"Are you one of those slutty bitches who claim that they are pregnant and I, as the father?"
What? Ano daw? Ganito ba talaga to!
"Son, calm down okay?" sabi ni tita
"How can I calm down mom. All the women you bring here is either a women of your choice and who claims that i've impregnated." sagot nito habang maasim na nakatingin sa akin. Problema nito. Sarap kutusan! Sabihan ba naman akong slut!
"Baby, she's neither of the two. You assume kasi agad." sabi ni tita
"Well mom. Ganoon naman kasi lagi ang situation kapag nagdadala ka ng babae dito." Marunong naman palang magtagalog. Hmp! Kala mo hindi pinoy! Porque maputi lang at tekaaa, kulay blue ba ang mata niya? E? Baka contacts?
"Well you're wrong, okay. Let me introduce you first. Selina, this is my son Kyle, and Kyle, this is Selina, this is the girl i've been telling you, isnt she lovely?" sabi ni tita habang nakatingin sakin at nakangiti. Habang si Kyle naman kala mo pinagbagsakan ng langit at lupa sa kunot ng noo niya.
"Okay whatever. What brings you here then, mom?" tanong ni Kyle! Hmp! Sungit! Porque gwapo kala mo kung sinong magkapagsungit! Tinalo pa ang mga babae. May nalalaman pang irap ang loko. Yung totoo? Hindi siya POGI, baka POGAY! Awwdee T^T huwag naman sana! Sayang lahi!
"Well, dito ko muna siya pagsstayin sa condo mo. Besides your living with none but yourself so dito na muna siya. She will be your company for the meantime while me and your da-" "What! No mom! Im busy. I also have a lot of things to do! Ano yun? Gagawin mo akong baby sitter niyan? No way mom!" putol na sagot ni Kyle kay tita. Ayy langya! Grabe na to makapagsalita ha! Parang wala lang ako sa paligid? Hello? Yuhooo? Nandirito ho ako!
"My decision is final son. Ikaw na bahala sa kanya. Iikot mo rin siya dito sa buong manila okay. Gusto ko magenjoy si Selina." sabi ni tita. Shemay nakakahiya tuloy. Ang sama naman kasi nitong anak niya! Kakikilala palang sa akin ang bitter na agad! Baka may PMS? Pero teka sa babae lang yun diba? Shucks!
"Fine! Fine! Whatever you say mom! Do you want to come in?"
"No. Im fine. I'll leave the both of you. Mamaya ay magalburotong nanaman ang daddy mo. I better get going. You enjoy your stay here Selina. And as for you young man, I hope you behave well, may kasama kana ngayon, okay? Bye sweety. Mommy loves you" sabi ni tita at yinakap si Kyle. Hay iba talaga kapag bunso e ang tanda naman na ito. 3 years ang agwat ng taon ko sa kanya. Odiba? Lolo nayan.
"Mom! Di na ako bata okay! Im 26 already!" mukhang hindi nga nila ako nakikita.
"E basta! You will always be my baby! " wala parin. Out of place akooo.
"Fine. Whatever you say mom"
"Very well then. Enjoy the both of you." tapos lumapit sa akin si tita at yinakap at nakibeso sa akin.
"Opo tita. Magiingat kadin ho." sabi ko at binigyan siya ng pagkatamis tamis na ngiti. Narinig ko namang napa 'tsk' si Kyle. Ano ba talaga ang problema nun.
Naiwan na lang kami ngayon ni Kyle.
"Selina right? Come in. I will show you your room." sabi niya
"A-ahs-sige p-po." wtfish! Bakit nautal akoooo!
Pagkapasok ko sa condo niya. Namangha ako! Mamamia! Ang ganda! Mula sa mga lightings, sa paint job hanggang sa mga..
"Hey, are you just going to stand there? I dont have time. Marami pa akong gagawin." putol nya sa pagmamasid ko sa kanyang lugar
Ediwow! Wala nakong magagawa kundi sundan siya. Mamaya mapaalis pa ako dito ng wala sa oras! Wala pamandin akong load. Hindi ko matetext si tita pagnakataon. Delikadooo!
Dinala niya ako sa may guest room at katulad nga ng sinabi ko nakakamangha nga. Naaliw lang ako dahil minsan kapag mga condo ng lalaki supermanly ang dating, malakas ang aura, magulo, ang daming bote ng alak, pero iba kay Kyle. Nakakamangha. Malinis and I feel cozy. Parang pakiramdam ko nasa bahay lang ako.
"Well, here is your room, for the mean time you take your rest. Aalis lang ako saglit at may aasikasuhin lang ako. And please dont touch anything else besides the things inside here, okay?" maawtoridad na boses nito. Sheesh! Can't he relax a bit?
"Sige po." sagot ko
"Good. If you need anything just knock on my door okay?"
"Sige po." sagot ko ulit na ikinakunot ng noo niya. Bumuga siya ng malalim na hinga.
"Okay." at unti unti na siyang lumayo sakin at isinarado ang pinto niya.
Pagkasarado niya ay dumaretso ako sa kanyang ayy! Akin na pala muna ito pansamantala. So ayun dumaretso ako sa AKING queen size bed! My oh my! Ang lambot! Hayyy. This is life! Talaga nga naman oh! Dala narin siguro ng matinding pagod at pagkaenjoy ko sa higaan e tuluyan na akong inantok at nakatulog ng may ngiti sa labi.
----
Ekekek! Hahaha. How was it guys :) yeah! Araw araw akong maguupdate... Reason... Gusto ko lang. Hihihi.
Comment. Vote ♥ TYGB
♥tomato_green♪
BINABASA MO ANG
What Summer feels like
Ficción GeneralBakasyon. Uso jan lahat ng gimik na pupwedeng igimik. Lalabas kayo kung saan saan. Outing dito, outing jan. But what if you get lost in the middle of the jungle city finding the perfect place to enjoy your summer break, but instead you found yoursel...