this seat, ang ganda kaya tignan ang mga estudyante sa labas at ang preskong hangin na pumapasok.
Vacant seat ang katabi ko.
" Good Morning Class! " Masyang bati ni Mrs. Rado.
" Good Morning din po, Ma'am! " Sabay-sabay naming bati.
" May new classmate kayo from Section C. "
" New Classmate? "
" Sana lalaki! At kung lalaki man, sana papable! Yummy! "
" Nuxx, Pare! Sana chicks! "
" Sino kaya? "
" Yuck! Section C? "
" Kadiri naman! Bobo ang new classmate! "
" Class quiet down! " Finally! Tumahimik na 'din! -.-
Pinapasok na ni Ma'am si Dwayne.
" Morning. Ako si Dwayne Jimenez. "
And here we go nanaman sa bulungan, na kung tutuusin, hindi naman bulong.
" OMG! THE Dwayne Jimenez! "
" Himala hindi siya nagcutting! "
" He came back. And came back, handsome and hotter as ever! Rawr! "
" Sayang, Brad! Kainis naman yang Jimenez oh! "
" Okay, I take back what I said! Ang gwapo kaya niya! Sikat Pa! "
" Ako din! I take it back! Ba't lahat ng Princes ay nasa Section natin? "
" KYAAAAAAAAAAAAHH ~ ! "
" Class! " At tumahimik naman, takot lang sila kay Mrs. Rado.
Tumingin siya kay Dwayne. " Pick any seat you want, as long as it's vacant "
" Okay. " At naglakad na siya papunta sa seat na katabi ko.
BINABASA MO ANG
Loving My Mr. Right
Teen Fiction"I'm sorry that it's you I had to love. I don't even have the right to get close to you. I don't even have the right to look at you. And most of all... I don't even have the happiness to have your heart..." //Formerly known as MY ICE PRINCE HUSBAND...