He's Mine ONLY (5): 박 지민 (Park Jimin)
.
.
.
.
.
.
.
[KAYLEIGH]
"Beshiee!" Narinig kong tili ni Sam, uff...parang gusto kong mapag-isa ngayon.
"Beshiee....okey ka lang?" Tanong ni Sam, tumahimik na lang ako actually hindi ako okay, hindi ako makaget-over sakanya. Pero akin lang ang Taehyung mylabidabi ko, akin lang siya. AKIN LANG!
"Besh, iwan muna namin ikaw ah, malamang gusto mong mapag-isa" tumango na lang ako sa suggestion ni Sam.
Hindi ko napansin na nandito ako sa garden, masaya din dito free from all the stress, pero hindi ko matatakasan ang lahat ng sakit na ibinigay sa'ken ni Taehyung. Pucha! Bakit ba kasi si Taehyung yung minahal ko?
"Kayleigh!" Rinig kong sigaw ni Jimin? Bakit siya nandito? At pa'no niya nalaman na nandito ako?
"Jimin, 'nong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko "nakita ko kasi si Samantha at Emerald, tinanong ko silang dalawa kung nasan ka sinabi nila na nandito ka daw so pinuntahan kita" pagpaliwanag niya, napa-'oh' naman ako infernes ang sweet niya.
"Jimin, kelan nagmahalan si Amber at si Taehyung?" Takang tanong ko "nung trainee pa lang si Taehyung mag-shota na silang dalawa, na-inspire nga ako eh dahil hanggang ngayon hindi pa din sila nagbe-break" natawa naman ako kahit deep inside masakit pa din.
"Hindi mo kailangang magpanggap na masaya ka dahil natural lang naman ang maging malungkot" advice niya sa'ken, I bit my lower lip and there goes again my tears dropped, kelan kaya ako titigil sa pag-iyak?
"Alam mo KayKay, hindi lahat ng bagay nadadaan sa selos o sa pag-iyak, kelangan mo ring magpakatatag sa sarili mo, kagaya ng kapatid mo" napatingin naman ako sakanya, pa'no niya nalaman na may kapatid ako? Stalker niya ba 'ko?
"Hindi ako stalker, sabi sa'min ni Taehyung na meron kang kapatid" sabi niya, oh yeah, yung dalawa kaming nasa simenteryo.
"Kelan kaya sila magbe-break?" Takang tanong ko "hindi naman sila agad-agad magbe-break, depende 'yon sa feelings nila sa isa't isa, kunwari ang relasyon nila komplikado na at wala ng pansinan, do'n na nila mararamdaman na hindi sila para sa isa't isa" grabe pala 'tong si Jimin, makapag-sagot about sa love up to the highest level, gravity! Inspired ako sakanya. Bakit hindi na lang kaya si Jimin yung mahalin ko? Pero hindi eh, mahal ko pa din si Taehyung.
"Nagkaroon ka na ba ng GF at naging ganyan na ang ugali mo?" Natatawa kong tinanong, tumango siya, nagkaroon pala siya ng girlfriend. Sino kaya? Pero ayokong maging isang malaking chismosa.
"Her name is Jesebelle Maurice Santiago" sabi niya "nakipag-break siya sa'kin dahil niloko ko siya, ginamit ko lang siya and that is the worst mistake I've ever done." Bumusangot naman ang ulo ko, grabe pala 'tong si Jimin. Manloloko, manggagamit. Graveh ha.
"Eh loko ka pala eh, bakit mo kasi ginamit si Jesebelle?" Tanong ko "dahil bulag ako no'n, I cheat on many girls, wala akong paki sa damdamin nila, basta alam kong masaya ako ng nakikita silang nasasaktan. Tapos nung dumating si Jesebelle, nung una seseryosohin ko na pero na-tempt ako na gamitin na lang siya. Siya yung last na babae na nagpakita sa'kin kung ga'no niya 'ko kamahal pero I blew it all away." Nakakaawa naman 'tong si Jimin, nasa huli talaga yung pagsisisi. Bakit niya pa kasi pinakawalan? 'Asan na kaya si Jesebelle?
BINABASA MO ANG
He's Mine ONLY
FanficKAYLEIGH ALEZANDRA TUAZON ang isang babaeng matagal nang gusto ang isang elyen nangangalang KIM TAEHYUNG. Grabe, nakita niya lang si Taehyung sa isang museum nagustuhan niya kaagad. That's what you called LOVE AT FIRST SIGHT! Kaso ang bruha selfish...