Alas kwatro pa lang ng hapon. Pero bihis na bihis na ako. dahil gusto kong maunahan ang lalaking nakakuha ng gamit ko.
Habang nasa harap ako ng salamin. Napadako ang tingin ko sa cellphone kong nasa may gilid ko. Agad ko iyon kinuha at tinipa ko roon ang numero ng cellphone ni Hermes. Nais ko kasing samahan nya akong makipagmeet sa kumuha ng gamit ko. Para incase na budol yon. May kasama akong tutulong sakin."Hello Hon." Sabi ko.
"Hi Hon, i miss you. Kamusta kana? Oh bakit ka napatawag?"sagot nya sakin
"I miss you too hon, ahm.. pwede mo ba akong samahan ngayon? May imimeet lang tayo?"
"Nakakalungkot naman Hon. Gusto sana kitang samahan. Kaya lang nandito pa ako sa cebu. Next week pa ang uwi ko dyan sa manila."
Naramdam ako ng lungkot ng marinig ko ang pagtanggi sakin ni hermes. Simula ng umalis ang parents nya hindi na sya nagpakita sakin. Laging marami itong dahilan sakin.
"Ganon ba Hon, sige mag ingat ka dyan ha! Miss you hon,"
"Sorry talaga hon, gusto ko sanang liparin ang manila for you kaya lang hindi talaga pwede."
Huminga ako ng malalim. "It's okay tatawagin ko na lang si Rhina para samahan nya ako. Ingat ka dyan hon. Miss you!"
I ended the call.Muli akong tumawag ngunit sa pagkakataong yon ang kaibigan ko namang si Rhina ang tinawagan ko.
"I'm sorry Bakla. Alam mo namang may date ako ngayon." Ani Rhina sa kabilang linya.
"Si Alfred na naman ba?"usisa ko.
"Alam mo naman. Ang kulit ng lalaking 'yon eh, naaasar na nga ako don. Gusto mo samahan ka na lang namin?"
"Naku!wag na! Moment nyo yan. Nakakasira pa ako ng moment nyong dalawa.enjoy na lang bakla ha."
"Bye Aceshelle. Pasensya na ha!"huling sabi pa nya
"Ano ka ba wala yon! Basta pagpasok mo sa school mag kwento ka ha!"
"Syempre naman! Bye!"
pailing-iling ako. Buti pa si Rhina may ka date ngayon. Pakiramdam ko tuloy wala akong boyfriend. Aish! Kinuha ko ang bag ko. At mabilis akong lumabas ng kwarto.wala akong makasama eh, di ako na lang mag isa.
Aristokrata Bar
Sa VIP Room daw ako pupunta.sa puntong yon. Nakaramdam ako ng konting ginhawa. Hindi kasi biro ang magpareserve sa isang VIP Room sa aristokrata bar. So ibig sabihin mayaman ang nakakuha ng gamit ko. At hindi budol-budol.
"Hello miss sungit!"kausap nya sakin ng sagutin ko ang tawag nya.
"Yes! Narito na ako sa aristokrata Bar. Anong VIP Room ba?"
"Moonlight, nandoon na ako."
"Okay, bye!" Tipid kong sagot. Ayoko na kasing makipag usap sa Stranger. Agad kong hinanap ang moonlight Room. At ng makita ko iyon. Huminga muna ako ng malalim. Kinapa ko muna ang pepper spray nasa loob ng bulsa ko. At pagkatapos pumasok na ako sa loob.
Salubong ang kilay ko ng makilala ko ang Lalaking natatanaw ko. Ang lalaking nagpabayad sakin sa mamahalin nyang kotse. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang dalawa pa nitong kasama na nakatalikod sakin. Biglang lumakas ang kaba ng dibdib ko habang papalapit ako ng papalapit. Hindi dahil natatakot ako sa lalaking kaharap ko. Kundi parang unti-unti kong nakikilala ang lalaking nakatalakod sakin. Na walang sawang hinahalikan ang kasamang babae.
"Hi!" Tipid kong sabi. Gusto kong manampal ng tao. Dahil ngayon malinaw na sakin ang lalaking nakatalikod sakin. Pilit kong tinatapangan ang sarili ko. Hindi ako dapat umiyak at magpakita ng pagkatalo.
BINABASA MO ANG
THE GAMBLER NIKKO MADRIGAL(18 ROSES SERIES) COMPLETED
Teen FictionWALANG FOREVER! yan ang paniniwala ni Aceshelle , dahil sa pang lolokong ginawa sa kanya ni Nikko Madrigal. akala nya noon, totoo ang lahat ng pinapakita ni nikko sa kanya. ay totoo! ngunit nalaman nyang pustahan lang ang dahilan kaya naging boyfri...