••
Author's POV
••
Napatingin si Nyril sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Napatango naman siya nang makitang maayos na ang napili niyang damit na susuotin. Isang puting damit na may printang 'Black sheep' na pinaresan ng black ripped jeans at sneakers. Kinuha naman niya ang kanyang maliit na packbag at isinukbit iyon sa kanyang mga balikat tsaka niya minabuting ilakad ang mga paa palabas ng silid.
Nahinto siya sa isang pintuan. Kinatok niya iyon ng ilang ulit hanggang sa marinig niyang magbubukas na ito at iniluwal ang isang tao.
"Tara?" tanong niya agad rito nang makalabas ito sa silid nito. Tumango naman ito sa kanya.
"Tara." sagot nito at sabay na silang bumaba mula sa ikalawang palapag. Nadatnan naman nila si Hell sa Living Room na may kausap sa telepono kaya minabuti nalang ni Nyril na kalubitin ito sa balikat dahilan upang mapalingon ito sa kanya at siya'y namaalam dito na sila ay aalis na.
Tumango lamang si Hell sa kanila at muling tumalikod upang ipagpatuloy ang pakikipagusap nito sa telepono. Napakibit balikat nalang si Nyril at muling bumalik sa pwesto ni Bane tsaka ito inalok para umalis na.
Nang makalabas sila sa bahay ay agad silang pumasok sa sasakyan na minamaneho ni Rolly.
"Mang Rolly, sa malapit na mall po tayo." sabi ni Nyril kay Rolly na agad namang tumango at minaneho ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na mall.
Bigla namang napalingon si Nyril sa katabi niya at napa-isip.
"Bane!" tawag pansin niya rito at agad naman itong lumingon sa kanya sabay pukol ng nagtatanong na paningin. "Sa tingin mo, anong magandang regalo kay Caleigh?" tanong niya.
Saglit namang napa-isip si Bane ngunit napa-kibit balikat din naman ito. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero dapat yung bagay na magugustuhan niya talaga. Yung may koneksyon sa mga hilig niya." sagot nito kaya napa-tango-tango naman si Nyril.
"But she's weird," naniningkit matang sabi nito. "she likes weird stuffs like supernatural creatures."
"Gaya ng?"
"Ghost!" agad na sagot ni Nyril kaya napatawa naman si Bane. "Hindi ba weird? Mahilig talaga siya doon eh."
"Edi yung may koneksyon sa ghost ang iregalo mo. Pwede ngang ghost talaga iregalo mo eh. Pfft" pagbibirong sabi ni Bane kaya napa-Tss naman si Nyril.
"Saan naman ako hahanap ng tunay na ghost? Tsaka merun ba nun? Psh."
"Gusto mo mag Ghost hunting tayo?" nakangising alok ni Bane pero agad na umiling si Nyril.
"Ayoko nga! Kilabutan ka naman sa sinasabi mo! Grabi ka. Paano kaya kung gawin kitang ghost ngayon para walang problema? Ano?" natatawang banta ni Nyril kaya napa-usog ng wala sa oras si Bane palayo dito lalo pa't winiggle-wiggle ni Nyril ang mga kilay nito na animo'y may masamang binabalak. Pfft.
"Joke! Di ka naman mabiro, he-he-he" may pagaalangang tawa ni Bane kaya mas lalong natawa si Nyril sa reaksyon nito at napapa-iling nalang.
"Nakita ko pala si Viroughn kanina, I thought he will join with us today?" tanong ni Bane dahilan para mapa-nguso naman si Nyril.
"Inalok ko nga siya kaso ayaw niyang sumama! Ewan ko ba sa lalaking 'yon. Para bang may sariling mundo na mula nang umuwi siya dito sa Pinas..." kunot noong sagot ni Nyril.
"Baka may importanteng ina-asikaso lang," saad ni Bane at pi-nat ang ulo ni Nyril dahilan para mapatingin ang dalaga dito. "..so don't be sad atleast he's with your family now, right?" ngiting dagdag nito.
BINABASA MO ANG
K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]
Mystery / ThrillerWhen you thought it was the end but it was only the beginning of everything. ------ REMINDER: I hereby advice you that I cannot continue writing this story for the mean time. Therefore, I put it on a 'On-hold' status. If you still like to read this...
![K.A.P.E.S(B3): Nocivo Famigliá [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/49935352-64-k50879.jpg)