chapter 6

12.6K 436 24
                                    

"Anak, bakit ganyan ang suot mo? Diba? May Date kayo ni Nikko?" Tanong ni Mama sakin. Habang nakatayo siya sa harapan ko. Nakaupo kasi ako sa malambot na sofa namin. Habang Nanonood ng Tv.

"Sino po ang Nagsabi sa inyo nyan Mama?" Tanong ko sa kanya ngunit ang mga mata ko ay nakatuon sa Pinapanood ko sa Tv.

Nameywang sakin si Mama. Habang salubong ang kilay niya. "Abah! Aceshelle, magbihis ka na dyan at baka malate ka pa sa Date mo! Si Rhina ang Nagsabi sakin na may Date ka. Kaya kumilos kana dyan!"

Napasimangot ako. "Ang babaing iyon talaga! Kahit kailan napaka-pakialamera. Ayokong makipag Date. Tutal si Rhina naman ang sumagot ng Oo sa kanya."

"Aceshelle!!!" Tawag ni Mama sa pangalan ko.

"Ayoko po Mama."

"Sige, wag kang makipag date. Ipapa-close ko lahat ng Credit Card mo at Bank Account mo. Walang Allowance at walang Kotse!"

"Mama naman eh! Ano ba yan? Bakit kailangan mo akong gipitin? Hindi ka ba natatakot na baka Ma-Rape ako O di kaya Kidnapin tapos Patayin ako ni Nikko. Hindi pa natin siya nakikila ng Mabuti."

"Ikaw na bata ka! Anong pinagsasabi mong Rape! Rape! Aba'y ka gwapo ng Nikko na iyon para  pag aksayahan ang puri mo. Isa pa! Mayaman sila kung para satin. So paano ka kikidnapin? Ano ka Anak ng presidente ng Amerika?" Tumayo ka na dyan at magbihis na Alas Otso na ng umaga. Bilis!"

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa Mama ko. Hindi ko alam kung anong gusto ni Mama kay Nikko. At  bakit ganoon na lang ang tiwala nyang magiging mabait siya sakin.  Nagsuot ako ng simpleng damit lang Maikling short at Blouse na kulay Pula. Tapos nilagyan ko ng Lipstick ang labi  ko. Konting polbo at suklay  presto! Ready na ako sa Date namin. Pagbaba ko ng hagdan. Hindi maipinta ang mukha ni Mama habang nakatingin sakin. "Saan ka magtitinda ng Isda Aceshelle?"

"Ma, naman eh!"

"Naiinis  na ako sa pagiging Pabebe mo dyan ha! Babatukan na  kita. Magsuot ka ng Aayon sa Pupuntahan nyo."

Si Mama parang si Rhina talaga. Mahilig pumuna. Anong mali sa suot ko mas Komportable ako sa suot ko eh. "Mama, wag nyo na po akong pakialaman sa Suot ko. Isa pa Mama. Wala naman Romantic Date ng Umaga. Kaya siguradong gagala lang kami kung Saan-saan."

"Hays! ikaw na bata ka! Bahala ka nga sa buhay mo. Basta wag na  wag mong tatarayan si Nikko. Malilintikan ka sakin."

"Mama ako po ang Anak nyo hindi si Nikko."

"Ah basta yung bilin ko sayo ha. Sige maiwan na kita dyan."

"Buti naman.."

"Anong Sabi mo?"

"Wala po sabi ko Salamat."

Pinagpatuloy ko ang panonood ng Tv. Habang naghihintay kay Nikko. Wala talaga akong Balak na Makipag Date. Napilitan lang ako dahil sa pag uudyok sakin ng mga tao sa paligid ko. Kaya naman mas gugustuhin ko pang wag ng Dumating si Nikko. Sana makalimutan nya.. sana..

"ACESHELLE!!!! palahaw na sigaw ni Mama.

Sa sobrang gulat ko sa lakas ng sigaw niya. Napatayo ako mula sa pagkakahiga ko sa Mahabang sofa namin. "Mama!! Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko kay Mama.

Nakatayo si Mama sa Tapat ng pintuan namin. Habang ang lapad ng pagkakangiti niya sa kaharap niya.

"Goodmorning Mahal ko." He smiled at me.

I cross My Arms With matching Taas kilay. "Anong maganda sa umaga?"

Napa-Aray ako ng maramdaman ko ang mabigat na Paa ni Mama na umapak sakin. Nang lingunin ko si Mama. pinandilatan nya ako ng Mata. "Huhu! ang sakit ng paa ko."

THE GAMBLER NIKKO MADRIGAL(18 ROSES SERIES) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon