Dara's POV
Nakatanggap ako ng text galing kay pau at ang sabi niya ay pupunta daw siya sa amin mamaya. Naku for sure matutuwa nanaman si mama dahil may isa pang mambobola sa luto niya. Nandito kami ngayon sa classroom at ang subject namin ngayon ay English 1. Nakakatamad naman. Walang kwenta yung prof dire-diretso sa pagsasalita kala mo nasa rap battle eh!
"Hoy makinig ka nga." sabi sakin ni roan. Pagkabalik namin kanina ni kurt ang dami ng nakatingin sa akin, akala mo papatayin ako sa mga tingin eh peste na girls yan. Akin lang ang prince charming ko aba! Buti na lang tong si roan di na ko tinanong kung saan kami pumunta baka mamaya pa ko talakan nito. Kahapon nga eh nung nagkwento ako g na g agad di naman ako nirape ni kurt.
"Ang boring niya inaantok ako. Bes matutulog ako takpan mo ko dali." sabi ko at ang loko binatukan pa ko.
"Aray ha! Sabi ko takpan hindi batukan!" pasigaw kong sabi pero mahina lang yung boses ko.
"Para magising ka na. Magising sa realidad." ay grabe.
"Grabe ka bes. Ok na naman kami ni kurt may deal na kami. May one month pa ko no kaya keri lang yan tignan mo naku! pag yan talaga nafall sakin who you ka sakin." sabi ko. Kailangan ko na kumilos. Ano ba yung mga ginagawa sa wattpad nung nga girls para magustuhan sila nung guys? Just wait kurt davin.
"Dara I'm not okay with it. Ayoko ng setup niyo. Isipin mo ha, pano pag sa loob ng one month eh hindi mafall sayo yung si kurt tapos ikaw ang mafall, edi kailangan mo na siyang iwan? Tapos ano? Masasaktan ka na naman, iiyak ka na naman tapos mauubos na naman yung pera ko ganon?" sabi ni roan.
"Bes naman kaya ko nga diba. Pinangako ko na sayo diba na last na to. Kung mag backfire sa kin yung plano ko edi ako yung masasaktan pero diba nga sanay na ko?" My last relationship was with Clyde. After ko maging immune sa sakit sa pag-iwan sakin ni kyle, hindi na ko umiyak nung niloko ako ni clyde so I guess hindi na rin ako iiyak kung hindi man magwork ang plano ko ngayon kay kurt.
"Sanay ka na? Kaya ba hindi mo iniyakan si clyde? Or nagfefeeling strong ka lang? Kasi lahat ng tao nasasaktan. Hindi ka man umiyak alam ko nasaktan ka ng mga panahon na yun pero wala kang narinig sa akin. Hindi kita sinermunan kasi sabi mo kaya mo. Tapos ngayon eto ka na naman? Hay naku."
"Please wag na nating pag-usapan si clyde. Past is past. Makinig ka na nga kay sir mamaya magpa quiz yan next meeting wala ka pang maisagot edi wala rin akong masasagot." sabi ko na lang.
"Ang sipag mo kasing mag-aral eh no? Proud na proud talaga ko sayo galing mo magchange topic eh." hahahaha lokong bestfriend talaga to. Nakinig na nga lang roan at ako naman ay isinandal ang ulo ko sa likod niya para hindi ako makita ni sir. Good thing nasa bandang hulihan kami at si kurt! Oo nga pala! Binuksan ko ang mga mata ko at ng mapatingin ako kay kurt ay nakatingin din siya sa amin. Nginitian ko lang siya at ini-snob naman niya ako. Hala ano yun? Snobber ang putek.
Sa wakas, pagkatapos ng klase ay dumiretso kami ni roan sa parking para makauwi na. Hindi man lang ako nakapagbye kay kurt peste kasi umalis agad san kayang lupalop pumunta yun? Mag gagabi na at papunta na rin si pau sa amin kaya naman kailangan na naming makauwi. Papasok na ko sa kotse ng may biglang bumusina sa tapat namin. Dahil sa liwanag nakita ko agad na si kurt yon."Bes wait lang si kurt yun." sabi ko at agad pumunta sa kotse ni kurt. Binuksan niya ang bintana para marinig ko ang sasabihin niya.
"Tara sa condo ko." sabi niya. Hala hindi pwede magagalit si pau.
"Ngayon na talaga?"
"Bakit ayaw mo? Sleep with me babe." kinilig agad ako nung tinawag niya akong babe. Crush ko na talaga itong gwapong to.
"Wait lang." bumalik ako sa kotse ni roan para magpaalam.
"Bes! Niyayaya ako ni kurt sa condo niya ikaw na bahalang magsabi kay mama na dun muna ako matutulog sa inyo." sabi ko.
"Ano?! Sa condo tapos kayong dalawa lang nababaliw ka na ba?!"
"Walang mangyayari promise kaya ko na to malaki na ko!" sabi ko. Si roan naman ay badtrip na badtrip na pumasok sa kotse niya at umalis na. Hala nagalit? Bumalik ako sa kotse ni kurt at sumama sa kanya.
Pagdating namin sa condo niya ay namangha ako sa linis nito. Black and white ang kulay ng condo niya pati na rin ang mga gamit dito.
"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong ko. Naupo kami sa sofa niya at inakbayan niya ako.
"Kurt ano ba." sabi ko. Hinahalik-halikan kasi niya ako sa leeg ko.
"What? I said sleep with me at pumayag ka nga diba kaya ka sumama?"
"Sumama ako kasi literal na sleep ang gagawin natin, walang halong sex." Ang kulit talaga puro na lang yun ang nasa isip.
"Bakit ba ang ilap mo? You should be happy because you're with me at sa dinami-dami ng babae eh ikaw ang napili kong makasama na gawin ang bagay na lagi mo namang tinatanggihan."
"Diba sinabi ko na sayo na hindi pa ngayon. At mas lalong sinabi ko na sayo na hindi ako option."
"I'm getting tired of this. Pinagbigyan na kita ngayong araw hanggang ngayong gabi ba naman ayaw mo pa din?"
"Sex ba ang basehan mo sa pag-ibig ha?! Bakit ba ang kulit mo?!" No dara. You can't loose your temper. Konti pa. Kaya mo yan.
"This won't work. Get out." ano daw?! Get out? Aba gag* pala to eh!
"Hoy anong get out? Grabe ka."
"I can't handle you. The deal is over." sabi niya. No. Hindi pwede. Hindi ganito ang gusto kong mangyari!
"Hindi mo pwedeng bawiin yung sinabi mo! May one month ako diba? One day pa lang kurt!" ang unfair wag ganun!
"I can take back what I said. I'm kurt davin. The ultimate heartbreaker."
BINABASA MO ANG
The Girl Who Stayed
RomanceSa paghahangad ng mala wattpad na love story sa kanyang buhay, Dara Santillan Quiriza will do everything to tame the playboy Kurt Davin. But what if Dara fell into him but he doesn't want to catch her? Will dara be The Girl Who Stayed or will she be...