Dahil sa masungit na lalaki na yun hindi ko na-enjoy ang first day ko dito sa University. Pano kasi bawat puntahan ko at bawat makasalubong ko tinitignan ko talaga kung siya na. Nababadtrip na nga sakin si roan dahil hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya at si pauleen naman na-indian ko na dahil usapan namin magkikita kami pero hindi natuloy dahil nga busy ako.
Magkaiba kasi ang building namin. Nasa CAS siya kami naman ni roan naaa CEA parehas kasi kaming ECE ni roan at magkablock pa kami. Wala namang ginawa kahapon tapos yung ibang prof first day pa lang MIA na. Ngayong second day namin hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon at hahanapin ko na siya mamaya.
"Dara nagtext si pauleen sakin bakit daw cannot be reach ka tsaka ipaalala ko daw sayo na magkikita kayo ngayon." inilabas ko ang phone ko at naka on naman, may signal rin.
"Ba malay ko. Di naman naka off tong phone ko jusme si pau talaga pasimple pa eh ikaw lang talaga gustong itext nun ayieeee!" pang-aasar ko. Itong dalawa talaga na to nafefeel ko may something eh!
"Magtigil ka nga!" sabi niya at biglang namula.
"Ayieee si bes nagbblush!"
"Bahala ka na nga diyan. Puntahan mo na siya itext mo na lang ako kung nasaan na kayo sasama lang ako kila jake sa court." Jake? Hala friendly na pala si roan ngayon?
"Hoy sino si jake?!"
"Kablock natin nakalimutan mo na agad? Yung nanghihingi ng number mo." Ahhh yung makulit na yun.
"Ahh. Teka! Sinong bestfriend mo?!""Ikaw. Naku naman selosa si dara haha ge na baka hinahanap ka na nun ni pauleen." sabi niya at umalis na. Aba naninigurado lang ako na loyal ang bes ko sakin hahahaha clingy na bestfriend. Tinext ko si pau at ang sabi niya ay pumunta na lang daw ako sa main canteen kaya naman pumunta na nga ako. Nakita ko agad siya at nilapitan ko.
"Sinong cannot be reach? Naku pau galawan mo talaga eh no?" natatawa kong sabi habang umuupo sa tapat niya.
"What? I'm not lying cannot be reach yung phone mo kanina so I decided to call him instead." ay defensive masyado hahaha.
"Eh bakit nageexplain ka? With matching english pa talaga? Hahaha naku wag mo kong dinadaan sa ganyan pau hahaha don't worry boto ako sayo" sabi ko sabay wink at ang loka namula rin. Sinasabi na nga ba eh!
"Anong boto? Hay naku ikaw talaga anyway, there's something I want to tell you."
"Ano yun na gusto mo si roan hahaha alam ko na yun!" panunukso ko sa kanya.
"No! Not that. Listen dara. May gwapong student sa college mo! Have you seen him?" gwapo? Masyado akong busy sa paghahanap kay 'Mr. Gwapong masungit' kaya parang wala.
"Gwapo? Masungit ba yan? Siya yata yung hinahanap ko eh."
"You're looking for someone? But no no, hindi siya masungit. He's hot and he's super hot and he's---"
"Damn hot." pagputol ko sa sasabihin niya. Napatingin si pau sa direksyong tinitignan ko.
"Omg dara! He's the one I'm telling you." sabi ni pau. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Ang gwapo gwapo niya. Ang hot nga niya! Bigla namang akong binatukan ni pau.
"Aray ha!" sabi ko.
"Ikaw kasi eh."
"By the way pau! He can be HIM." sabi ko with excitement.
"What? You mean... The HIM?" sabi ko habang tumatango-tango. Alam ni roan at pau ang gusto kong mangyari. All my life all I ever wanted was someone who'll loved me in a very romantic way. At yun ang ginagawa ko, hinahanap ang prince charming ko.
Isa akong wattpader na naghahanap ng lalaking kasing gwapo ng mga nababasa ko sa wattpad at ng mga lalaking masarap magmahal gaya ng elizalde brothers, the montefalco's, the palma's, eddard vane yboa and many more. Alam ko namang malabo pero ginawa ko pa din at yun ang naging dahilan ng aking past heartbreaks pero patuloy pa rin ako sa paghanap sakanya.
"No dara. I'm supporting you sa paghahanap sa prince charming mo but not him. Anyone but him."
"Bakit taken na ba?" sayang ang gwapo pa naman.
"No per---"
"Yun naman pala eh!"
"Dara listen to me, I just want you to see him pero I don't want you to get involve with him."
"Eh bakit nga? Ang gwapo oh bagay kami!"
"Simple. Dara he is not just anyone. He's Kurt Davin. The ultimate heartbreaker." The ultimate heartbreaker? Wow. Iba. Pero imbis na sumuko ako ay mas lalo akong naexcite. Marami na kong nabasa sa wattpad na nagpaamo sa isang playboy at talaga namang minahal sila ng todo. Might as well give it a try.
"Kurt Davin. Ang ganda ng pangalan ang gwapo pakinggan!" sabi ko ignoring what she just said."Dara are you listening to me?! Please not him. I don't want you to get hurt bigtime."
"Pau wag kang mag-alala. Nakalimutan mo na ba? My ex allen was a playboy, nasaktan ako oo, sobra pa nga but after nung si kyle naman ang nanakit sakin, I became numb I guess. Sanay na kong masaktan. Sanay na kong iniiwan. I'm already immune to pain. I can handle one." pagkasabi ko nun ay nginitian ko na lang siya. Totoo naman yung sinabi ko. Sanay na kong masaktan at iwanan. Being hurt is inevitable. Masasaktan at masasaktan ka but that doesn't mean you should stop. It's hard to take risks lalo na kung puso mo ang nakataya but what if eto na na pala yun? What if this is my most awaited happy ending? Am I gonna let the chance go just because I've been hurt before? Am I gonna say no to fairytales and happy endings just because of bitterness? Am I gonna be scared of taking chances just beacuse I am afraid of the outcome? Bakit ka matatakot sa isang bagay na wala pa?"I give up dara. But don't forget, binalaan na kita. He's known to be wild and dangerous."
"Ayos lang pau. Nagpainject na naman ako ng anti rabies eh." sabi ko para naman gumaan yung atmosphere.
"Nagawa mo pa talagang magloko. Anyway dara, I'm here to help just tell me what you need." sabi niya.
Tinignan ko ang kinaroroonan ni kurt. Maraming girls ang nakatingin sa kanya. Well, gwapo naman kasi talaga.
"For my first move pau, tara stalk muna natin siya."
"May klase ka pa diba?" syete oo nga pala itetext ko pa si roan.
"Wala naman akong sinabing ngayon eh! Hahahahaha mamaya pasok namin tara bili muna tayo ng ice cream libre mo ko." palusot ko. Hahaha XD Chill muna for now.
Kurt Davin. Ultimate Heartbreaker. Sounds good tho.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Stayed
RomanceSa paghahangad ng mala wattpad na love story sa kanyang buhay, Dara Santillan Quiriza will do everything to tame the playboy Kurt Davin. But what if Dara fell into him but he doesn't want to catch her? Will dara be The Girl Who Stayed or will she be...