Chapter 29: Betrayed.

1.2K 44 7
                                    

(Kitty's POV) 


     2 Hours Earlier... 

     Totoong may inasikaso ako kaya nauna na ako sa tatlo. May isa kasi akong estudyante sa Amerika na nagbabakasyon dito sa Pilipinas ngayon at nalaman niya na nandito din ako kaya nakipag meet sakin bago siya bumalik sa states. 

     Mabilis lang naman yung meeting ko kaya umuwi na ako kaagad sa bahay ni Kayden. Oo labag pa din sa loob ko na umuwi dito dahil hindi ko naman talaga bahay to. 

     Pagdating ko ay wala pa yung kotse niya sa garahe kaya alam kong wala pa siya. Hindi parin mawala sa isip ko yung palaisipan na naiwan sakin kahapon. Anong nga bang ibig sabihin ng 'noon' sa sinabi niyang yun? Bakit ako kinukutuban ng hindi maganda sa salitang yun. 

     Hindi niyo naman ako masisisi diba? Para sa isang tao na nawalan ng ala ala ng nakaraan, hindi normal na gumamit ng salitang noon lalo pa't ako ang tinutukoy niya na ngayon lang naman bumalik sa buhay niya. 

    Aiisssshhh! Kung ano ano nanamang iniisip mo Kitty! Wala lang yun okay! 

     Pinilit ko ngang kinumbinsi ang sarili ko na wala lang yun pero ang mga paa ko naman dinala ako sa tapat ng kwarto ni Kayden. Dahan dahan kung binuksan ang pinto, bigla akong nakaramdam ng takot pero hindi ko alam kung bakit. 

    Binuksan ko yung lamp shade sa gilid ng kama niya. Maaga pa naman, pero nakasara kasi ang kurtina niya kaya madilim. Hinila ko yun para magkaroon ng liwanag ang kwarto. Malinis ang buong kwarto at puro dark blue ang lahat ng makikita mo. 

     Nakahinga ako ng maluwag nung mukha namang normal na kwarto ng lalaki lang siya. Ano ba naman kasi ang inaakala mong makikita mo dito Kitty? 

     Palabas na sana ako nung bigla akong may mahagip na kulay pink sa may side table niya. Nangigibabaw yun dahil nga lahat ng gamit dito ay dark blue, isa pa ay parang pamilyar siya. 

     Nung lumapit ako ay saka ko lang nakita ang bagay na yun. 

     Anong ginagawa nito dito? 

     Isang libro yun na pink ang cover at may nakasulat na "In a Relationship with a Stupid" sa ibabaw. At may pirma ng author na si MK Sarmento. 

     Oo, ako ang nagsulat ng libro na to. Nandito ang history naming dalawa, bakit may ganito si Kayden? Nabasa niya ba to? 

     Sa pagkabigla ko ay hindi ko na namalayan ang parang gripong pag agos ng luha sa aking mga mata. Parang unti unting nagkaroon ng linaw sakin ang lahat. 

     Posible kaya? Na ang ibig sabihin ng 'noon' ay ang nakaraan naming dalawa na nakasulat sa libro na to? Bumalik na ang ala ala niya?  Kailan pa? 

     Nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod kaya umupo ako sa kama niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak dun hanggang sa mapakalma ko na yung sarili ko. Anong gagawin ko kung talagang bumalik na nga yung ala ala niya? 

     Mas lalo akong nagtaka nung mapansin ko ang malaking telescope sa kwarto niya katabi ng bintana. Ano namang titingnan niya dun eh may bubong ang terrace ng kwarto nito, imposibleng makakita siya ng stars dun. 

     Lumapit ako at sinilip kung saan nakatutok ito. Mas lalo pa akong nagtaka dahil sa bahay nila Warren na katapat lang nito ang tanging makikita mo sa posisyon na yun. 

     Naalala ko yung araw na niloob ng magnanakaw yung bahay nila Warren, nagtaka ako kung panung nalaman ni Kayden ang nangyayari. Hindi kaya minamanmanan niya ako mula dito? Kinabahan ako, bakit naman niya gagawin yun? Kakikilala niya palang sakin nun ah? Kung totoong nagbalik na nga ang ala-ala niya ay bakit wala siyang sinabi? 

     Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Harvey, pero out of coverage area. Malamang ay dahil nasa isla pa sila. Maya maya ay naalala ko si Sapphire. Matagal na sila dito kaya siguro naman may alam siya diba? 

     "Hello?" 

     {Hello Kitty? Kumusta? Kumusta yung binyag?} 

     "Okay naman. Mmay i-tatanong sano ako eh." 

     {Ano yun?} 

     "Posi-ble kaya na..." 

     {Na?} 

     "...bumalik na yung ala ala ni Kayden?" 

     {Hindi mo alam?} 

     Biglang nanginig yung mga kamay ko. So totoo nga? 

     "Kailan pa?" 

     {Isang taon pagkatapos mong umalis noon. Nagtaka nga kami kung bakit hindi ka na niya binalikan eh. Hello? Kitty... andiyan ka pa ba? Hello?} 

     Nabitawan ko na yung hawak kong cellphone. Ayan nanaman, hindi ko nanaman mapigilan ang mga luha ko. Bakit ganun? Hindi niya ako binalikan? Matagal ng bumalik ang mga ala-ala niya? 

     Bakit? Bakit Kayden? 

     Nilakasan ko na ang loob ko. Kailangan kong malaman ang totoo ngayon. Kung bumalik na ang ala ala niya ay bakit hinayaan niyang isipin ko na tuluyan niya na akong naiwan. At yung mga panahon na pakiramdam ko ay bumabalik kami sa nakaraan namin, sinadya niya ba yun? 

      Bukod kina Harvey at Sapphire, alam kong isang tao lang ang makakasagot sa mga tanong ko. Bakit ako niloloko ni Kayden? 

     Pumunta ako sa kabilang bahay at kumuha ng isang kotse ni Warren. Iniwan niya sakin ang susi noon sakaling kailanganin ko. Agad akong nagmaneho papunta sa coffee shop ni Wency. 

     Pagdating ko ay nandun pala si Kayden. Mukhang malalim ang pinaguusapan nila kaya hindi nila ako pinansin. At sinadya kong makinig sa pinag uusapan nila. Narinig ko ang lahat... ang lahat lahat ng dapat kong malaman. Nagmula mismo sa bibig ni Kayden. 

     "Kitty.?" 

     Lumapit ako sa kanila at hinarap si Kayden. Pakiramdam ko ay hinang hina na ako sa mga narinig ko at gusto nanamang tumulo ng mga luha ko. Pero hindi ako pwedeng manghina sa harap niya. 

     PAK. 

     Wala akong ibang ginawa. Sinampal ko lang siya at pagkatapos ay umalis na sa lugar na yun. Hindi na din naman niya ako hinabol. 

     Sa isang hotel ako dumiretso pagkatapos nun. Nag check in ako sa isang suit at doon umiyak ng wagas. Sobrang sakit ng dibdib ko.

     Bakit? Ano bang ginawa ko sa kanya? 

     Mahal ko pa siya. Mahal na mahal kaya naman parang unti unting nawawasak ang puso ko ngayon. 

     Sabi na eh. Hindi na dapat ako bumalik... 


---End of Chapter 29--- 


Next chapter na po yung side ni Kayden at kung paano bumalik ang ala-ala niya kaya antay lang guys! :) 



In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon