(Kitty's POV)
Nasa kalagitnaan ng pagtatalo yung utak ko kung tatawagan ko ba yung magulang ko o hindi ng makarinig ako ng mahinang katok mula sa labas ng kwarto ko.
"Mhine?"
"Bakit?" tanong ko pagbukas ko ng pinto.
"Nakaluto nako ng dinner." sabi niya.
"Sige."
"Teka," palabas nako ng bigla niya akong pigilan.
"Yan lang suot mo?"
Nakasuot na ako ng pajama at puting t-shirt na may pika chu na print.
"Bakit? Dito lang naman tayo sa bahay ah? Hindi naman revealing ang suot ko." sabi ko.
"Basta, kumuha ka nalang ng jacket. Malamig sa kusina."
"Huh?"
"Binuksan ko yung aircon sa baba!" sabi niya na pilit akong pinababalik para kumuha ng jacket.
Hindi ko man alam kung ano ang trip niya ay bumalik nalang ako para magsuot ng jacket. Pagkatapos ay bumaba na kami sa kusina.
"AKALA KO BA NAKALUTO KA NA?" tanong ko.
Paano ba naman, pag dating namin sa kusina ay walang kahit ano. Asan kaya ang dinner na pinagsasabi nitong taong to?
Nagkamot siya ng ulo tapos ay hinila ako palabas sa likod ng bahay kung saan meron siyang sariling backyard.
"Woah!"
Yun lang ang nasabi ko. Wow talaga! Candle light dinner lang naman ang sumalubong sakin dun. Yung table ay nasa gitna ng mga ilaw na naka korteng puso.
"Hinanda mo tong lahat?"
"Well, kahit masyadong simple yung naging kasal natin-"
"Hindi siya simple, kasal siya ng mga dukha." singit ko.
"Yun na nga, ayoko naman na forever na hindi maganda yung memory nitong araw na to. Kailangan parin nating mag celebrate." sabi niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Hindi ko din alam kung bakit, na touch lang ako sa ginawa ng asawa ko err- hindi parin ako sanay na tawagin siyang ganun.
"Kain na tayo mhine."
Inalalayan niya ako paupo dun sa table. Pagkatapos ay nag ala waiter siya at sinalinan ako ng wine sa baso.
"Bago ang lahat ay mag cheers muna tayo." sabi niya. "Let's cheers for our marriage!"
Nag cheers kami at uminom ng konting wine.
"Teka, selfie tayo."
Nilabas niya yung cellphone niya at nagselfie kami kasama yung magkadikit na baso ng wine namin.
"Ipopost ko to para makita nung dalawang lalaki na yun na hindi nalang sila ang happily married ngayon." sabi niya.
"Dapat pinag dress mo man lang ako eh!" reklamo ko.
"Okay lang yan, para makita nila na talagang may bahay ka na."
"Sira!" sabi ko.
"Kain na tayo." umupo na siya sa upuan na katapat ko.
"Ikaw ang nagluto nitong lahat?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅
RomanceWelcome to the Book 2 of In a Relationship with a Stupid. Hope you like it.!