Dara's POV
"Ano ba yaaaan!!!!" inis na inis kong ini-scroll yung mga nasa notif ko.
"Hoy ang lakas naman niyang sigaw mo balak mo bang gisingin ang mga kapitbahay ha?" sabi ng bestfriend kong si roan.
"Che! Wag ka ngang sumabay sa init ng ulo ko!" bwisit kong sabi sakanya. Pano kasi kagabi pa ko naghihintay ng update sa story ng favorite author ko sa wattpad tapos hanggang ngayon wala pa rin.
"Ang aga-aga nakasimagot ka agad, wattpad na naman yang inaatupag mo no?" hay naku kilalang-kilala talaga ako ng kups na to.
"Pake mo ba? Tsaka bakit ka ba nandito? Ang aga-aga makikikain ka agad?"
"Hoy anong maaga? 7 na kaya." pagkasabi niya ng oras ay agad kong tinignan yung oras sa phone ko. Wtf oo nga malelate na ko 8 am pala yung first subject ko ngayon! Pumunta agad ako sa cr para maligo. Narinig ko pang nagsalita si roan pero hindi ko rin naiintindihan kaya kumanta na lang ako habang naliligo.
Nang matapos ako ay agad kong kinuha yung hinanda kong damit na susuotin ko ngayon. Konting ayos pa and boom! Keri na! Bumaba ako at nakita ko si roan na naghihintay sa sofa kaya naman agad akong lumapit.
"So?" tanong ko sakanya.
"So... Tara na? Late na tayo ang tagal mo!" sabi niya at kinuha na ang bag niya."Hoy roan grabe ka! Ano maganda ba yung suot ko?"
"Kagabi mo pa pinakita sakin yan. Tara na late na tayo. Tita alis na po kami bye." hinila niya na ko palabas ng bahay at nagmamadaling isinakay ako sa kotse niya."Grabe ka sakin! Bestfriend ba talaga kita? Tsk di pa nga ko kumakain." nagtatampo kong sinabi. Kasi naman nakakaasar di man lang ako pinuri nitong kups na to grabehan. Pero sabagay kagabi ko pa naman siya kinukulit kung bagay sakin tong outfit. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Pauleen, yung close friend ko since first year high school.
Nang makapag park na si roan ay umalis ako agad. Aba who you ka sakin nagtatampo kaya ako che!
"Hoy san ka pupunta?" sigaw niya sakin"Who you po?" sabi ko ng di lumilingon.
"Dara, hoy tara na sa canteen ililibre na kita" sabi niya na agad namang nagpabago sa mood ko. Pinuntahan ko na siya at agad siyang hinila para pumunta na kami sa canteen mamaya magbago pa isip nito naku nagugutom na ko. Kinulit ko pa siya na ilibre na rin ako ng lunch para mamaya nang may bigla akong mabangga.
"Hala sorry po hindi ko sinasadya." sabi ko. Napatingin ako sa taong nabangga ko at wth jusko lord ang gwapo! Natahimik ako at naramdaman ko na lang na nabasa ang konting parte ng jeans ko.
"Sorry hindi niya naman sinasadya, di bali papalitan ko na lang yung kapeng natapon niya." tsaka ko lang napansin yung natapon na kape nung sinabi na ni roan. Napatingin ako dun sa lalaki at halata sa mukha niya ang pagkairita.
"Sa susunod kasi wag maghaharutan kung saan saan. Tss." sabi nung lalaki at umalis na. Pagkaalis nung lalaki ay agad akong sinermunan ni roan."Ikaw kasi ang kulit kulit mo! Yan tuloy nagalit."
"Sorry ah! Malay ko bang may tao palang nandun. Tsaka bes! Ang igop niya!!! Kaso nga lang masungit." sabi ko. Paalis na kami ng may bigla akong maisip. Napahinto ako sa laglalakad.
"Omg." sabi ko.
"Oy ano na naman yan omg na yan? May naiwan ka no?" sabi niya. Humarap ako sa kanya at nagulat naman siya sa expression ko.
"Bes! Gwapo, matangkad, maporma, masungit! Bes siya na!" sabi ko habang yinuyugyog siya.
"Pwede ba dara stop it. This is reality, hindi ka isang babaeng character sa wattpad na may makikilalang masungit na lalaki na sobrang gwapo at mafafall sayo yung lalaki at magiging kayo at magkakaroon ng happy ending dahil walang forever! Wake up!"
"Grabe ka! Ang bitter nito! Thank you ha" sarkastiko kong sabi. Bwisit panira eh.
"Edi welcome. Just doing you a favor baka mamaya madisappoint ka na naman at magbreakdown dahil sa kalokohan mo."
"Bes promise di na ko magkakamali this time." sabi ko sabay smile ng malawak.
"Napapa face palm na lang talaga ako sayo eh! Dara naman, kung ano man yung pinaplano mo wag mo ng ituloy ikaw lang ang kawawa kaya please wag na tanga ka pa naman."
"Ay grabe realtalk talaga? Sorry naman bes ha. Pero this time I promise you last na talaga." this will be the last time na gagawin kong mala wattpad story ang buhay ko dahil gagawin ko ang lahat para maging mala fairytale ang love story ng totoong buhay ko.
"Ewan ko sayo. I'm done watching you get hurt over and over again dara. Nauubos na yung allowance ko sa hospital bills nung mga nanakit sayo eh, mga weak naman di kinaya yung sapak ko." Napangiti ako sa naalala ko. Tama si roan. Siya ang naging protector and savior ko sa mga nanakit sa akin. I'm glad I had him as my best bud.
"This time bes last na. I will definitely make it happen. Just watch me."
"Nae nae?" painosenteng tanong niya.
"Ang corny the hell hahahaha"
"Pero tumatawa" sabi niya sabay pat sa ulo ko.
"At dahil late na tayo, tara na sa canteen mamaya na tayo pumasok.""Wow edi sino palang tamad ngayon?"
"Ikaw." sabi niya at inakbayan ako habang naglalakad kami papunta sa canteen ng bago naming school.
This will be the beginning of the chapter of my book. Which I am the character and the author.
Dear stranger, are you gonna make me stay or will you gonna make me leave with my heart torn into pieces?

BINABASA MO ANG
The Girl Who Stayed
RomanceSa paghahangad ng mala wattpad na love story sa kanyang buhay, Dara Santillan Quiriza will do everything to tame the playboy Kurt Davin. But what if Dara fell into him but he doesn't want to catch her? Will dara be The Girl Who Stayed or will she be...