Chapter 28: The Truth Right Before Her Eyes

1.2K 39 2
                                    

(Wency's POV)

    "Rowena..."

     Bigla akong napatigil at nanigas sa kinatatayuan ko. Nakapatay pa ang ilaw kaya hindi ko siya nakikita. Pero kilalang kilala ko ang boses na yun.

     Si Nathan...

     Pagbukas ko ng ilaw ay nakita ko siyang nakaupo at naghihintay sa may sofa. Anong ginagawa niya dito?

     "Inaantay mo ba si Kitty?"

     Umiling siya at tumingin sakin ng diretso. Seryosong seryoso yung mukha niya kaya naman kinakabahan nanaman ako. Nandito kaya siya para itanong nanaman sakin ang tanong na yun? Pero hindi ko kayang sagutin ang mahirap na tanong na yun.

     Napako ako sa kinatatayuan ko ng may ilabas siyang picture at pinatong sa may coffee table. Sa akin ang picture na yun. Kinuha ko yun bago umalis noon. 

     "Anong ibig sabihin nito?" tanong niya. 

     Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot ko sa tanong niya na yun. Kung bakit hanggang ngayon ay nasa akin padin ang litrato na yun. 

     "SUMAGOT KA!" 

     Halos manginig ako sa kinatatayuan ko nung bigla siyang magtaas ng boses. 

     "Anong gusto mong marinig ngayon?" nilakasan ko yung loob ko. "Na kaya ko tinatago yang picture na yan dahil mahal parin kita? I beg to disappoint you, pero para sakin remembrance nalang yan." sabi ko. 

     Napansin ko na napatiimbagang siya. Pasensiya na pero hindi na ako pwedeng bumalik sayo ngayon. 

     "Ganun ba?" tumayo na siya. "Kung ganun ay okay lang na punitin ko to? Baka kasi iba pa ang isipin ng iba pag may iba pang nakakita eh." 

     "Huh?" 

     At sa pinunit niya yung litrato sa harap ko. Pagkatapos noon ay umalis na siya. 

     Ginusto ko naman ito diba? Pero di ko padin mapigilang mapaiyak habang pinagmamasdan ang nagkapira pirasong litrato sa sahig. Ang litrato na tanging pinaghuhugutan ko ng lakas hanggang ngayon. Ang nagbibigay sakin ng motibo para lumaban sa buhay. 

     Sobrang na attach na siguro ako sa litrato na yun na nag iisang ala ala niya sakin kaya naman di ko mapigilan ang pag iyak ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak ng may maramdaman akong kamay na humaplos sa likod ko. 

    "Kitty.?" 

     Kanina pa ba siya diyan? 

     "Pasensiya na, hindi ko alam na gagawin niya yan." sabi niya. 

     Kung ganun ay siya yung tinutukoy ni Nathan na baka may ibang makakita. Pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanya. 

    "Ako ang dapat na magsorry sayo. Siguro ay nasaktan ka ng sobra nung makita mo ang picture na to. Wag kang mag alala, wala namang ibang ibig sabihin to eh." sabi ko. 

     Umiling siya. 

     "Wala kang dapat na ihingi ng tawag sakin. Wala akong naramdaman na ganun dahil... hindi naman talaga totoong kami." 

     Nagulat ako sa sinabi niya. Kung ganun ay hindi pala totoo na sila? How I wished na sana totoo nalang, sana totoo nalang na nagawang maka move on ni Nathan sakin matapos ko siyang iwanan. 

      Hindi ko matukoy kung ano pero may kakaiba kay Kitty. Para bang may gusto siyang itanong sakin na hindi ko alam kung ano at wala na talaga akong lakas pa. Parang nahihilo na ako at nagdidilim na din ang paningin ko. 

     Mas naging awkward pa dahil kinabukasan ay hindi sumabay samin si Kitty sa chopper pag uwi. Nauna na siyang umalis nung madaling araw at nag iwan nalang ng sulat na may aasikasuhin siya kaya nauna na siya. 

     Kinailangan ko pa tuloy tiisin ang masamang aura ng dalawang lalaking kasabay ko. Bukas pa uuwi sina Mimi at Harvey kaya nauna na kami. Buti nalang at naka chopper kami kaya mabilis lang ang biyahe. 

     Pagdating namin sa airport ay si Kayden na ang nagprisintang maghatid sakin. Gusto din daw niyang tumambay sa coffee shop ko. Habang si Nathan naman ay dire diretso lang at hindi na nagpaalam. 


(Kayden's POV)


     "Aiisssshh! Kaasar naman oh!" sigaw ko. 

     Nandito ako ngayon sa shop ni Wency habang humihigop ng mainit na kape. Ako lang ang tao dito dahil hindi naman siya nagbukas ngayon. 

     Kanina pa ako nakaupo dito at nakatingin sa cellphone ko. Kasi naman tong Kitty na to eh. Bukod sa umalis ng walang paalam ay hindi naman sinasagot ang mga tawag ko ngayon. 

     "Ano nanaman ba yan at ang init nanaman ng ulo mo? Hanggang sa itaas ay rinig na rinig ko yung boses mo eh." sabi ni Wency na kakapalit lang ng damit. 

     "Itong si Kitty eh, ni hindi sinasagot ang tawag ko." sabi ko. 

     "Baka naman kasi nasasakal na sayo. Napaka possessive mo naman kasi eh." sabi niya. 

     "Kapag nagmamahal kay ay kailangang maging possessive ka talaga." sabi ko sabay higop ng kape. 

     "Sometimes, loving is letting your loved one go para maging masaya sila..." sabi niya. 

     Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong nasabi niya yun out of her own experience. Pero tinamaan parin ako. Siguro nga, tama siya. Yung nararamdaman ko ngayon, it's called selfishness. 

     "Pero anong gagawin ko? I'm trapped in this so called revenge of mine that I can't even stop myself. Selfishness and love, how can I stop being selfish if that means stop loving the person." 

      "Hay naku! Ang lalim nun ah! Pero alam mo, baka naman kasi hindi kasing kumplikado ng iniisip mo ang relasyon niyong dalawa ni Kitty ngayon. If you can just stop that so called revenge of your's at aminin mo na sa kanya ang totoo na matagal ng bumalik ang ala-ala mo."

     "I can't." 

     Sa totoo lang ay hindi na din malinaw sakin ang nararamdaman ko ngayon. Kung minsan ginagawa ko nalang ang mga bagay bagay para makapag higanti dahil iniwan niya ako noon at pinagpalit sa ibang lalaki pero kung minsan masyado na akong nalulunod sa pagpapanggap ko na gusto ko nalang siyang maging akin at bawiin sa taong nagmamay ari sa kanya ngayon. 

     "Hindi ko pa kaya. Atleast hayaan mo na muna akong pahirapan siya para umalis man siya, nakaganti na ako." 

     Pero ang totoo ay gusto ko lang talagang iextend yung mga oras na kasama ko siya. Ginagawa ko nalang talagang excuse yung paghihiganti. 

     "Oh? Ba't nanahimik ka diyan?" tanong ko. 

     Napansin ko kasi na parang napatulala tong kausap ko. 

     "Kitty.?" 

     Napatingin agad ako sa likod ko. Nandun siya sa may pinto ngayon at nakatingin ng masama sa akin. Bukod pa din ay kitang kita ko ang nangigilid niyang mga mata. Fuck! 


---End of Chapter 28---


Ooopppssss!!! Bibitinin ko muna kayo sa ngayon. :) But don't worry, mag uupdate ako mamayang gabi ulit or bukas. Kaya stay put lang kayo diyan and be happy. :) 



In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon