"Tita Jorsel!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya.
Malayo palang si Tita Jorsel ay alam kong siya na ito. Simula kasi ng iwan ako ng aking ama kay Lolo at Lola, isa nadin siya sa tumayong magulang ko.
Naalala ko pa noong araw na ibibigay na ako ni papa kila Lolo iyak ako ng iyak noon. Sa hindi ko na kinaya pumunta ako sa malapit sa ilog, at doon nakita ko siya kasama ang anak niya, hindi ko na matandaan ang pangalan.
At doon na nagsimula ang lahat. Kaibigan pala siya ni Nanay kaya nakilala niya ako. Siya din ang tumulong magpaaral sa akin hanggang sa kolehiyo, mayaman kasi sila. Gusto pa nga niya sa Maynila ako noon mag aral ngunit tinanggihan ko kasi kawawa naman sila Lolo dito.
"Oh Selina. Ang tanda mo na tumatakbo ka parin." sabi nito pagkatapos kong yakapin at mag mano sa kanya.
"E, ikaw talaga tita. Syempre naeexcite ako, minsan ka nalang kasi umuwi dito." sabi ko habang naglalakad pabalik sa bahay nila Lolo.
"Masyado kasing maraming asikasuhin sa trabaho, hindi ako makatakas sa asawa ko. Tamad kasi iyong anak ko paminsan minsan lang pumapasok ka kompanya." sabi niya habang tumatawa.
"Si Tito Hael talaga!" sabi ko at sabay kaming nagtawanan.
"Si Lolo at Lola mo Selina, nasaan?" tanong ni Tita sa akin.
"Ayy. Nasa loob po Tita. Pasok po kayo." pinapasok ko nasiya sa bahay.
"Lolo! Lola! Si Tita Jorsel ho, nandirito bumibisita!" hiyaw ko.
Agad namang lumabas ng kusina si Lola Susing na may hawak na mangkok, panigurado'y nagluluto nanaman ito ng tanghalian.
"Oh Jorsel! Anak ko! Arujusku! Napadalaw ka. Katherine, anak! Kuhanin mo nga ang tyahin mo ng maiinom!" sabi ni lola. Si Katkat pala e kasama namin nila lolo at lola. Meron pa si Jose ngunit wala siya ngayon dito. Marahil kasama nanaman si lolo isko sa bukid.
"Namiss kita Nay! Pasensya na ho at ngayon lang nakadalaw. Masyadong hectic ang scedule ko. Buti nga ho at nakaraos." sagot ni Tita.
"Ay nako! Ayos lang iyon anak. Ang importante nakadalaw ka. E bakit ka nga pala nakadalaw?" tanong ni lola
"Ah eh yun nga po. Gusto ko sanang isama si Selina sa Manila kahit ngayong bakasyon lang. Tutal naman at matanda na siya, upang masilayan naman ho niya doon, maganda rin ho iyon at nang makakita siya ng mga bagong disenyo sa kanyang trabaho, at sa pagbabakasyon niya doon ay magkaroon siya ng mga bagong kaalaman lalo na at kailangan niya ito." sagot ni tita.
Nagulat naman ako! Syempre! Maynila iyon! Ni minsan hindi pa ako nakakapunta doon. Dito lang ako sa probinsya naglalagi. Nakita ko na ito dahil lagi itong ipinapakita sa amin.
Matagal bago makasagot si Lola. Haruhhh! Sana payagan naman ako! T^T please Lord!
"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI!" sigaw ni lola. Hay apu! "Dalian mo Selina at magimpake ka na ng gamit! mo!"
Whut? Teka ka. Did I heard it right? Or am I just hearing things? Nakakagulat naman kasi talaga. Naalala ko nung nag OJT ako, sa may San Felipe lang ako, syudad naman na ito at makabago narin ang mga istraktura, ngunit iba parin para sa akin ang maynila.
"Ano pa ang tinutunganga mo jan? Dali na at baka gabihin kayo sa byahe" waaahhh! Totoo nga! Kaya wala nakong nagawa kundi umakyat sa aking silid at magimpake.
This is it pansit! Eto na talaga! Makakapunta narin ako sa Maynila! Napapanood ko lamang iyon sa tv namin pero hindi pa ako talaga ako nakakapunta doon.
Kinakabahan ako. Paano nalang yung trabaho ko? Sus lagot hindi ko pa nasabi kay tita. Oo graduate nako. 23 years old na nga diba? Graduate ako sa kursong architech. Ewan ko ba. Gusto ko lang mag drawing.
Pagkatapos kong iligpit ang bagahe ko. Bumaba na ako.
"Tita, papaano pala iyan. Hindi pa ako nakakapag paalam sa boss ko."
Sabi ko"Si Emerson lang naman iyon. Kakilala ko siya and besides he is my friend. Ako na ang bahala magtext sa kanya."
O well. Ano pa nga bang magagawa ko? Mukhang gusto ng tadhana na makaapak ako sa Maynila (evil grin)
Get ready Manila! Here I come!-----
Hii! I hope that you like the first part. Cause I really did. Its my first time writing so I hope you take it easy on me guys :) Your votes and your comment is highly appreciated. Im also finding friends here in wattpad :) message me and I will be happy to respond. Again thanks for reading :)
♥tomato_green♪
BINABASA MO ANG
What Summer feels like
General FictionBakasyon. Uso jan lahat ng gimik na pupwedeng igimik. Lalabas kayo kung saan saan. Outing dito, outing jan. But what if you get lost in the middle of the jungle city finding the perfect place to enjoy your summer break, but instead you found yoursel...