••
Author's POV
••
"Where should we go right now?" biglang tanong ni Viroughn at panandaliang tinignan si Nyril mula sa Salamin ng kotse.
Napatingin naman si Nyril sa dalawang kasama niya sa likuran, sina Bane at Tucker at agad niyang nahagip ng tingin ang mga sugat ng mga ito. Halatang pinahirapan talaga lalo na si Tucker. Awang-awa na siya sa kalagayan ng kaibigan kaya muli niyang nilingon ang kambal na si Viroughn.
"Isugod natin sila sa Hospital Viroughn!" sagot ni Nyril at halatang-halata sa tono ng boses niya ang pag-aalala ngunit napakunot siya ng noo nang umiling si Viroughn sa kanya.
"No. We can't go there, they might found us there." Napaisip si Nyril sa isinagot ni Viroughn, tama nga ito.. maaaring masundan sila pag sila'y pupunta doon ngunit saan naman sila pupunta ngayon? Saan nila dadalhin ang kanyang mga kaibigan na hindi sila masusundan?
"You know some place?" muling tanong ni Viroughn.
"I-Ikaw ba? May alam ka bang lugar?"
"If we can only hide them on my place but we can't. People might freak out and I hate attentions.."
"Ibig sabihin wala ka ng alam pa?" malungkot nitong tanong na ikinailing ni Viroughn.
"Just think." Pilit namang iniisip ni Nyril kung saan sila pupunta. Ang lugar kung saan hindi sila masusundan ngunit may mga gamit ng pag-gagamot para sa dalawang katabi niya ngunit hindi pu-pwedeng sa mga Hospital dito, maaari silang masundan ng mga taong kumidnap kay Bane at Tucker, Napatingin tuloy ulit siya sa dalawang katabi niya.. Nalilito siya kung bakit nangyari ang ganon sa dalawang ito. Bakit ito kinidnap? Bakit ito pinahirapan? Ano ang nagawa ng mga ito at bakit parang hindi pipitsugin ang mga taong kumidnap sa dalawang ito?
Hindi niya alam ang kasagutan.
"What now Nyr-----"
"Aaaahhh!!"
Biglang nahinto sa pagtatanong si Viroughn at napasigaw si Nyril nang may biglang bumangga sa kotseng sinasakyan nila. Muntikan pa silang mabangga sa poste ngunit buti nalang at mabilis ang naging aksyon ni Viroughn, agad nitong iniwas ang sasakyan.
"Who the heck are they!? Did they just hit my car!?" Inis na asik ni Viroughn at mabilis na tinignan ang sasakyang bumangga sa kotse niya. Isa itong kulay Pulang Van at napakabilis ng takbo, halatang-halata na sila ang pakay ng mga ito.
"S-Sila yun.." napatingin muli si Viroughn sa salamin nang magsalita si Bane na katabi lamang ni Nyril na halatang nababahala sa nangyayari sa kanila.
"A-Anong sila yun Bane!?" litong tanong ni Nyril kaya napatingin dito si Bane.
"S--Sila ang dumukot sa amin.. yan yung sasakyang ginamit nila." Sagot ni Bane dahilan upang manlaki ang mga mata ni Nyril at agad napatingin kay Viroughn gamit ang salamin.
"V-Viroughn!" Puno ng pagkakabahalang sabi ni Nyril. Hindi niya alam ang maaaring mangyari sa kanila ngayon, pu-pwedeng ikamatay nila ito. Ngunit pa-paano sila nagawang sundan ng mga ito?
BINABASA MO ANG
K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]
Mystery / ThrillerWhen you thought it was the end but it was only the beginning of everything. ------ REMINDER: I hereby advice you that I cannot continue writing this story for the mean time. Therefore, I put it on a 'On-hold' status. If you still like to read this...
![K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/49935352-64-k50879.jpg)