CHAPTER 3

70 2 0
                                    



~~~~~****~~~~~

"Love is the beauty of the soul. Make each day your masterpiece."

~~~~~****~~~~~

Monday morning.

Pagpasok ni Marty sa office niya ay tumambad sa kanya ang sangkatutak na mga flowers. May mga bouquets of different colors of roses, mayroong mga nakalagay sa mga iba't ibang sizes and colors ng mga vase at mayroon ding mga nakaayos ng maganda sa loob ng mga kahon. May mga vases din ng iba't ibang klase ng bulaklak tulad ng Dahlia, Tulips, Chrysanthemum at Orchids na mamahalin at iba't ibang kulay.

"Hala, naligaw yata ako ng pasok. Office ko ba ito? Bakit parang nagmukhang flower shop?" napakamot siya sa ulo niya.

Kasunod pala niya ang kanyang Executive Assistant na si Shaira.

"Ma'am, mga delivery of flowers po ang mga 'yan from different senders. Galing sa mga admirers mo at mga manliligaw. Nalaman yata nila na nagkasakit ka last week." Paliwanag ni Shaira ng makitang parang natulala sa dami ng mga flowers si Marty.

"Shaira, pakilagay na lang 'yung ibang mga flowers dun sa ating Prayer Room. Hindi ko naman maiuuwi lahat 'yan kasi sobrang dami. Kung gusto mo, kumuha ka na rin ng para sa iyo at ibigay mo sa mother mo." Nakapamaywang si Marty habang nakatitig pa rin sa mga bulaklak sa loob ng kanyang office.

"Ma'am, Shaira po, as in Sha-eeeeee-rah." Paalala ni Shaira sa boss niya.

"Eh bakit, ano ba ang sabi ko? Sige na nga, Sha-eeee-rah na kung Sha-eeeee-rah. I said, please bring some of those flowers to our Prayer Room, for Mama Mary." Bigla ay naging ma-awtoridad ang tono ng kanyang boses.

Hindi niya nagustuhan na parang nagiging too close for comfort ang kabago-bago pa lang niyang Executive Assistant. Wala pa itong dalawang buwan sa company nila. Kung kumilos ay para lang silang magka-level.

Ang Prayer Room ay isang special room na talagang designed and assigned para lang sa mga empleyado, kung gusto nilang magdasal kapag break time. May malaking estatwa doon ni Mother Mary at ng Sacred Family. Religious kasi ang owner ng pharmaceutical company na ito na pinagtatrabahuhan ni Marty. Human Resources and Administration Manager siya doon at ten years na niyang hawak ang posisyon na iyon.

Binitbit ni Shaira ang dalawang vase na punung-puno ng mga red and white roses.  Papalabas na ito ng office ni Marty ng bigla itong pumihit at may naalala.

"Ay Ma'am, by the way, panay po ang tawag sa inyo ni Dr. D'Angelo. Sabi niya very urgent daw and if you could return his call. Then, 'yung mga suitors mong sina Jiggs, Kenji, Nelson, Boyet at Xavier, panay din ang tawag. Hindi ko sinabing nasa hospital ka kasi baka istorbohin ka lang nilang lahat doon. Tama lang ba Ma'am ang ginawa ko?"

"Tama naman. Mabuti at naisip mo na baka istorbohin nila ako sa hospital. Ayoko talagang magpaistorbo. And by the way Sha-eeee-rah, since when have you started calling those guys by their first names? Hindi mo ba alam na mga businessmen ang mga iyon and they are holding the highest position in their respective companies? At 'yung si Kenji na sinasabi mo, 'yun si Mr. Yamamoto, ang President and CEO ng Yamamoto Trading. Please respect their titles, at least." Seryosong sabi ni Marty.

Biglang namutla ang mukha ni Shaira.

"Sorry po, Ma'am".

"At hindi lahat ng mga tumatawag na lalake sa akin ay manliligaw ko. Please erase that idea from your mind. Hindi maganda 'yan. Diyan nagsisimula ang mga intriga. Kung gusto mong ma-regular dito sa kompanyang ito at magtagal sa trabaho mo, just work diligently and harmoniously. Mind your own business."

MINSAN PA (TAGALOG LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon