(Kitty's POV)Hindi ka parin talaga nagbabago, kagaya ka pa rin ng dati.
Aisssshhh. Bakit naman kaya niya sinabi yun. Nakaka bother talaga ako sa mga salitang binitiwan niya kanina.
Posible kaya na...
Sinapian siya ng dating Kayden na 'mhine' ko kaya niya nasabi yun?
Aisssh. That doesn't make sense... Not at all.
Tok tok tok
"Kitty, kakain na! " kumatok si Kayden sa kwarto ko.
Kaka uwi lang namin galing sa epic fail na mission namin kanina. At masyado na akong pagod para lumabas pa, though nagugutom nako.
"Uy Kitty! "
"Wala akong gana, matutulog nako! " sabi ko sabay talukbong ng kumot.
Masyado na akong pagod para isipin pa ang kumakalam kong tiyan.
"Masarap yung ulam. Saka akala ko ba gutom ka na? Ikaw din hindi kita ipagtitira ng ulam. "
Hindi ko na siya pinansin at mukhang naka idlip na ata ako ng bigla kong naramdaman na may humila sa kumot ko.
"Hmmm.... Ano ba..? " inaantok pa talaga ako.
"Ano ka ba? Hindi ka pwedeng matulog ng walang laman ang tiyan. " narinig ko yung boses ni Kayden.
"Hmmm... Pano ka nakapasok dito? Nilock ko yung pinto ah... " nakapikit parin na tanong ko.
Medyo half asleep pa ako kaya talagang hindi mo ako makakausap ng matino.
"May susi ako, bahay ko pa din naman to after all. " sabi ni Kayden.
Alam kong dapat akong magalit. Pero dahil inaantok na talaga ako at wala na akong paki-alam ngayon, bukas nalang. Hinila ko ulit yung kumot at tinalukbong sa ulo ko.
"Kitty..."
"Hmmm..? "
"Masyado ka namang atang kampante na nandito ako sa kwarto mo. " sabi ni Kayden gamit ang kanyang very seductive na boses at naramdaman ko na bumulong siya sa tenga ko.
Biglang nagflash back sakin yung gabing muntik na niya akong halikan at pagsamantalahan.
Nagtaasan bigla lahat ng dugo ko sa katawan at biglang napabalikwas ng bangon.
"Ouch! "
Mukhang nakalean siya sakin kanina kaya nauntog yung noo ko sa baba niya. Buti nga noo-to-baa ang nagkauntigan eh at hindi yung lips to-aiiisssh!
Papagalitan ko na sana siya ng biglang mag ring yung phone niya at bahagya siyang lumayo para sagutin ito.
"Hello Harvey?.... "
Napansin ko yung tray ng pagkain sa side table ko. Dinalhan pa ba talaga niya ako ng pagkain. Napangiti tuloy ako.
O sige na nga, hindi ko na siya pagagalitan.Hindi ko napansin na binaba na niya yung cellphone niya at may kakaibang expression sa mukha niya na di mo maintindihan kung natatae ba oh ano.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅
RomanceWelcome to the Book 2 of In a Relationship with a Stupid. Hope you like it.!