End of throwback
But now, I am here. Bringing and turning myself back again to God. This time, hindi na ako lilihis ng daan. Ngayon ko lang din nalaman na may dahilan pala kung bat ako nandito. Alam ko na din ngayon kung ano yung purpose ko.
My purpose is to live my life righteously for God, and to Win every souls here on earth.
Napakasayang balikan yung mga nakaraan ko lalong lalo na kapag alam kong binago na ako ng Diyos.
Yung mapapangiti ka na lang kasi naaalala mo yung mga kabutihang ginawa at ginagawa pa lang ni Lord sayo.
Yung mapapangiti ka na lang kasi alam mo kung bakit at para saan, para kanino ka nabubuhay.
Shempre hindi mabubuo yunf teenage life ko kung walang halong lovelife.
Actually, matagal ko na siyang hinahangaan. Hinahangaan kasi talented sya at gwapo. Magaling magpiano, magaling mag-gitara saka maganda and boses.
Tuwing nakikita ko sya noon sa church, sa loob loob ko kinikilig na talaga ako. Tuwing magkakabangga kami, parang may sparks between samin. Ang o.a lang pakinggan, pero alam mo yun? Simple things pero kinikilig ka na.
And then, hindi ko inaasahan na magiging close kami.
May event yung church namin, actually every year sya. Lahat ng kabataan, welcome sa event na yun. Worship Dream Academy. It's for the teens to develop what talents God gave to them. Public speaking, Singing, Dancing, Instruments.. Isang buwan lang yun.
And I was on singing that time. Hiyang hiya talaga ako nung una. Pero after 3 weeks, lalo akong nahiya kasi hindi ko alam kung bakit nandun siya. Sinisiko siko na ako ni Nielle na ka-cell member ko din kasi alam nyang hinahangaan ko siya. And what was the twist in that is katabi ko pa! Kaya limitadong limitado yung kilos ko.
I had Taylor Swift's Blank space lyrics at that time. Nung pinatayo kami para mag vocal practice. Then suddenly, nahulog yung papel ko ng hindi ko inaasahan. Pinulot nya tas ibinigay sakin. I was blushing that time! Sobraaaa! Siniko ulit ako ni Nielle! Buti na lang hindi nakahalata.
Pina-sample syang kumanta nung Mentor namin na close niya. Kinanta nya yung Steady my heart ni Kari Jobe.
Ang ganda ganda ng boses nya! Ang sarao talaga pakinggan. Nakakainlove talaga.
After nun ako na kakanta, buti na lang lumabas siya.
Tapos pagpasok nya, umupo agad sya. And the he said "Wala bang kanta ni Taylor dyan?"
And I was like.. OMG.
Gusto kong ipamukha sakanya na "Oy ako! Yoohoo! Kumanta ako! Magsaya ka!" Pero wala ni isa nagsalita. Siguro ako lang nakarinig or busy sila. Hahaha.
Kilig naman ako!
![](https://img.wattpad.com/cover/49867388-288-k466084.jpg)