chapter 1

23.5K 656 10
                                    

Nagmamadali ako'ng maligo at magbihis ng damit, kailangan ko'ng makarating sa mall bago mag eleven am, magkikita kasi kami ng boyfriend kong si hermes, kailangan ko'ng wag malate dahil ipapakilala nya ako sa parents nya,

"Mama!!!!"sigaw ko, nang matapos ako'ng maligo,

Nagmamadaling tumakbo si mama sa loob ng kwarto ko,

"Nasaan!! Nasaan!! ang mag nanakaw, habang may hawak ng walis tambo, kasama pa nito si yaya edith,

Sumimangot ako, "mama wala naman pong magnanakaw! Sino ba naman ang magtatangkang mag nakaw dito satin. bago pa sila makapasok dito sa gate natin na baril na sila,"

Binababa ni yaya at mama ang tambong hawak nila,

"Eh, kung makasigaw ka naman daig mo pa wangwang ng bombero. Kaya nataranta kami,"

Sinuot ko ang hikaw ko at kinuha ko ang bag ko, hindi ako pwedeng magtagal,

"Mama, pupunta po dito ang parents ni hermes, susunduin ko po sila sa mall ngayon,.please po mama..pwede nyo po bang ipagluto ipaghanda sila," sabi ko,

"Aysus! 'Yon lang ba ang dahilan ng pagsigaw mo?"

Tumango ako, "Opo mama!"

"Yun lang pala e, kailangan pang isigaw. Pwede mo namang itext sa'kin kung nagmamadali kana talaga!"

Niyakap ko si mama, "Sorry mama. Nagmamadali lang talaga ako. Alis na po ako bye mama!" Tapos nagmadali akong lumabas ng bahay, dahil nineteen na ako. Pinayagan na ako nila mama na gumamit ng kotse pero may limit at curfew. Bawal lumampas ng ten ng gabi sa kalsada, okay lang naman sa'kin 'yon,

Maya-maya biglang tumunog ang cellphone ko, si hermes,

"Hon, where are you?kanina pa kami dito ni mommy at daddy,"

"Nasa byahe pa ako,"saglit ko'ng sinipat ang wrist watch ko, ten pa lang ng umaga hon, kabubukas palang ng mall diba?"sabi ko,

"Oo nga! Eh, kasi si mama nagmamadali may flight kasi sya sa london mamayang twelve ng hapon, kaya maaga kami, malapit ka na ba?"

Bigla tuloy ako'ng nakaramdam ng stress, kung pwede lang liparin ang kalsada ginawa ko na,

"Sige-sige! Fifteen minutes nariyan na ako!" Sabi ko,

"Okay hon, take care, bye!" Tapos narinig nya ang pag off ng tawag,
Pagkatapos no'n, mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan nya. First time nyang mag patakbo ng mabilis, "guide me lord!"dasal ko,
Sa bilis ng takbo ko sampung minuto lang mahigit ang tinakbo ko, nakahinga ako ng maluwag noong pinapark ko na ang kotse, ngunit kung kelan nag mamadali ako saka naman may nasagi ako'ng isang red na kotse, dahil hindi ko namalayan sa pag atras ko, agad ako'ng lumabas upang tingnan, "Shit! Nayupi yung unahan ng kotse na nabangga ko, at dahil walang tao, umalis na lang ako, mamaya na lang nya aasikasuhin 'yon, nag mamadali lang talaga sya,

Pagpasok ko sa loob. Agad nyang natanaw ang mommy ng boyfriend ko. Habang papalapit ako ng papalapit, Nakita naman ako ni hermes at sinalubong ako ng yakap,

"Hon, ang bilis mo ah!"sabi nya,

"Nakakahiya kasing pag-antayin ang mama mo."

Lumapit kami sa mama nya,
"Mama, si Aceshelle po girlfriend ko," ani ni hermes,

Bigla ako'ng nahiya ng tinitigan ako ng mama nya. Mula ulo hanggang paa, yumuko ako,

"Kamusta na Iha?"tipid na sagot ng mama nya,

"O-okay naman po tita!"

"Let's eat! May flight pa si mama mamaya eh,"ani hermes,

"Pasensya na Aceshelle ha! Hindi tayo makakapag-usap ng maayos, pakisabi narin sa parents mo na hindi na ako makakapunta sa bahay nyo, importante kasi yung pupuntahan ko sa london,"

THE GAMBLER NIKKO MADRIGAL(18 ROSES SERIES) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon