NF• Ika-Dalawa.

5.9K 142 5
                                        








••

Elle's POV

••






"Hon, Let's go?" Napatingin ako kay Nyegie at nakitang tapos na pala siya sa pag-aayos ng sarili kaya ngumiti naman ako at tumango. Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay niyang nakalahad sa akin. He gently intertwine our hands with each other at sabay kaming nagtungo pababa.






Naabutan namin sa Sala ang Anak naming si Caleigh na nanonood ng Anime sa Tv kasama si Manang Pasing na aming kasambahay. Napatingin naman si Caleigh sa amin nang mapansin kami kaya agad ko siyang nginitian.






"Let's go, Caleigh?" alok ko sa kanya at binitawan muna ang kamay ni Nyegie at nilapitan si Caleigh tsaka ito kinarga. Mabigat siya promise pero itinaas niya ang mga kamay sa akin kaya no Choice, gusto niyang magpakarga. Three Years old palang si Caleigh kaya mabigat na rin talaga siya. (=________=) Tsk.








"Manang, papasok na kami sa Opisina kayo na muna bahala sa bahay." Bilin ni Nyegie kay Manang Pasing na ngumiti at tumango naman agad bilang tugon.





"Oho Iho, babantayan ko ang bahay. Mag-iingat kayo, babye Caleigh.." Sabay kaway ni Manang kay Caleigh na agad ring gumanti ng Kaway pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa leeg ko. Si Caleigh kakaiba sa kanilang Apat, kung ang tatlong sina Viroughn, Nyril at Shiloh makakapal ang mga mukha, ito namang bunso naming si Caleigh masyadong mahiyain. Parating nagtatago pag nakakakita ng tao. Ewan ko kung saan 'to nagmana. Sa pagkaka-alam ko makakapal ang mga lahi namin ni Nyegie, Psh. Sa kapitbahay ata 'to nagmana. Pfft.






Matapos ang kaonting bilin ni Nyegie kay Manang Pasing ay agad na kaming nagtungo sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto dahil karga-karga ko si Caleigh. Nang makapasok na kami sa loob ay inandar na niya ang sasakyan niya at nagmaneho.





Papunta kami ngayon sa Lafonso Estate dahil may pasok siya. Ako naman ay sumasama lang dahil wala naman akong magawa sa bahay at isinama na namin si Baby Caleigh.





---

        Nang makarating kami sa Lafonso Estate ay agad kaming bumaba sa sasakyan. Binaba ko na rin si Caleigh sa lupa dahil ang bigat niya. (=______=) hindi unlimited ang Energy ko tsaka marunong na naman yang lumakad. Psh.




Hinawakan ni Nyegie ang kaliwang kamay ko at nagtungo na kami papasok habang sa kanang kamay ko naman hawak-hawak si Caleigh.


K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon