Chapter 41 [[Sa Isang Sulyap Mo]]

30 1 0
                                    

-Chris’s POV-

Sinundo ko si Herra sa kanila papuntang Hospital. Di naman kami nagtagal dun since inuna kami nung doctor KO.. HEHEHE..

“Tara Chris uwi na tayo!” Sa totoo lang di ko pa trip umuwi kaya yayayain ko na muna ‘to tsaka pangdagdag points narin…

“Wag na muna, di ko pa feel umuwi eh, gala muna tayo.”

“Ano ka ba! May nalalaman ka pang gala huh. Baka mapano ka niyan eh uwi nalang tayo!” Aish..

“Bahala ka jan! Basta sa ayaw at sa gusto mo di pa tayo uuwi!” Pinapasok ko siya sa sasakyan ko at dinala sa…

KAHIT SAAN???? HAHAHA.. JOKE LANG.

Dinala ko siya dun sa isang damuhan, mga 1 oras din kaming bumyahe . Gusto ko kasi siyang dalhin sa isang lugar kung saan di man yun ang exact na lugar eh at least it seems the same nung after niyang nagpaalam  sakin dahil pupunta na siya ng Manila at kung saan nabigay niya  yung singsing kaso  (A/N: Naremember niyo yun? Nasa Chapter [Singsing])

“Hoy saan mo ba kasi ako dinala?” Nasa kotse pa siya nung sinabi niya yan..

“Basta! Lumabas ka na muna diyan!”

“Ayoko nga! Eh baka ano gawin mo sakin damuhan pa naman yan!” Haayy -_-“

“Ano kaba! Di noh! Good Boy to! May ipapapaalala lang ako sa’yo na mukhang nabaon mo na sa limot.”

“Ahh ganoon ba. Pero basta! I need assurance na di mo talaga gagawin sakin yun!” GREEN MINDED talaga..-_-‘

“Oo na! Di ko naman talaga gagawin yun noh! Wala pa akong plano  magka anak! Bata pa ako! Kaya labas na!”

“S-sige!” At ayun naniwala na talaga siya at last.. At salamat talaga!

Dinala ko siya sa may part na medyo maliliit nalang yung damo at dun may puno..

“Ano ba kasi gagawin natin dito? Ha?”

“Remember this?” Kinuha ko yung singsing na ginawa ko kani kanina lang habang naglalakad kami. Gawa yun sa isang damo.. Di man siya ganoon ka ganda pero at least nag effort ako para dun!

“Oh ano naman?” Hayy hina talaga!

“Ang hina mo talaga Herra kahit kaialn” Sabay poke sa noo niya..

“Oo na, ako na mahina sa mga ganyan! Ano ba kasi? Dali na!”

“Herra, naaalala mo ‘to? Di man siya katulad o yung exact place dun sa probinsiya pero may pagkahawig naman diba?”

“Ahh oo naalala ko yun! Kaso di ko pa talaga getz kung anong nangyari dun eh. Nakalimutan ko..” ANo ba naman yan-__- Siya pa nga nagsabi sakin nung isang gabi eh.. Haay babae talaga parang ewan.

Nilabas ko yung ginawa kong singsing at inabot iyon sa kanya.

“Eto!”  Medyo nabigla pa siya nung pagkabigay ko nun..

“Para saan naman ‘to?” Sabi niya sabay kuha nito.

Bigla kong naisip para saan nga pala yun?

“Wala lang, noon kasi ikaw nagbigay sakin ng singsing tas ngayon ako na naman to be fair..” Yun lang ba talaga dahilan ko? Haiiist

“Ahh Ganoon ba? Salamat ah” Sabi niya sabay suot san g singsing sa kanang ring finger niya.

“At tsaka, gusto ko lang sanang sabihin ‘to ng official sa’yo, para kasing ‘di ko pa ‘to nasabi eh.”

“Oh ano naman yan?”

“Herra, Can I court you?”

-Herra’s POV-

Tragic Love [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon