Isang malakas na sampal ang ipinadapo kong muli sa mukha ni Hermes. Narito kami sa isang fastfood chain na malapit sa school namin. Ayoko na sana syang kausapin pa. Kaya lang masyado na syang pafamous sa school. dahil tinitingnan sya ng mga stupident. Kaya napilitan akong lapitan sya. At ngayon nakaupo kami.
Nanggagalaiti ako sa galit. Litaw na ang litid ko dahil sa sobrang galit sa kanya. Ilang beses ko na ba s'yang pinagsasampal. Pero hindi sya umilag. Nakayuko lang sya sakin.
"Magsalita ka! Ipagtanggol mo ang sarili mo. Wag mo akong gawing kontrabida sa mga taong nakatingin satin."mariin kong sagot.
"I'm sory Aceshelle, pangako hindi ko na yon uulitin. Inakit nya kasi ako." pagsusumamo nya sakin.
"Huh! What do you think of me Hermes TANGA!! pwede ba hindi na ako naniniwala sayo. Tapusin na natin kung anong meron sating dalawa!"tumayo ako upang umalis sana. Ngunit hinawakan nya ang kamay ko para pigilan. "Please Aceshelle..."
"Bitawan mo ako!!!"pasigaw ko sa kanya. Napatingin tuloy ang mga nasa loob ng fastfood chain.
"Aceshelle.. . Please!!"
"I have to go! Bye hermes!" Taas noo akong umalis.
Sa School
"Hoy! Bakla hindi mo ba kakausapin nyang si hermes. Kanina pa ako nabibinge dyan sa katutunog ng cellphone mo!"inis na sabi ni Rhina.
"Hayaan mo sya!" Sagot ko habang bising-bisi ako sa pagkain.
"Hayaan ko? Nabibinge na nga ako eh, ibato ko kaya yang cellphone mo!"iritableng sagot sakin ni Rhina.
Inirapan ko sya. "Eh, di ibato mo!"tipid kong sagot.
"Ah, okay!"mabilis na kinuha ni Rhina ang cellphobe ko na nakalapag sa table namin at ibinato sa dingding. basag-basag itong bumagsak sa semento.
"What the fuck! Bakit mo ibinato??"inis kong sagot.
Ngumisi sya sakin."Sabi mo ibato ko. Eh, di binato ko. Madali akong kausap." Kampanteng sagot nya sakin.
May pagkabaliw talaga 'tong si Rhina. Akalain mong talagang ibinato ang cellphone ko. "Palitan mo yang cellphone ko!"
Nagkibit balikat sya. "Sure, may tig five hundred pesos namang nabibiling cellphone."
"RHINA BIBON!!!"Mariin kong sagot sa kanya.
She smiled. "PRESENT!!" Tinaas pa nito ang kamay nya. At ngumisi habang patuloy ang pagkain nya ng chichiriyang binili.
"Hindi ako nakikipagbiruan!"
"Fine, ibibili kita yun lang pala eh, wag ka ng maistress dyan."
"Nakakaistress kang kasama." Sumimangot pa ako sa kanya.
Nakangisi sakin si Rhina. habang nakapeace sign sakin. Umiling na lang ako sa kanya at inubos namin ang oras ng breaktime bago muling bumalik sa school.
Tinuon ko ang pansin ko sa pakikinig ng mga lecture ng mga prof namin. Hanggang sa dumating ang oras ng uwian namin.Habang naglalakad kami ni Rhina. Narinig namin ang hiyawan ng mga estudyante ng school namin.
"May Artista yatang dumating. Walang tigil ang tili ng mga stupident."ani Rhina.
"Artista? Sino baka aldub?"
Umikot ang mga mata ni Rhina.
"Mas corny ang joke mo kesa sa aldub Aceshelle.""RHINA!!"
Napalingon ako. At kitang-kita ko kung pano namula ang bestfriend ko nang tawagin sya ni Alfred. Nakasuot pa ito ng uniform ng SPIA. Kaya naman pala halos mawalan ng boses ang mga babae sa school namin. Taga saint Paul pala ang nasa labas ng gate. Kilala kasi ang saint paul na pinakasikat na school.
BINABASA MO ANG
THE GAMBLER NIKKO MADRIGAL(18 ROSES SERIES) COMPLETED
Teen FictionWALANG FOREVER! yan ang paniniwala ni Aceshelle , dahil sa pang lolokong ginawa sa kanya ni Nikko Madrigal. akala nya noon, totoo ang lahat ng pinapakita ni nikko sa kanya. ay totoo! ngunit nalaman nyang pustahan lang ang dahilan kaya naging boyfri...