"May iba na ba?" tanong ko sa kanya. Naghihintay ako sa sagot niya pero nanatili siyang tahimik at nakatungo habang kapit ang mga kamay ko.
Tinignan ko siya at muling tinanong, "Clyde... Just tell me. Tama ako diba?" hinihintay ko syang sumagot. Isang oo lang clyde papalayain na kita. Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya kaya naman tumayo na lang ako para umalis pero pinigilan niya ako at niyakap.
"Don't go." sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. I want to hug him back but I can't knowing there's someone else. Oo, alam ko naman pero tinatanong ko pa rin. I can feel it. I know may iba na pero bakit ganito siya?
"Clyde please, isang sagot lang. May iba na diba?" umalis siya sa pagkakayakap at ikinulong ang mga kamay ko sa kanyang palad. Tinignan ko siya. Bakit hindi mo masagot?! Bakit malungkot ka kung meron na palang iba?
"I love you... and I'm sorry." that's it. Tama ako. May iba na nga. Iniwas ko ang tingin ko kay clyde at inilipat ito sa mga kamay kong hawak pa rin niya.
"Do you love her?" tanong ko.
"I love you." sagot niya naman.
"Clyde tinatanong kita ng maayos. Mahal mo ba siya?" tanong ko ulit. Nakita ko ang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Bakit ka umiiyak clyde? Bakit ka nasasaktan?
"I need to." He needs to love her? Hindi ko alam ang reasons niya pero isa lang ang malinaw. Tapos na kami.
Unti-unti kong kinuha ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya. He let go. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Dahil ba sa pinakawalan mo ako o dahil sumuko na ako? Hindi ko na alam. Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Hindi ako iiyak. Sanay na ako diba? Malakas ako kaya kaya ko diba? Umuwi ako ng bahay at naabutan ko doon si roan.
"Bakit ngayon ka lang? Umalis si tita may binili sabi niya bibili daw siya ng ice cream." nanatili akong nakatayo sa pinto. Hindi ako pwedeng umiyak. Malakas ako. Nginitian ko lang si roan at dumiretso paakyat sa kwarto pero sinundan niya ako.
"Dara what happen? Hindi ka naman ganyan ang expression no pag nakakarinig ng ice cream ha?" sabi niya pero hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa pag-akyat.
"Bes napagod ako eh. Sige tutulog muna ako." sabi ko pero muli akong napatigil sa sunod niyang tanong.
"It's about clyde. I know you dara, sabihin mo ano bang nangyari?"
"We're over." sabi ko. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Sige bes akyat na ko. Wag kang mag-alala okay lang ako kaya ko to." sabi ko at mabilis na umakyat. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay inilock ko kaagad ang pinto at sumandal dito.
Kaya ko? Kaya ko pero ang sakit sakit. Humiga ako sa kama at kinuha ang picture namin sa bedside table ko. Tinitigan ko ang mga ngiti naming dalawa."Masaya naman tayo diba? Anong nangyari? Clyde, ang galing mo talaga no? Bwisit ka pero mahal pa din kita!" sabi ko bago ko tuluyang hinayaan ang pag bagsak ng mga luha sa mata ko.
Natigil ako sa pagbabalik sa ala-alang iyon ng huminto na ang taxi sa harap ng bahay namin. Hindi ito ang panahon para isipin siya. Kailangan kong magfocus para makaisip ng paraan para magbago ang isip ni kurt. Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan kong kumakain sila mama, roan at pau. Napatingin sila sa akin at yung dalawang love birds kakaiba yung tingin sa akin.
"Oh anak, ang akala ko ba may group study kayo sa bahay ng mga kagrupo mo? Halika ka na dito at kumain na." sabi ni mama sa akin. Really? Group study agad kaka simula pa lang ng sem? Tsk si bes talaga gagawa na lang ng excuse ang lame pa. Nilapag ko ang gamit ko sa isang bakanteng upuan at tumabi kay roan.
"Na-postpone ma eh, may ibang lakad pa daw kasi sila." sabi ko na lang.
"Mabuti naman kasi nandito si pau ngayon. Pau iha dito ka na matulog gabi na rin eh." sabi ni mama.
"Sure tita buti na lang at may spare clothes ako dito." sabi niya sabay tingin sakin. Plano naman kasi talaga ng babaeng to na dito matulog eh kala mo coincidence eh no? Haha galing talaga umarte!
"O siya sige. Kumain pa kayo marami pang pagkain dun kunin niyo na lang." aniya.
"Ma aalis ka? Gabi na ah." pagaalala ko.
"Oo magkikita kasi kami ng ninang mo ngayon, dibali sandali lang 'yun. Sige aalis na ko mag-ingat kayo dito ha." sabi ni mama bago umalis. Pagkaalis ni mama ay nagsimula na rin akong kumain. Gutom na ko! Ang gentleman kasi nung kurt na yon di man lang nagyayang kumain.
"Akala ko ba doon ka matutulog? Don't tell me sinuko mo na ang v-card mo? Omg dara are you nuts?!" dire-diretsong sabi ni pau. Natawa naman ako sa sinabi niya. Sinuko? Big word. Never kong ibibigay yun sa lalaking hindi ako mahal at hindi ko rin mahal.
"She didn't pauleen, calm down will you?" matawa-tawang sabi ni roan. See? Ang galing talaga ng bes ko alam niya agad kahit wala pa kong sinasabi."Roan are you hearing yourself? How sure you are that she didn't gave in? Kurt will definitely won't let her get away without doing anything!" sabay kaming natawa sa paghi-hysterical ni pau.
"It's obvious that nothing happened. Kurt's a guy, I'm sure kung may nangyari man hindi to makakauwi." sabi ni roan."... Teka teka nga muna! Hahaha bakit ba kayo nage-englishan dyan?" sabi ko trying to lessen my laugh. God! Hahaha masyadong advance utak nito ni pau eh!
"So what happened pala?" sabi niya. My conyotic friend is now calm hahaha!
"He ended the deal." mabilis kong sagot. Nagulat yata sila sa sinabi ko dahil sabay silang napahinto.
"How? I mean bakit niya in-end?" tanong ni pau. I just shrugged. Ayokong sabihin sakanila na tinanggihan ko yung gusto ni kurt na may mangyari sa amin. I know these two. Magagalit lang sila at baka di na ako tulungan sa plano ko.
"And you're okay with that?" tanong ni roan.
"Syempre hindi. That's why umuwi na ko. I now I can't tame him right away. Guys help me with my plan." sabi ko. Kumunot naman ang noo ni bes sa sinabi ko.
"Dara, why don't you just stop? He ended the deal, can't you just take that as a cue to stop your plans?" sabi na naman ni roan.
"Bes naman! Where's the thrill in that? Just because he ended the deal that doesn't mean I'm going to give up." sabi ko kay roan.
"Your so stubborn dara. Napaka persistent mo. Why can't you just wait for the right guy and go with the flow?!" galit na sabi ni roan.
"Roan's right dara. I understand that you wanted to be thrilled and challenged with a guy that have this sort of reputation of being a playboy and such. But can't you see? This will lead you to another heartbreak and that's what we're aftaid of." kalmadong sabi ni pau.
They're saying that they understand me but hell no! Hindi nila ako naiintindihan. Being thrilled and challenged is part of the process but that's not what I really want! What I want is something that I'll get after the process. I wanted to be loved. And that's what they don't understand.
Ano bang nakukuha ng girls na character sa wattpad after the process of being hurt and all? Diba nagiging masaya sila? Diba nakukuha nila yung contentment sa buhay? Diba kahit paulit ulit silang masaktan ay tuloy pa rin yung story kasi may nakalaan na isang tao para sa kanila na magmamahal sa kanila ng lubos? That's what I want. To be loved and to be in love.
"You both don't understand me at all." sabi ko bago kinuha ang gamit ko at umakyat sa kwarto.

BINABASA MO ANG
The Girl Who Stayed
RomansaSa paghahangad ng mala wattpad na love story sa kanyang buhay, Dara Santillan Quiriza will do everything to tame the playboy Kurt Davin. But what if Dara fell into him but he doesn't want to catch her? Will dara be The Girl Who Stayed or will she be...