Chapter 3

19 2 0
                                    

Sabi nila love will find a way to reach the hearts of the destined couple. Eh bakit yung sa'kin wala pa? Ano na traffic yung love? Nawalan ng signal, nawalan ng spark? Ano? Isa pa yung, you don't find love, let love find you. Peste naman kasi nasan na ba siya? Hindi naman ako nakikipag hide and seek sa love na yan eh! Si roan naman ang sabi sakin, true love waits. Hay naku, I'm tired of waiting. All I wanted was to feel completely happy. Madalas naman akong masaya pero bakit parang laging may kulang. Bakit ganon? Madalas nga akong masaya pero panandalian lang. I want to feel the bliss. I want to know how to be ecstatic about something, I wanted to experience being elated because of a certain promise but why is it not happening to me? Why am I not able to feel these kinds of emotions?
  
 
"Are you sure dara?" bigla akong natauhan at natigil sa pag-iisip sa itinanong sakin ni pau. Magkakasama kami ngayon dito sa main caf para sa binabalak ko.
  
"Oo naman ako pa!" sabi ko pero deep inside kinakabahan din ako.
 
"Pustahan tayo kinakabahan yan, ngiti pa lang peke na eh." sabi naman ni roan. Naku kahit kailan talaga lagi tong naka kontra sakin.
 
"Hoy bes anong peke?! Baliw to so pano pala yung totoong ngiti?"
 
"It's not really about the smile, it's about you and your plans. Sigurado ka talaga? Of all people dara? Bakit hindi na lang natin hanapin yung Mr. Gwapong masungit mo na nakalagay sa notebook mo." Aba pano niya nakita yun? Naku pakielamero talaga.
 
"Bes, first of all napakapakielamero mo ng gamit ko. Secondly, bakit pa ko maghahanap kung nandyan naman si kurt? And lastly, bes! Mas hot si kurt dun kay mr. gwapong masungit." sabi ko. Napapailing na lang si roan sa sagot ko. I know I'm crazy for doing this pero I badly want this too.
  
"Dara why don't you listen to roan? Mamaya mapahamak ka pa sa kurt na yun, diba nga nung inistalk natin siya may nakita tayong picture niya na ang caption 'are you ready for me' ang kadiri niya that means he's no longer a v!"
  
"Kadiri agad? Tsaka grabe to naturingan kang accountancy student hindi mo ina-apply yung never assume until directly stated chorva."
 
"You and your reasons dara. Ano pa nga bang magagawa namin para pigilan ka eh hindi ka nga nakikinig lagi ka na lang may rason." eh kasi sino bang nagsabi na pigilan niyo ko? Jusme pinapahirap niyo lang buhay niyo eh.
 
"Trust me on this. Kaya ko to." sabi ko at tumayo na ko. Iniwan ko yung dalawa doon sa main caf hindi dahil galit ako or something gusto ko lang magkaroon ng alone time yung dalawang yun!
  
Dumiretso ako sa cr para mag-ayos para pag nakita ako ni kurt mapapatingin siya. Inilugay ko yung buhok ko at naglagay ng konting red lipstick. Nagfoundation at nagpabango. Habang tinitignan ko ang sarili ko napaisip din ako sa sinabi ni pau. What if sex addict nga si kurt? Itutuloy ko pa ba? Lumabas ako sa cr at bumalik sa main caf pero wala yung dalawa. Napansin ko naman na maraming tumitingin sakin pero bakit yung hinahanap ng mata ko hindi ko makita kita nasaan kaya yun?
 

Tinamad na akong lumakad ng lumakad sa main building kaya naisipan kong bumalik na sa CEA building. Saktong pagkadaan ko sa drawing room ay may nahagip ang mata ko. Tama ba yung nakita ko?

Dahan dahan akong bumalik para siguraduhing tama yung nakita and omfg! My eyes! My virgin eyes! Sa sobrang pagkashock ko naitulak ko yung pinto at natumba ako malapit sa kanila.
  
"Omg kurt!" sabi nung babae at agad ayos ng damit niya. Tumayo ako at tumalikod agad para hindi magkasala ang mga mata ko.
 
"Oh god this is embarrasing. I'm going." umalis yung babae. Aba binunggo pa ko kala naman kung sinong maganda. Pagkaalis nung impakta wala pa ring kumikibo. This is what I want right? But why can't I utter a word. Bago ko pa maibuka ang bibig ko nagsalita na agad si kurt.
 
"Who are you? At anong ginagawa mo dito?" syete! Yung boses niya! Omo ang manly!
 
"What are you deaf? Sino ka ba? Face here." gusto ko sana humarap kaso naghehesitate ako eh.
 
"A-are you d-dressed?" tanong ko. Pakshet nakakawalang poise bakit ngayon pa ko kinabahan?! I heard him chuckle and that made me calm. Pagkaharap ko sakanya ay agad niya akong idinikit sa pader.
 
"Ouch naman dahan dahan ah!" sabi ko bigla. I mentally started slapping myself. Tanga ko naman nakakaturn off!
 
"Hhm so you want it gentle?" sabi niya at agad naman akong napalunok dahil sa sobrang lapit niya sakin.
  
"So who are you again?"

"D-da-ra." I can't help it sobrang lapit na niya sakin!
 
"Why did you enterupt us? I guess gusto mong ikaw na lang ang pumalit sa kanya." wow! Pumalit? Ano ko sub? Big word! Inilayo ko siya sa akin at tumayo ng maayos.
  
"Substitute? Ano ko sex toy? Hoy kurt davin virgin pa ko tigilan mo nga ako." mukhang nagulat siya sa inasal ko pero totoo naman kasi nakakabadtrip siya.
 
"Fyi di ko ginusto na mapasok dito tsaka sana kasi diba marunong kayong mag lock ng pinto edi sana hindi ako natumba kanina."
 
"So you're saying it's technically my fault?" sabi niya na di makapaniwala.
 
"Oo. Tsaka wait ako muna di pa ko tapos magsalita. So ayun nga, hindi ako isang substitute dahil hindi ako rebound at lalong hindi ako isang option lang." magsasalita na sana siya pero pinigilan ko. Okay this is it!
  
"Kurt Davin. The ultimate heartbreaker. Ang ganda ng title mo no? Pero mas bagay sayo yung jerk pero mabalik tayo sa sinsabi ko. I don't want to be an option, I don't want to be your option. Gusto ko ako lang." binitawan ko siya at lumapit na naman siya sakin. Mas malapit pa kaysa kanina.
 
"You're crazy. Hindi mo alam ang pinapasok mo." sabi niya at lumayo na sa akin. Aalis na sana siya pero pinigilan ko lang.
  
"What now?" iritado niyang sabi.
 
"I want you to love me. Only me." buong lakas ng loob kong sinabi. Natawa siya ng konti at nagsalita.
 
"Sorry miss, you're not my type." sabi niya at tinalikuran na naman ako pero hinigit ko ulit siya.
 
"Then I will be your type."
 
"You can't be." Aba inuubos talaga nito ang pasensiya ko!
 
"Try me kurt davin. Walang mawawala kung susubukan mo."
 
"Why are you so desperate? Ganun mo ba ako kagusto?"

"Ang lakas din ng self confidence mo eh no?" sabi ko habang natatawa tawa.
 
"I'll do it." nagulat ako sa biglang sinabi niya.
 
"Weh seryoso?" tanong ko ulit at natawa na naman siya.
 
"You're really crazy aren't you?" nangiti na lang ako sa sinabi niya at ganun din siya. See edi mas gwapo siya pag naka smile!
 
"On one condition."
 
"Anything." sabi ko. Naku ano kayang trip nito?
 
"One month. You'll keep in touch with me for a month and if I fall you, which is impossible for me, I will love you for real but if I didn't, you have to promise you won't bother me anymore." one month? Makakaya ko kayang mafall to sakin within a month? Dibali na nga. Whatever happens I'll give my best shot. I'll try my hardest. I will make the impossible possible.
 
"Sige ba! Yun lang pala, sisiw naman. Deal!" sabi ko.
  
He smile and chuckle bago siya umalis. Akala ko wala na siyang sasabihin pero may sinabi pa siya bago siya tuluyang isara ang pinto at umalis.
  
 
"No heartbreaks, no heartaches. Don't be too confident na mahuhulog ako sayo miss. The question is can you make me love you within a month? Are you gonna be the girl who'll stay or are you gonna be the girl who'll walk away?"

The Girl Who StayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon