Malakas na pagkatok ang gumising sa mahimbing kong tulog. inis na inis akong bumangon. Ang aga pa kasi para gisingin ako sa pagpasok sa eskwela. "Nakakainis si Mama nauna pang manggising sa alarm ko."bulong ko.
"Mama! Bakit ang aga nyong manggising?"inis kong tanong ng buksan ko ang pintuan ng silid ko.
Ang lapad na ng pagkakangiti ni mama ng makita ko sya. "Huh?anong meron?"
"Anak mag asikaso kana sa pagpasok sa school dahil kanina kapa hinihintay ng boyfriend mo."
Sumimangot ako. "Mama, matagal na kaming wala ni Hermes."sabi ko.
Biglang nagbago ang itsura ni Mama. "Hindi sya ang tinutukoy ko si Nikko. kanina pa sya sa labas."
Biglang nagising ang diwa ko sa narinig ko. Talagang tinutoo nya na maging legal ang Relasyon namin. Aish! "Mama! Pakisabi sa kanya. Mauna na sya. may sasakyan naman ako."
"Wala ka ng kotse!"
Tinitigan ko si Mama. "Mama naman! Bakit nyo ako inalisan ng kotse."maktol ko.
"Hindi ko ipapagamit sayo ang kotse mo. Hanggat hinahatid at sundo ka ni Nikko."
"Mama!"
Tumalikod ito sakin."Bilisan mo pagbibihis at nakakahiya sa nag aantay sayo. Nakakahiya sa boyfriend mo."
"Mama naman napaka Unfair mo!"habol kong sigaw.
Hindi na ako pinansin ni Mama. Dire-diretso itong nagtungo sa baba. Inis na inis akong bumalik sa silid ko. niligpit ko muna ang hinigaan ko bago ako naligo. Ayoko na kasing ipalinis pa sa katulong namin ang pagliligpit ng higaan ko. Kaya ko naman gawin yon. sinadya kong bagalan ang paliligo. Para mainip sakin si Nikko. Pero laking gulat ko ng magtungo ako sa kusina. Naroon si Nikko. Nakaupo habang nakikipag usap kay mama. at take note. May nakahain ng Almusal sa harapan nya. Feel at home ang unggoy. "Goodmorning Mama.."sabi ko.
Lumingon sakin si Nikko. At tumayo sya sa kinauupuan nya at pinaghila ako ng upuan. "Mahal ko, dito kana sa tabi ko umupo."sabi nya.
Hindi ako kumibo. Pero wala akong balak na tumabi sa kanya. Napakahaba ng lamesa namin at madaming upuan. Bakit ako tatabi sa kanya?
"Aceshelle, Tumabi kana sa kanya. pinaghila kana ng upuan."
Nanlalaki ang mata ni mama sakin ng tingnan ko sya. dahil sa takot na bugahan ako ng Apoy ni mama. Napilitan akong tumabi kay Nikko."Ahh.. Nikko. Anak, pasensya kana dyan kay Aceshelle. mabagal kasi syang kumilos sa umaga."sabi ni Mama.
"Anak?kelan pa nya naging anak yan si Nikko. Tss!!nakakaainis!"kausap ko sa sarili.
"Wala po yon Mama. Okay lang po sakin na maghintay Kay Aceshelle. Maaga pa naman po."sagot ni Nikko.
Nakangiwi ako habang pinakikinggan ko ang usapan nilang dalawa ni Mama. Feeling close na talaga silang dalawa ni mama. "Aceshelle.. asikasuhin mo naman ang boyfriend mo."ani mama.
"Psh! kaya na nyan! Hindi nya ako katulong."inis kong sagot.
Naramdaman ko na lang ang kurot ni mama mula sA ilalim ng lamesa. Huhu! Grabe talaga si Mama ako kaya ang Anak nya. Masyadong VIP yang si Nikko.Ngiting aso ng humarap ako kay Nikko. "Mahal ko anong gusto mong ulam?"labas sa ilong kong sabi.
"Mahal ko.. ako ng bahala kaya ko naman eh, wag mo na akong intindihin. Kumain ka lang dyan."sagot ni Nikko.
"Ayy buti naman!"sabi ko. Napatingin tuloy sakin si Nikko paglingon ko kay Mama parang gusto na akong ipasok sa loob ng mata nya.
"I mean.. buti naman at hindi ka kakain ng marami kasi alam mo.. nakakasira sa pagiging macho ang matakaw sa pagkain."gasgas kong alibay.
BINABASA MO ANG
THE GAMBLER NIKKO MADRIGAL(18 ROSES SERIES) COMPLETED
Teen FictionWALANG FOREVER! yan ang paniniwala ni Aceshelle , dahil sa pang lolokong ginawa sa kanya ni Nikko Madrigal. akala nya noon, totoo ang lahat ng pinapakita ni nikko sa kanya. ay totoo! ngunit nalaman nyang pustahan lang ang dahilan kaya naging boyfri...