Chapter 5: Stay
(Kitty's POV)
"Pagpasensiyahan niyo na yung tanghalian namin ah. Di naman kasi namin alam na may mga espesyal na panauhin pala kaming darating eh." sabi ni Kapitan Tinong.
Nandito kami ni Kayden ngayon sa bahay nila kasalo ng asawa't anak niya. Isang ulam lang ang nakahain sa lamesa pagkatapos ay isang piling ng saging.
"Pagsasaka ang kinabubuhay ng mga tao dito. Kaya naman lahat ng kinakain namin ay nanggaling sa dugot pawis din namin." sabi ni Kapitan Tinong.
Pagkatapos noon ay puro pambibida yung ginawa niya sa lugar nila. Nakakatuwang isipin na napaka positibo nilang tao sa kabila ng kahirapan. Ngayon ay sigurado na akong ang komunidad na ito na ang gusto kong tulungan. Binuksan nila ang mata ko sa realidad. Hindi ako maluhong tao at lalong hindi kami mayaman. Pero kumpara sa mga taong to ay may kakayanan akong tumulong.
"Nakapagdesisyon nako." sabi ko.
"Ano yun..?" tanong ni Kayden.
Nasa kotse niya na kami ngayon at pauwi na. Ginabi na kami dahil itong si Kayden ay nakipaglaro pa sa mga bata kanina.
Tiningnan niya ako ng nagtataka kung bakit bigla nalang akong nagsasalita out of nowhere.
"Nakapagdesisyon nako...
hindi ako aalis dito hangga't hindi ko naipapatayo ang school sa lugar na yun."
Hindi ko alam kung guni guni ko lang na biglang napangiti si Kayden. A creepy smile actually, I don't know what that meant. Hindi ko nalang pinansin.
"TALAGA!!! MAG ISTAY KA NA DITO FOR GOOD!!" sabi ni Sapphire nung sinabi ko sa kanya yun pagkauwi ko.
"I'M SO HAPPY FOR YOU!!!"
"O.A naman neto. Hindi ko sinabing mag stay ako dito for good. Ang sabi ko lang baka magtagal pa ako dito." sabi ko.
"Okay lang!! Atleast maaabutan mo pa yung mga future inaanak mo!" sabi nito. "Sasabihin ko na agad to kay Mimi, paniguradong matutuwa yun."
Pagkasabi nun ay umalis na kaagad ito. Haaay ang kulit talaga! Umakyat nalang ako sa kwarto ko. Tapos maya maya ay tumunog yung cp ko.
Doc Nath calling...
{Kumusta ang paborito kong pasyente?} dinig ko kaagad yung malambing niyang boses sa kabilang linya.
"Ito, buhay pa naman. Bakit ka nga pala napatawag? Miss mo nako noh." sabi ko.
{Oo nga eh. Wala ng nangungulit sakin dito. Umuwi ka na bilis, miss ko na ang baby ko.}
"Sira!!"
Si Doc Nath ay isang psychiatrist. Siya ang doctor ko sa states at siyang tumulong sakin. Pero wag kayong mag-alala. Wala kaming relasyon niyan, single na single ang gwapong doctor na yan.
"Doc, medyo matatagalan pa ako dito ha." sabi ko.
{Kaya mo na ba?}
"Sa totoo lang, binabangungot ulit ako doc. Pero kailangan kong mag stay hanggang matapos yung pinapatayo kong school." sabi ko.
{Sa totoo lang ay hindi ako na mag stay ka pa diyan. Baka kasi makasama sa recovery mo.} sabi nito.
"Ano ka ba doc? Matagal nakong nakarecover noh."
{Alam ko, nag aalala lang ako.}
"Hehehe... magaling nako, di mo na kailangang mag alala sa pasyente mong to."
{Okay, okay naniniwala nako. Take care okay?}
"Yes sir!!" sabi ko.
{Sige, bye bye!!}
"Bye bye!!"
Pagkatapos noon ay binaba ko na yung telepono. Haaayyy... Sana nga tama tong desisyon ko.
Matutulong na sana ako ng biglang mag ring ulit yung cellphone ko.
Unknown number calling...
Huh? Sino naman kaya to?
"Hello?"
{Thinking about me, sweetie?}
????? O___o
Kayden???
"PANO MO NAKUHA NUMBER KO??"
{Aray naman! Hindi krimen ang pagkuha ng number mo, wag mokong sigawan. Saka magiging magkatrabaho na tayo mula ngayon kaya dapat lang na kunin ko yung number mo noh.}
"Whatever."
{*Tumawa siya*}
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?? Anong kailangan mo? Sabihin mo na! Inaantok nako." sabi ko.
{Ipapaalala ko lang sayo yung date natin bukas.} sabi niya.
"Ddate..?"
{Oo, kakausapin natin yung may-ari ng lupa kung saan itatayo yung school.}
"Ahhh." akala ko totoong date na eh.
"Bakit? Nadisappoint ka ba na hindi totoong date yung pupuntahan natin bukas?} ayan nanaman po, ang mapang asar na tono niya.
"SiRa!!" inend ko na yung tawag. Haaayyy. Kasama ko na nga siya mag hapon tapos pati ba naman bukas??
Wala bang ibang trabaho yung lalaking yun at wala na siyang ibang ginawa kundi guluhin ang tahimik kong buhay. Aiiist. Nakaka stress. =____=
Itutulog ko na nga lang to.
Kinabukasan ay hindi nga ako binigo ng taong yun. Umaga palang ay sinusundo nako sa bahay nila Warren,
Pagbaba ko galing sa kwarto ay nandun na siya sa sala at nag aantay. Tapos tiningnan kami ng nagdududa ni Sapphire.
"Kayo ha, san ang lakad? Di niyo naman sinabi na nagkaba-" tinakpan ko kaagad yung bibig ni Sapphire bago pa siya may masabi sa harap ni Kayden.
Ayokong malaman niyang naging kami dati. Magiging awkward lang ang atmosphere naming dalawa at mahihirapan kaming magtrabaho ng magkasama.
"Magtatrabaho lang kami okay? Mali yang iniisip mo." sabi ko kay Sapphire.
"Okay." sabi lang nito tapos tiningnan ako ng mapang asar na para bang hindi naniniwala.
"Tssss." hinila ko nalang palabas si Kayden. "Tara na nga!"
Pagdating namin sa labas.
"Hindi mo naman sinabi sakin na excited ka na pala sa date natin eh." biglang sabi ni Kayden.
"Huh...?" nakahawak parin pala ako sa kamay niya.
"Baliw." sabi ko nalang pagkatapos ay pumasok na sa kotse niya.
Hindi naman malayo yung bahay nung sinasabing may-ari nung lupa sa Bulacan. Halos kalahating oras lang ay nakarating na kaagad kami sa tapat ng mansiyon ni Don Julian Castillo.
"Pagkaharap na natin yung matanda, ako nalang ang magsasalita ah." sabi ni Kayden.
"Bakit?"
"May balibalita kasi na strikto daw at mainitin ang ulo ni Don Julian eh."
Okay! Ikaw na! Kinabahan tuloy ako bigla.
---end of Chapter 5---
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅
RomanceWelcome to the Book 2 of In a Relationship with a Stupid. Hope you like it.!