CHAPTER 1

176 1 0
                                    



MINSAN PA © February 14, 2023 ALL RIGHTS RESERVED.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pangongopya ng gawa ng iba. Pwedeng magbasa, mag-comment, mag-vote at mag-share, huwag lang mangopya.

"This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons (living or dead), events, locales, business establishments or locations is entirely coincidental.

No part of this book may be reproduced, scanned, distributed or transmitted in any form or by any means, electronically or mechanically, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the permission of the owner/author. Please do not participate in or encourage piracy of copyrighted materials in violation of the author's rights. Thank you for respecting the hard work of this author."

~~~~~****~~~~~

IN LOVING MEMORY OF MY SISTER, RUTH ANN...

~~~~~******~~~~~

Isang gabing sobrang matrapik at maulan...

Isang matandang lalake at batang babae na nakasakay sa kanilang kotse ang naiipit sa gitna ng trapik at malakas na ulan. Sisipul-sipol naman sa harapan ang kanilang driver habang ang mag-lolo ay inaaliw na lang ang kanilang mga sarili sa panonood ng mga kotseng kasabay din nilang nakahinto at sa mga taong nag-aabang ng masasakyan. Marami na rin ang mga taong pinili na lang na maglakad sa gitna ng ulan kaysa ma-stranded sa daan.  Bukod sa trapik na nga ay napakahirap pang sumakay.

Sa tapat ng kanilang kotse ay may waiting shed. Napatuon ang paningin ng batang babae sa waiting shed at itinuro iyon sa kanyang lolo.

"Grandpa, look oh! Madilim doon sa waiting shed and there's a man there." Sabi ng batang babae sa lolo niya.

Sinipat naman ng tingin ng matandang lalake ang itinurong waiting shed ng kanyang apo. May nakikita nga siyang taong nakatayo doon.

"What made you think naman apo ko, na that someone over there is a man?"

"Eh Grandpa, basta he looks like a man to me. In fact, he looks funny and strange. Just look!"

"Madilim eh. I can't see him properly. What's funny and strange about that person?"

"He is wearing sunglasses in the night. Aren't sunglasses supposed to be worn in broad daylight? Bakit 'yang taong 'yan ay naka-sunglasses? I can't see his face quite clearly. It's a bit dark in there. Pero he is also wearing a cap. I knew it, he's a man!" Inilapit pa ng batang babae ang mukha niya sa salamin ng bintana ng kanilang kotse para matitigan mabuti ang lalake sa waiting shed.

"Baka may sore eyes siya, apo ko."

Sa waiting shed nga na tinutukoy ng batang babae ay may nakasilong na lalake. Sa kanyang pagkakatayo ay mahuhulaang naghihintay siya ng taxi sa lugar na iyon ng Makati City.  Nakasuot siya ng itim na cap na may nakatatak na New York City.  At ang kapansin-pansin nga ay nakasuot siya ng dark shades. Dark shades sa gabing maulan. Kanina pa siya nandoon at sa malas ay tila lahat ng mga taxi na dumadaan ay may mga sakay na. Masyadong mabigat ang trapik at halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Nakayuko ang kanyang ulo at parang may malalim na iniisip.

Pagkalipas ng mga ilang minutos pa ay patakbong humahangos naman ang isang tao papunta rin sa waiting shed na iyon para sumilong. Mas lalo pang lumakas ang ulan. May kasama na ngayong matatalim na kidlat at malalakas na kulog.

"Grandpa, look! Look! May dumating na girl!" turo ulit ng batang babae sa lolo niya.

Muling nilingon ng matandang lalake ang waiting shed.

"Aba oo nga! Pero hindi ko makita ang mukha niya. Nakasuot kasi siya ng jacket na may hood. Pag nagtagal at hindi pa 'yan makasakay ay sasakit tiyak ang mga paa niya kasi nakasuot siya ng high heeled na sapatos." Tila nabahala ang matandang lalake.

"Pero Grandpa, dalawa lang sila sa waiting shed. Hindi kaya holdaper 'yung lalake?"

"Hindi natin masasabi. Pero sana naman hindi. Kawawa naman 'yung girl kung basang-basa na nga sa ulan ay mananakawan pa."

Inobserbahan ng mag-lolo ang nangyayari sa waiting shed. Sa layo ng kotse nila sa waiting shed ay hindi talaga masyadong maaninag ang mga mukha ng dalawang taong ito na ngayon ay magkasama sa waiting shed, pero nakikita naman ang kanilang mga ikinikilos.

May dalang payong ang babae pero walang bisa iyon na panangga sa malakas na ulan sa mga sandaling iyon. Makikitang may bitbit din itong eco-bag na puno ng mga pinamili. Nakasuot ito ng itim na palda at itim na jacket na may hood. Halatang office girl ito at marahil ay kagagaling lang sa opisina. Basang-basa na ang kanyang mga binti at paa, at ang kanyang high heeled sandals ay malapit ng lumubog sa naiipong tubig ulan sa kalsada.

Ang lalake at ang babae lang na ito ang tanging nagkalakas ng loob na sagupain ang ulan para sumilong doon sa waiting shed. Wala silang ibang kasama. In short, solo nila ang waiting shed. Ang lalake ay nasa kanang bahagi at ang babae ay nasa kaliwang bahagi ng waiting shed.

Maya-maya ay nakita ng mag-lolo na nilapitan ng babae ang lalake. Kinuha ng babae mula sa eco-bag niya ang isang jacket at iniabot niya iyon sa lalake.

"Awwwww, the girl is so kind, Grandpa. She has a kind heart." Naibulalas ng batang babae.

"Baka naman magkakilala pala sila, apo ko. Baka may tampuhan lang sila kanina and now, hindi na natiis ni girl na giniginaw 'yung guy." Ngingiti-ngiting sabi ng matandang lalake.

Sa ilang mabilis na segundo ay makikitang hinubad ng lalaki ang kanyang basang-basang t-shirt. Kinuha ng babae ang basang t-shirt at iniabot niya sa lalake ang jacket. Isinuot ng lalake ang jacket. Hinubad nito ang cap sa ulo, isinuot sa ulo niya ang hood ng jacket at muling ibinalik sa ulo ang cap. At tila awtomatikong kinuha din ng lalake ang payong na dala ng babae at siya na ang humawak nito para ipantakip sa mga katawan nila laban sa tumatalsik na ulan papasok sa waiting shed.

Kung pagmamasdan ay aakalain ngang magkakilala sila at may relasyon. Nguni't ang totoo, hindi sila magkakilala at pareho nilang hindi naaaninag ang mukha ng bawa't isa dahil sa madilim doon sa waiting shed at natatakpan ng hood ng jacket ang ulo ng babae. Ganoon din ang lalake. May suot pang cap at dark shades ito.

Sa gitna ng malakas na ulan, matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog ay kinawit ng lalake ang babae sa tabi niya para kahit papaano, ang magkadikit nilang mga katawan ay magdulot ng komportableng init para sa kanila.

Walang ni isa mang salitang namutawi sa mga labi nila magmula ng dumating ang babae doon sa waiting shed hanggang ngayon na magkadikit ang kanilang mga katawan. Sapat na ang tila nagkakaintindihan nilang mga damdamin sa oras na iyon. 

Habang sila'y halos magkayakap ng mahigpit sa ilalim ng waiting shed ay may kung anong tila pamilyar na pakiramdam ang sa kanila ay biglang bumalot. Pakiramdam na parang hindi na iba. Pakiramdam na tila matagal ng panahon na nandoon sa damdamin ng bawa't isa.

Ang lahat ng mga kaganapang iyon ay nasaksihan ng mag-lolo sa loob ng kanilang kotse kahit nga medyo madilim doon sa waiting shed. Magsasalita pa sana ang matandang lalake pero sa wakas ay umandar na ang kotse nila. Nakalayo na agad sila sa waiting shed.

AUTHOR'S NOTE:

Hi everyone! This is my third novel here sa Wattpad. 'Yung una, may title na Love Spell, ay matagal ng tapos at published na completely. Naumpisahan ko na din i-upload dito yun second novel kong Nasaan Si Maria Clara at nasa kalahati na ang tinatakbo ng story nun pero matagal kong hindi na-update kasi naging busy ako. Itong Minsan Pa ay matagal ko na din na-upload dito ang first 7 chapters nito pero nahinto ako sa pag-update. Hopefully, ngayon sipagin na ako at ma-inspire sa pag-update nito para matapos na din. Matagal na din itong nakabinbin tulad nung nobela kong Nasaan Si Maria Clara. Uunahin ko na muna itong Minsan Pa na tapusin bago ko isusunod iyon.

So, kung gusto n'yong kiligin, then keep on reading. Walang bibitaw hanggang sa huli.

Please don't forget to vote, share and leave your comments. I promise to answer all your comments.

Thank you so much! Happy reading! Sana magustuhan ninyo ang story na ito.

MINSAN PA (TAGALOG LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon