CHAPTER 6

54 0 0
                                    


~~~~~****~~~~~

When the mirror of life gets dirty with the fog of reality,
just try wiping it with your faith.
You will get a clear reflection of your dreams once again.

~~~~~****~~~~~

"See? I told you so. Alam mo Martinna, alam na alam ko na ito. I know this will surely happen. Ang tigas kasi ng ulo mo kung minsan. Sinabi ko na kasi sa iyo na maghinay-hinay lang sa trabaho pero hindi mo ako sinunod. And don't deny it. Alam kong hindi mo ako sinunod. So now, ano na? Nabinat ka tuloy. Ano pa ang masasabi ko kundi welcome back." Umiiling-iling na naglilitanya si Dr. Nievez ng hapon na iyon. Halatang medyo galit na ito kasi ay Martinna na ang tawag kay Marty.

Pumasok pa si Marty sa work ng araw na iyon kahit nilalagnat na. Akala niya ay mawawala pagdating ng tanghali. Kaso kabaligtaran ang nangyari at pagkatapos ng lunch break ay mas lalo pang tumaas ang kanyang lagnat kahit pa nakainom na siya ng paracetamol. Ang mas malala pa ay nanginginig na siya sa ginaw.

Pinauwi siyang bigla ng big boss nila ng makita siya nito sa conference room na nagpupumilit pa ring magtrabaho kahit halata namang hindi na kaya. A-attend pa sana siya ng meeting. Ipinag-drive siya ng company driver nila pauwi sa bahay nila.

Agad naman siyang dinala ng kapatid niyang si Anne sa ospital at eto nga, napalitanya ang family doctor nilang si Dr. Nievez pagkakita kay Marty.

"So welcome back, Martinna. Maa-admit ka dito sa hospital for another week or until maka-recover ka completely." Sabi ulit ni Dr. Nievez.

"Doki, pwede bang house arrest na lang ako? Ayoko na ng hospital arrest. Nakakainip dito. Lalo lang ako magkakasakit dito eh." Nakuha pang magpatawa ni Marty.

"At saka, Doki, ang pangit ng mga pagkain dito, walang lasa. Unlike sa bahay namin, laging masarap ang food kasi masarap magluto si mama. Pwede ba? Please? Tutal lagnat laki lang naman ito. I promise, I'll behave at magpapagaling ako completely bago ako babalik sa work ko. Kapag hindi ko tinupad, saksakan mo na lang ako ng pampatulog forever."

"Hala, Sleeping Beauty lang ang peg? 'Yan tayo eh. Malala na ang sakit, nakukuha pang magbiro." Sabi ni Anne sa kapatid.

"Hay naku Anne, kailangan ba kapag nagkasakit tayo, dapat seryoso? Bawal mag-joke?" apila ni Marty.

"Nakukuha mo pang mag-joke eh kwarenta na ang lagnat mo. At saka anong lagnat laki ang sinasabi mo? Huuuuuyyyy, matanda ka na, uy! Baka nakakalimutan mong mas matanda ka sa akin." Natatawang sabi ulit ni Anne.

"Okay, okay. Ladies, huwag na kayong magtalo. Para wala na lang reklamo at wala ng kaguluhan, sige, papayag na akong ma-house arrest ka, este, house confinement ang ibig kong sabihin. Pati tuloy ako nahahawa na sa kalokohan nitong si Martinna eh. Naisip ko, baka nga mas mabilis siyang gumaling kapag nasa bahay lang siya at nagpapahinga. And I'm sure, mahigpit ninyo siyang mababantayan. Basta iinom lang siya ng gamot sa tamang oras." Biglang nagsulat si Dr. Nievez sa kanyang prescription pad at ibinigay iyon kay Anne.

"Naku, salamat Doki. You're really an angel. Ayan, kapag nasa bahay lang ako, makikita mo Doki, 3 days lang, magaling na agad ako."

"Anong 3 days?!" nanlaki ang mata ni Dr. Nievez sa narinig.

"Doki, what I mean is, 3 days lang okay na agad ang pakiramdam ko, then another 3 days pa na complete bed rest, then another 3 days for full recovery. Ayan, 9 days 'yun ha. Dadagdagan ko pa ng isa para ten days na." lampas sa tenga ang ngiti ni Marty.

Hindi magawang magalit ni Dr. Nievez sa kalokohan ni Marty, palibhasa'y para na rin niyang pamilya kung ituring ang mga ito. At iyon nga ang nangyari, na-confine si Marty sa bahay nila. Kakamustahin na lang ni Dr. Nievez online ang status ng sakit ng dalaga.

MINSAN PA (TAGALOG LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon