NF• Ika-Siyam.

3.6K 104 17
                                    











••

Author's POV

••









"Aahh~"

Pabagsak na naupo si Nyril sa Couch ng bahay nila at agad na ipinikit ang mata dahil sa pagod.







"Don't sleep in the couch Nyril, go to your room." muli siyang napamulat ng magsalita ang Mama niya.





"Ma, hindi ako matutulog. Pahinga lang." ngiting tipid na sagot ni Nyril at umayos ng upo sa couch.






"Mom, dad's there.." napatingin sina Nyril at Hell kay Shiloh na naupo na din pala sa couch at may tinuturo ito kaya napatingin naman sila sa deriksyong iyon.






Doon nila nakita si Nyegie sa pintuan, papasok at pasuray-suray kung lumakad. Hindi alam nila Nyril at Shiloh kung matatawa ba sila sa Ama nila o maaawa dahil muntik pa itong matumba. Pfft. Mabilis namang inihiga ni Hell ang bunsong anak niyang si Caleigh sa couch na natutulog na ngayon. Agad niyang pinuntahan si Nyegie at inalalayan itong maupo sa Couch.







"Iinom, di din naman kaya. Tss." bulong ni Hell sa asawang si Nyegie na lasing na dahil nakipag-inuman pa ito kanina sa Kaarawan ni Xianne kasama ang kaibigang sina Brian at Sky.







"Hey!" napatingin bigla si Hell sa anak niyang si Shiloh nang bigla itong sumigaw at doon niya nakita si Nyril na unan-unan ang hita ni Shiloh dahilan para mairita ito. Napailing na lamang siya sa dalawa.







"Ang arte, ang liit nga ng hita mo." sambit ni Nyril sa kapatid sabay pikit ng mga mata ngunit ilang sandali lang din ay bigla siyang napamulat ng.. "Aray!" daing niya nang muntik siyang sumubsob sa sahig sa biglaang pagtayo ni Shiloh kaya agad niya itong nilingon at binigyan ng masamang tingin ngunit nginisihan lamang siya nito at naglakad patungo sa hagdanan. "Ganun ah..." napa-smirk siya nang may ideyang pumasok sa isipan. Agad niyang hinubad ang isang tsinelas niya at binato ito sa likod ng kapatid. Ngingiti na sana siya sa pag-aakalang matatamaan ito ngunit sa gulat niya ay mabilis itong nakaiwas.










"Can't hit me? Bleeee~!" Binelatan siya ni Shiloh at agad na itong tumakbo patungo sa silid nito kaya napasimangot nalang sa inis si Nyril.









"Naisahan ako dun ah, Psh." tumayo na lamang siya sa sahig at napahikab. Tinatamaan na siya ng antok kaya napalingon siya sa kanyang Mama.







"Ma, matutulog na ako. Good night~" Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisnge. Tipid na tango lang naman ang isinagot sa kanya ni Hell.





"Can you carry Caleigh to her room Anak?" tanong ni Hell kay Nyril na agad namang napalingon sa bunsong kapatid na natutulog sa Couch. Nginitian niya ang Ina at tinanguan.








"Sure Ma." sagot niya at lumapit sa kapatid. Dahan-dahan niya itong binuhat at sila'y nagtungo sa silid nito. Inihiga niya ito sa kama at kinumutan. Napahaplos naman si Nyril sa buhok ng kapatid at hinalikan ito sa noo bago siya tuluyang nagtungo sa kanyang sariling silid.









Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama at agad na pumikit. Ngunit muli siyang napamulat nang may maalala siya bigla. Di niya maiwasang mapangisi at mapatango sa kanyang naisip..









K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon