NF• Ika-Labing Siyam.

3.7K 99 21
                                        








••

Author's POV

••







Mabilis na tumatakbo si Nyril patungo sa second floor at nahinto lamang sa tapat ng isang Pinto. Huminga muna siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili bago inangat ang kanang kamay upang ikatok ito.











"Bane! We're having a breakfast now!" sigaw niya habang kumakatok. Nakarinig naman siya ng kalabog mula sa loob na ikinataas ng kilay niya. Bigla bumukas ang pinto kaya napababa siya ng kamay.







"Sorry," sambit ni Bane nang makalabas ito. Umiling lang naman si Nyril at nagkibit balikat sabay usog ng kaonti.







"Antagal mo. Matagal ka pa palang mag-ayos kesa sa akin eh. Ano ka chicks? Pfft!" natatawang tanong ni Nyril nang magsimula silang maglakad patungo sa Dinning Area upang makakain na ng umagahan.






Napangiting nailing naman si Bane dahil doon. "Naninibago lang siguro ako sa bahay niyo kaya ganun," sagot niya.








"Sus. Halika ka na nga, nagugutom ako lalo sa'yo eh!" hinila na siya ni Nyril sa braso papasok sa Dinning Area at agad itong naupo sa harap ng hapag habang siya ay nahihiyang naupo na rin sa tabi nito.






Naroon na rin sa hapag sina Virhelle, Nyegie at ang mga anak na sina Viroughn, Shiloh at Caleigh.



Hindi rin maiwasang maging uneasy ni Bane lalo na't siya lamang ang bagong salta sa pamilya ng mga Lafonso, though he knows that he will be part in the future. Pfft.







Wala nga siyang kakilala sa pamilya ng mga Lafonso, only Nyril, who became his friend just last night. Yeah. It was sure awkward on his part and was wishing that he can teleport somewhere far from this place.








"Let's eat, Ittadakimasu." biglang sabi ni Virhelle kaya napadaop naman ang lahat ng kamay kaya napagaya na rin si Bane.




"Ittadakimasuuu~" sabay nilang tugon at nagsimula ng kumain gayon din si Bane na hanggang ngayon ay Uneasy pa rin. Kung nandito lang siguro si Tucker na bestfriend niya, siguro ay kakapal din ang mukha niya kapareho nun.







SA kalagitnaan ng kainan, biglang nagsalita si Nyegie at patungkol ito kay Bane..





"How was your night here, Bane?" tanong ni Nyegie sa binata na agad namang napatungo at kinabahan bigla lalo na't mukhang seryoso ang ginamit ni Nyegie na ekspresyon sa mukha.







Lumunok muna si Bane bago sumagot baka sakaling pumiyok pa siya. "O-Okay lang naman po.."








Napatango si Nyegie at sumubo ng pagkain kaya napayuko nalang ulit si Bane sa kanyang pagkain habang itong si Nyril naman ay may sa-demonyong ngumingisi sa nakikitang kalagayan ng binata sapagkat pansin niyang kinakabahan ito sa kanyang Papa.





Si Viroughn, Virhelle, Shiloh at Caleigh ay tahimik lang na nakikinig ngunit parang may sarili ring mundo ang apat.






"Nga pala, diba ay magtatagal ka rito sa bahay namin, nasaan na ang mga gamit mo?" muling tanong ni Nyegie kaya muling napalingon si Bane.









"Uh, nasa apartment ko pa po."






"Kailan mo kukunin? Sabihin mo lang sa amin at pwede kang magpasama kay Manong Rolly, ang driver para matulongan kang makapunta doon." suhistyon naman ni Nyegie kaya napaisip si Bane. Kakailanganin niya na nga ang mga gamit niya, lalo na ang mga gamit niya sa iskwela at ang mga uniporme.







K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon